ANDRUS. YOU'RE SHAMELESS!

785 52 11
                                    


THE POSSESSIVE HUSBAND 37.2
Title: Andrus Saavedra's Jealousy

Hello!! Here's the continuation of Chapter 37.1: Andrus. YOU'RE SHAMELESS!

➿➿➿➿➿➿➿➿

Habang papalayo ang sasakyan nina Alexis Mendes. Dalawang-pares ng nagbabagang mga mata naman ang ngayon ay nakatitig sa isat-isa.

"Kamusta, namiss mo ba ang best friend mo?" May ngiti sa labing sabi ni Cleo Montefalco bago pasimpleng kumaway sa bagong dating.

Katahimikan...

Matinding katahimikan at nagbabagang mga mata lamang ang tanging sagot ni Andrus Saavedra sa ngayon ay nakangiting mukha ni Cleo Montefalco. Dahilan para makadama ng panlalamig ang katawan ng mga taohan nito. Sa may 'di kalayoan ay isa-isa ring humakbang ang ilan sa mga taohan ni Cleo Montefalco bago umastang nakahandang lumaban sa napipintong labanan ng dalawang Dragon.

"Andrus—Andrus. It's been a long time since I saw you. Did you miss me, my friend?"

"I am warning you. Stay away from my wife." Mariin at napupuno ng napakabigat na emosyon ang bawat salitang lumabas sa labi ni Andrus Saavedra na animoy anomang oras ay maaring sumabog ang nagbabagang mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ng binatang nasa harapan niya.

"Paano kung ayaw ko? Pababagsakin mo rin ba ako?" Sarkastikong ngumiti si Cleo Montefalco bago nagniningning ang mga mata sa tuwa na pinakatitigan ng mapanuring titig ang dating kaibigan.
"Ah~ mali, pinabagsak mo na pala ako. Pinabagsak mo ang dating best friend mo. Ngayon, bakit ka nga ulit nandirito? Oh,wait-- dahil ba ito kay Alexis Mendes? Nakakatawa 'diba? Nang dahil sa isang cute na cute na bunny ay nagkakaganito ang kagalang-galang at hinahangaan ng lahat na kilalang Cold Blooded President ng Saavedra. At heto nga, naririto ka ngayon sa harapan ko at nakikiusap na layoan ko ang wife mo? Aba't-- Tunay ngang kahanga-hanga ang lahat ng ito Hahahaha...Fantastic!" Nagpatuloy ang mahina ngunit mapanudyong pagtawa ni Cleo habang nagsisimula namang mag-umigting ang galit sa puso ni Andrus. Ngunit dahil sa magaling magtago ng emosyon ang Cold Blooded President ng Saavedra Corporation, tanging si Cleo lamang ang nakababatid sa kung anong tunay na nararamdaman ngayon ng lalakeng kausap.

"Nang dahil sa isang munting nilalang na umakit sa puso ng isang makasarili at walang puso na dating kong kaibigan.  Ngayon ay nakatayo sa harapan ko ang isang Andrus Saavedra."


Walang emosyon.


Mata sa mata.


Mga matang nag-uumapaw ng mabibigat na mga emosyon ang ngayo'y mariing nakatitig sa isa't-isa.

"Pinapakiusapan mong—layoan ko ang Gher wife mo?"pag-uulit ni Cleo na hindi winawaksi ang matagumpay na ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi ito pakiusap. Inuutosan kita."
Mariin parin at punong-puno ng may nakalalason na pagbabanta ang mga mata ni Andrus habang nakatitig sa mga mata ng dati-rati rin ay itinuring nitong matalik na kaibigan at kapatid.



Nang mapagtanto ni Cleo at nabanaag ang maitim na aurang nagsisimulang mabilis na bumalot sa mukha ng dating kaibigan. Ang kaninang sarkastikong ngiti ay napalitan ng hindi na maitagong tunay na kasiyahan bago malakas na tumawa dahilan para mapabaling ang atensyon ng ilang taong naroroon sa kanilang atensyon.
"Paano nga kung ayaw ko?"



Katahimikan.



Ang kanina lang ay nababalot ng masayang aura na paligid ngayon ay unti-unting nabalot ng mabigat at malamig na aurang tila ba ay nanunuot sa kani-kanilang mga puso. Maging ang ilang staff ng Sofia's Restaurant ay nakadama narin ng takot sa dalawang lalakeng ngayon ay mariing nakatitig sa isa't-isa. Mga titig na parang malalaking karayom na tumatama sa kani-kanilang puso. Walang may nais makialam, walang may nais kumilos. Sa puso't isipan ng ilang naroroon, parang mababangis na Tigre ang nasa harapan nila at anomang oras ay puweding sumabog ang mga ito.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now