ANDRUS SAAVEDRA

2.5K 98 11
                                    

ATTENTION⚠️⚠️⚠️

Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan. Walang pilitan po' tayo rito.

KABANATA 2


              ➿➿➿➿➿➿➿

"Ang lahat gagawin mo? Kung gayon ay pakakasalan kita pero may kundisyon..."

Pinilit kong hindi mapangiti sa naging reaction niya. Possessive akong tao at kapag ginusto ko, makukuha ko. At ang Carrier na ngayon ay nasa harapan ko. Ang siyang Gher na hinahangad at nagbigay ng kakaibang init sa puso't katawan ko.


Alexis Mendes.


Tila hindi ako nakikilala ng magandang nilalang na nasa harapan ko. Sa puntong ito ay hindi ko na mapigilan ang mabigat na damdamin na pumapaloob sa kaibutuuran ng aking dibdib. Nakalimotan agad ako ng nilalang na'to? Ganito ba kadaling kalimotan ang mukha ng Isang Andrus Saavedra?
Nangingitngit sa galit itong dibdib ko.


"Kung ganoon ay ano ang kundisyon?"

"Ang kundisyon? " Pigil ang ngiting nagnanais kumawala sa aking labi. Ang cute naman kasi nitong Gher na nasa harapan ko.
" .... Simple lang naman ang kundisyones ko. Magpapakasal ako sa'yo kung mapapangako mong ibibigay mo sa akin ang iyong kaluluwa, katawan at puso mo. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang may kahati. Nauunawaan mo naman ako 'diba?"

Nang dahil sa sinabi kong ito ay mabilis na namilog ang mga mata nito bago mabalot ng hindi ko mawaring emosyon. Hindi ko mapigilan ang matuwa sa nasisilayan ng aking mga mata. Tunay ngang kahali-halina ang gher o male conceiver na nasa harapan ko.

"Ngayon ano ang sagot mo Little One?"

Kuyom ang kamao at nagpakawala nang nanginginig na hinininga ang Gher na kausap ko bago matalim at pursigido ang mga matang tumitig sa akin at nagsabing,

"Sigi. Tatanggapin ko ang mga kundisyones mo. "

"Sigurado ka ba sa desisyon mo? Mabilis akong kausap Little One."

Nakikita ko sa  mga mata nito ang determination sa isang bagay. Walang bagay na hindi ko nalalaman tungkol sa kanya. Sabihin niyo man akong stalker, Obsessed, Crazy o kahit ano pa man, matutuwa ako. Dahil ito ang katotohanan. Baliw ako sa Gher na nasa harapan ko.

Ang totoo nito ay hindi ito ang una naming pagkikita ni Alexis Mendes. Tandang-tanda ko pa ang kauna-unahang araw nang masilayan ko ang maamo niyang mukha.

FLASHBACK:

(Ito na po'ang mga Ilan sa pagbabalik tanaw natin sa nangyari bago itong pag-uusap nina Alexis at Andrus.)

Malakas na tunog ng musika ang umalingawngaw sa buong paligid. At mga katawan na umiindayog sa saliw ng tugtog. Subalit sa kabila ng kasiyahan na nasa kanyang harapan. Hindi pa rin nagbabago ang malamig na expression sa mukha nang nakikilalang pinakabatang billionaire at pinakabatang negosyante sa bansa. Siya ay walang Iba kundi si Andrus Saavedra. Malamig at tila nagbabaga ang mga matang nakatitig sa kawalan, wala ni kahit katiting na emosyon ang mahahagilap sa kanyang mata.

Cold Blooded Prince. Ito ang ilan lamang sa matatawag sa tulad niya. Sa unang impression mo sa kanya, masasabi mong nakatatakot ang taong ito. Guwapo at maamo ang mukha ni Andrus Saavedra. Kung iyong pagmamasdan marami ang mga babaeng nababaliw dito na siyang malaking envy naman sa mga kalalakehan. Ngunit sino ba naman sila sa harapan ng isang Andrus Saavedra?

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now