28

792 44 7
                                    

The Possessive Husband

Sorry for the late update.
Sobrang lakas ng ulan dito, Sa amin!! 🤦

WARNING: Violence ⚠️⚠️⚠️


         ➿✨✨✨✨✨✨➿

Sa gitna ng malawak na tubig at makapal na alon. Nababalot ito ng tila napakabigat at katakot-takot na aura ang paligid bago maririnig ang isang malakas na pagsigaw ang umalingawngaw sa buong paligid. Tatlong lalake ang ngayon ay nakayuko at nanginginig ang katawan, habang sa harapan naman ng Tatlo, ang ilang kalalakehang may itim na kasuotan.

Maaninag ang nababalot na takot sa mga puso nito ngunit tila walang naririnig ang mga kalalakehang ito.
Tagaktak narin ang pawis na dumadaloy sa mga mukha nito, at animo'y anomang oras ay maaring sumabog ang mga katawan nila sa labis-labis na panginginig.

Sa tatlong lalake na ito ay higit na mababanaag ang takot sa lalakeng ngayon ay nakayuko habang paulit-ulit na iniuntog ang noo sa lupa habang sinisigaw ang pagmamakaawa.

Ang taong ito ay ang isa sa mga tauhan ni Andrus Saavedra. Ang Isa sa mga naatasan para protektahan ang gher na si Alexis. Ngunit sinong mag-aakala na sa malaking halaga ay pagtataksil ang gagawin nito.

"Young Master Andrus! Na--nagawa ko lang ho' ang lahat ng iyon ng dahil sa pangangailangan! Boss parang awa mo na-- may pamilya akong umaasa..."

Hindi pa man natatapos ang sasabihin nito isang malakas na pagpalo sa katawan ang natanggap nito dahilan para mapasigaw nang malakas ang lalake. Nagsimula namang mabalot ng takot ang dalawang kasama nito. Kung alam lang sana nilang pagpalpak ang kahihinatnan, di na sana nila tinanggap ang pera. Ngayon ay walang pagsidlan ang nag-uumapaw na takot sa mga puso nila.

"Para sa pamilya ba kamo?" Mariin ang mga mata. Maaninag ang sarkastikong ngiti sa mukha ni Andrus Saavedra. Hindi narin maitago ang mabigat na aurang bumabalot sa katawan ng lalake. Galit ang nag-uumigting sa mga mata nito. Galit dahil sa pagkakataon na ito ay nagkamali siya. At sa maliit na pagkakamaling iyon ay muntikan ng mapahamak ang taong pinakaiingatan niya.

"Ano nga ulit ang pangalan nito?" Nakangiti ngunit hindi ngiti, ito ang makikita sa mukha ni Andrus habang nakatitig ito sa taong kaharap Niya.

"Young Master Andrus. Siya si Collin Amus."

"Collin Amus? Ah~"

Sa bigat ng aurang bumabalot sa katawan ni Andrus, tuluyang nataranta ang tatlong lalake habang walang pagsidlan ang pawis at mga luhang tagaktak ng dumadaloy sa katawan ng mga ito. Tanging sina Sebastian at ang ilan sa mga tauhang pinagkakatiwalaan ni Andrus ang hindi makikitaan ng pagbabago ng emosyon.

Isa man sa mga tauhan ni Andrus ang nagtaksil sa tungkulin nito. Ito ay dahil hindi pa ni Collin nakikilala o nakakasama ang tunay na Cold-blooded president ng Saavedra empire. Hindi pa nasaksihan ng lalake ang nakatatakot na Andrus Saavedra. At sa gabing ito.
Tunay niyang makikilala kung sino ang taong kinalaban Niya.

Awa naman ang mababasa sa mga mata ng ilan. Minsan narin nilang naging kasama ang lalake at dahil dito ay hindi ng mga ito maiwasan ang kaunting awa na mabilis rin namang nawala sa kanilang mga mata.

Pagkairita naman ang mababanaag sa mukha ni Sebastian. Isa ito sa itinuturing niyang kauna-unahang pagkakamaling nagawa. Kung naging mahusay lang sana siya sa pagpili ng mga tao, di sana hahantong sa kapahamakan ang wife ng boss niya. At sa puntong iyon, nag-uumigting ang pagnanais sa puso ni Sebastian na kumitil ng buhay. Ang pagnanais na sakalin at makita ng sariling mga mata ang paghihirap ng taong nagtaksil sa Boss niya!

Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa labi ni Andrus bago marahang pinakatitigan ang mga mukha ng tatlong kalalakehang nangahas saktan ang gher wife niyang si Alexis.
"Sinasabi mong nagawa mo ito ng dahil sa asawa't anak mo? Pero-- alam ba ng pamilya mo na binabalak mong takasan ang pamilyang binuo para isama ang kabet mo?"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now