CHAPTER 6

1.7K 85 15
                                    

   

                   ~Alexis~

  

"Brother umuwi karin sa wakas. Alam mo bang nag-alala kami sa'yo? Alalang-alala si Grandpa Alfonso sa ginawa mo, hindi mo manlang ba ito naisip? Saan ka ba nagsusuot?"

Mariing saad ni Krystal nang makarating ako sa Mansion ng Mendes Family. Maamong mukha nito ay nag-umapaw ng kalungkotan at pagtatampo. Ngunit kasalungat ang nakikita ko sa mga emosyong ito. Kitang-kita ko sa mga mata ni Krystal ang kasiyahan sa matinding kahihiyan na aking pinagdaraan. Ang mga mata nito ay waring nagsasabing,

'Karma is a b!tch!"

Sa mga nagdaang araw, mula sa kasal ni Vincent at ng half-sister ko hanggang sa  makilala ko ang isang mala-adonis na si Andrus Saavedra at ang mga reaction ng mga taong nasa paligid na tandang-tanda ko pa hanggang ngayon. Pakiramdam ko ay parang naubos ang lakas ko sa tension at mabibigat na emosyong nag-umapaw sa aking dibdib. Ang katanongan na paulit-paulit na sumasaliw sa utak ko ay patuloy parin  na nanaig sa aking dibdib. Ang isipin na kung tama ba ang aking nagawa noong hindi ako kumilos para pigilan ang kasal nina Vincent at Krystal. Pakiramdam ko tuloy parang pinagtatawanan ako ng mga taong nakababatid sa sitwasyon ko.

Nararapat ba talagang bumalik ako noon sa venue ng kasal at manggulo o ipabatid sa lahat ang katarantaduhan ni Vincent at ng half-sister ko? Matatanggap ko ba ang mga simpatya, awa at panunuligsa sa akin ng  mga Taong naroroon? Sapat bang gawing rason ang katotohanan na ako ang tunay na fiance ng Ex-boyfriend ko at umastang baliw o gumamit ng ibang tao para lang sa kaligayahan ko?  Pero kung ginawa ko iyon at patuloy na ipaglaban ni Vincent ang kapatid kong si Krystal, parang isa narin akong Villain sa love story ng kapatid ko at ng Ex-boyfriend ko. Nakakatawa lang diba? Ang maging kontrabida sa mga taong mismong sumira sa buhay ko? Tama ba? Kung nagawa kong manggulo sa mga oras na yaon, hindi  ko na ba mararamdaman ang malaking kahihiyan sa mga mata ng mga taong nandoon? Isama na natin ang parents ni Krystal na walang ibang ginawa kundi ang balewalain ang damdamin ko.

Iniwanan ng Fiance sa mismong araw ng kasal at sa huli ay nabalitaan kong nagpakasal ito sa sariling kapatid ko. Ang suwerte nga naman talaga ng buhay ko.

At ngayon nandito ako at nagbalik sa Mendes Family.

Malapad ang ngiti ng mga taong tila ba ay nag-aantay sa aking pagdating. Matamis ang ngiting ipinukol sa akin ng kapatid kong si Krystal bago malambing na kumalambitin sa katabi nitong si Vincent. Ang lalaking minsan rin ay nagpatunay sa akin sa  katagang  'Sa akin  nag-alok ng kasal ngunit sa iba nagpakasal'  Marahil sa iba ay katawa-tawa ito pero sa sitwasyon ko. Isa itong masalimoot na bangongot sa tanang-buhay ko.

"Brother... "
Animoy nakakaawang tupa na tumitig si Krystal sa aking mga mata bago magpakawala ng isang malalim na pagsinghap. Suot-suot na naman nito ito ang makapangyarihan nitong maskara na siyang rason upang makuha nito ang simpatya ng mga taong nasa paligid niya. Nag-uumapaw sa mukha ni Krystal ang  kalungkutan ngunit kung iyong papakatitigan  nang mabuti at pag-aaralan. Mapapansin mo sa mga mata ng babaeng ito ang 'di maitagong kasiyahan sa sitwasyon na aking kinasusuongan. Bakit hindi nalang kaya nito pasokin ang pagiging isang actress at maybe sumikat pa diba?

"Alexis, I'm sorry. Hindi ko talaga ginustong mangyari ang lahat-lahat ng 'to pero nagmamahalan kami. Mahal na mahal ako ni Vincent at mahal ko rin siya, dahil dun ay nagkamali kami sa'yo. Alam kong mahal na mahal mo ang 'husband' ko pero... mahal na mahal rin namin  ang isa't isa. Please, huwag ka ng magalit. Hindi ko ginustong masaktan ka. Kapatid kita kung kaya ay mahal kita. Sorry na, huwag ka nang maglayas ng bahay. Pabigla-bigla ka nalang na nawala at hindi nagpakita. Hindi mo ba alam na alalang-ala sa  iyo si Grandpa Alfonso?  Ngayon ay galit na galit pa si Grandpa dahil sa paglalayas mo. Sinisisisi pa kami ngayon ni Grandpa Alfonso dahil sa katigasan mo ng ulo. Alam kong nasaktan kita, namin, pero hindi naman sapat na rason ito para mawala ka nalang bigla na parang isang bata. Fine, naiintindihan kita, magalit ka na sa'kin at lahat-lahat ay ibunton mo sa'kin. Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay magpapasalamat parin ako sa'yo dahil hindi mo ginulo ang kasal naming dalawa ng taong mahal ko. Taos-puso akong nagpapasalamat sa'yo dahil napakabuti mo."
Nababalot ng hiya at lungkot ang tinig ni Krystal na siyang rason upang mabalot ng awa ang mga mukha ng mga taong kasama namin.



The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now