47

510 33 4
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

           

Sa loob ng isang malawak at tagong silid ng isang pribadong restaurant. Magkaharap ang dalawang magandang babaeng ngayon ay nababalot ng mabigat na tension at aurang nag-uumapaw sa mga mata ng mga ito. Titig na titig ang mga mata. Matang nangungusap ng magkaibang emosyon. Ang isa ay tila ba'y tuwang-tuwa sa nakikitang nagbabagang galit sa mga mata ng kaharap kapagkuwan ay ngumiti ng mapanuring ngiti.

Ang dalawang babaeng ito ay minsan naring naging magkakampi sa isang sitwasyon, pero ngayon ay nagbabaga ang mga matang nakatitig sa isa't-isa.
Ang dalawang babaeng ito ay sina Krystal Mendes Logan at ang Young Miss Ng Tontawan family.
"At bakit mo naman ako tinawag rito?"

Matamang pinakatitigan ni Krystal Mendes ang magandang babaeng nasa harapan niya bago masusing pinag-aralan ang mala-anghel na mukha nito.

Kitang-kita niya sa maamong mukha nito sa kung paano sumilay sa labi nito ang isang mapanuring ngiti at doon rin ay nasilayan niya rito sa magandang mga mata nito ang nakalulukong kislap na sa una ay hindi niya kaagad na naunawaan. Sa mga oras na ito ay para bang nasilayan ni Krystal ang sarili sa babaeng nasa harapan niya. Kuhang-kuha niya ang mga emosyon na nag-uumigting sa mga mata ng dalaga.

Sa mga oras na ito ay tila na nagmistulang nanalamin siya at nakikita sa dalaga ang sarili niya.

Galit, inggit, pait, and paghihigante. Kapansin-pansin ang matinding paghahangad sa mga mata nito na animo'y ninanais ang isang bagay na hindi nito magawang makuhakuha. At sa mga oras na ito ay nalalaman ni Krystal kung ano ang bagay na ito, or madaling sabihin ay Taong hindi nito magawang makamtan.

"Miss Tontawan. Kung iniisip mong magagamit mo ako para mapabagsak ang kapatid ko. I'm sorry, nagkakamali ka. Hindi ako ang taong nararapat na kinakausap mo."

Sa mga sandaling iyon ay tuluyang nagbago ang maamong expression sa mukha ng dalagang si Tontawan. Ang magandang mukha nito ay nabalot ng sarkastikong ngiti at napalitan ng kaunting galit o pagkairita. Bagay na hindi na nito marahil ay ninanais itago.

Ngunit sa kabila ng malaking pagbabago sa expression ng mukha ng dalaga ay nanatiling matatag ang isipan ni Krystal. Bakit niya itataya ang kinabukasan niya para sa babaeng nasa harapan niya? Pagkatapos ng marahas na pagtutuos nila ng Gher na si Alexis ay magkakasunod na ang kamalasang nangyayari sa kaniyang buhay. Iniwan siya ni Vincent Logan at ngayon ay pinipilit ng Logan Family ang putulin ang anomang relasyon na nag-uugnay sa dalawang pamilya, bagay na naghatid ng matinding sama ng loob sa Amang si Robert Mendes. Ngayon naman ay isa-isang nawawala ang lahat-lahat ng pinakaiingatan niya. Karangalan, pangalan, at paghanga ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Ngayon ay ginawa siyang katatawanan sa harapan ng mga taong dati-rati lang ay nababaliw sa kaniyang kagandahan.

At ang lahat-lahat ng ito ay nababatid niyang may kinalaman ang husband ng kapatid niya na walang iba kundi si Andrus Saavedra.

Sa isiping ito ay muling nanumbalik ang pait at poot sa puso ni Krystal. Ngunit gaanoman ang galit na nag-uumigting sa kaniyang dibdib ay wala na siyang magagawa lalo pa't nakabantay na sa kaniyang mga kilos ang sariling Grandpa Alfonso Mendes. Sa isang maliit lang na galaw ay kataposan na ng lahat sa kaniya. Isa pa sa mga taong gumugulo at tuwang-tuwa sa bagsak niya ay ang Pinsan ng ex-husband niyang si Vincent Logan. Isipin palang ang sarkastikong ngiti sa labi ni Allen Logan ay nagbabaga na ang apoy ng galit sa kaniyang dibdib.

Walang pagsidlan naman ang tuwang bumabalot sa puso ni Miss Tontawan sa nakikitang pagpapabago-bago ng mga emosyon sa mukha ng kausap, bagay na nagbigay sa kaniyang mga plano ng katuparan.

Sa nakikita ng mga mata ni Tu Tontawan ay hindi parin humuhupa ang galit o poot sa mukha ng magandang babaeng si Krystal bagkus ay nagsusumibol pa itong muli.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now