54.2

531 31 11
                                    

ANG PAGPAPATULOY

            ALEXIS MENDES

Mataman na pinakatitigan ko ang  husband kong si Andrus gayon din ito  na ngayon ay malamlam ang mga matang nakatitig sa aking mga mata.

"Wife. Ang matandang Butler Zang na ito ay ang matandang Butler na nagmula pa sa angkan ng Tontawan at ang Ama ni Mario Zang na dating karelasyon ng Ina ng ex-fiance mong si Vincent Logan. Tiniwalag ang matandang si Antonio ng pamilyang Tontawan ng dahil sa malaking pagkakasala nitong nagawa noon. Para  higit mong  maunawaan ay tawagin natin siya sa tunay  na pangalang Antonio Chua. Ang pangalan naman ng anak nito na siyang Ama ni Krystal ay Allen Chua."

BANG!!!

Sa mga salitang ito, pakiramdam ko ay para bang binalot ng napakalamig na yelo ang buong katawan ko. Para bang tumigil sa pag-ikot ang oras sa paligid at nahihirapan na lunukin ang mga impormasyon na nag-uumapaw sa aking pandinig.

Kung ganoon ba si Krystal at Vincent ay...

Magkadugo?!

Half-sister ni Vincent si Krystal?

Isipin palang nito ay halos magsitayoan ang aking mga balahibo. Halos Wala akong maapuhap na sasabihin ng dahil sa impormasyon na ito. Sa mga oras ding iyon ay may naramdaman akong kung anong  kumirot sa aking tiyan pero hindi ko nagbigyan pansin dahil tigagal parin ako sa balitang nakalap ko. Nanginginig ang hiningang napasinghap ako bago ilang sandali munang nanahimik at nagtanong. Si Krystal at Vincent ay magkadugo? Ibigsabihin ba nito ay iniwan ako ni Vincent para sa half-sister nito? Sa balitang ito ay para bang pinaglaroan ako ng tadhana.

"Wait-- hindi ko labis  na maunawaan. So... sinasabi mo na ang Grandpa ni Krystal ay ang matandang Butler Zang o mas kilala bilang Antonio Chua? At ang anak naman nitong si Allen Chua na dati-rati rin ay family driver ng Mendes ang siyang tunay na Ama pala ng kapatid kong si Krystal? No. No. Oh--gawd No way. At 'yong... 'yong Ina ng half-sister kong si Krystal ay ang siyang Ina rin ni Vincent na si Clarisse? Gawd... Andrus, naguguluhan ako. Paanong... paanong mangyayari ang lahat ng 'yon? Sandali lang, alam na ba ito ni Krystal? Kung gayon ba ay niloko ng mag-amang 'yon si Mr. Robert o ang buong Mendes, kahit si Grandpa Alfonso ay nalinlang din nila? Pero imposibleng mangyari ang sinasabi mo Andrus. Kung anak nga ni Clarisse Logan si Krystal hinding-hindi nito mapapayagan na makasal si Vincent at..."halos magkandautal-utal na saad ko sa labis-labis na hindi pagkapaniwala sa rebelasyon na itong natanggap ko. Pakiramdam ko ay para bang may malaking bato ang dumagan sa aking dibdib sanhi upang bumigat ang aking dibdib.

"Alexis. Walang nalalaman si Clarisse Logan patungkol sa bagay na ito at wala ring nalalaman si Robert. Sa pagkakaalam ng Ina ni Vincent ay matagal ng yumao ang anak nito sa dating kasintahan. At isa pa, walang nalalaman si Clarisse ng pamilyang Logan patungkol sa tunay na pagkatao ng dating nobyo nito lalo  pa't nagpalit ang mga ito ng pangalan,  nagbago ng kataohan at lahat-lahat. Kung  kaya  hindi nakapagtataka na walang kaalam-alam si Mrs. Clarisse Logan at ang anak nito ngunit sa usapan patungkol sa kapatid mong si Krystal.  Kamakailan lang ay napag-alaman  na ito ngayon ng kapatid mo pero pilit nitong itinatago sa Logan ang mahalagang impormasyon na ito."

Sa kasagotan na ito ni Andrus mabilis na pumasok sa utak ko ang  mukha ni Krystal. Base sa malaking galit at iingit nito sa akin nasisiguro kong walang pagsidlan na ngayon ang nag-uumapaw na poot sa puso nito. Kung noon ay hindi na nito natanggap ang pagiging half-brother at illegitimate child ko sa ina nito. Paano pa kaya ngayon na ako  pala ang tunay na may dugong Mendes? Sa tingin ko ay hindi  ko na magagawang sukatin ang  poot nito para sa isang tulad ko. Ang Isa sa katakot-takot na impormasyon na ito ay ang katotohanang magkadugo sila ni Vincent at siyang husband pa nito ngayon! Kung ako ang nasa sitwasyon nito  ngayon paniguradong ikamamatay ito ng puso ko.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now