14

1.1K 52 9
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 14

A/N: Sobrang malakas ang ulan sa amin kaya't pahirapan ako maka-update, mahina pa ang signal. 🤦

Here's the next chapter, Enjoy reading.

          ➿➿➿➿➿➿➿➿

"Isang illegitimate child ng Mendes family ang wife ko at nalalaman niyo na ito. Ngayon Dad, Mom. May katanongan ako at ninanais ko ng mabilis na kasagotan. Isang hadlang ba ang pagiging illegitimate child ni Alexis para maging bahagi siya sa Pamilya nating ito? Ano'ng masasabi niyo, Mom and Dad?"

Panandlian na nabalot ng katahimikan ang paligid bago binasag ito ng Ina ni Andrus.

"Maaari ba naming makilala ang Gher na nasa aming harapan?"

Pinagsalikop ni Andrus ang mga palad nila ng Gher fiance niyang si Alexis bago marahan na pinakatitigan ang sariling Ina dahil sa hindi nito pagsagot sa katanongan.

Imbes na sagotin ang katanungan ni Andrus. Itinuon ng mag-asawang Saavedra ang atensyon sa ngayon ay nakatulalang si Alexis.

Nang marinig ni Alexis ang marahang tinig ni Mrs. Saavedra tila ba kusang kumilos ang kanyang katawan at seryoso ang mukhang humarap sa Ina at Ama ng lalaking pakakasalan niya.

Alexis finally stood up. He bowed slightly towards the Saavedra couple and smiled to greet them. "Nice to meet you, Uncle, Auntie. Ako nga po' pala si Alexis Mendes."

Mataman niyang pinagmasdan ang reaction ng mag-asawa kapagkuwan ay marahang bumaling sa kambal na dalaga. Makikita ang masayang ngiti sa labi nina Sally at Jermalyn. Hindi niya akalain na makikilala niya sa mismong araw na ito ang dalawang sikat na actress na siyang hinahangaan niya ng husto. Si Sally Saavedra ang tinaguriang Stephanie Saavedra sa movie na inantabayanan niya 'Long Live Your Majesty ' at si Jermalyn naman ang sa ' Senior, please Follow me! ' Sinong mag-aakala na nasa kanyang harapan na ngayon ang dalawang female lead ng dalawang dramang ito!

Pigil ang hiningang tumango si Alexis sa dalawang magandang babae bago napatitig sa isa pang babaeng hindi niya nakikilala. Maganda ang mukha at kung iyong pagmamasdan ay tunay ngang nakaakit nga. Ngunit, isang bagay ang naaninag niya sa mga mata nito.

Hatred and Hostility?  Sa pagkakaalala niya ito ang kauna-unahan nilang pagkikita? Dahil sa bigat ng mga emosyong nag-uumapaw sa mga mata ng babae. Minabuting maibaling ni Alexis ang kanyang atensyon sa parents ni Andrus. Na siyang reason upang makadama siya ng kaba at pag-aalala.

Ano'ng gagawin niya sa kung sakali na hindi siya matanggap ng mga magulang ni Andrus?
Nanginginig ang mga palad na pilit niyang hinamig ang kanyang sarili. Hinding-hindi siya maaring makitaan ng kahinaan sa mga oras na ito.

Mr. Ambrosio Saavedra  was dressed in  Zhongshan attire. His hair was combed backwards. Although his gaze was heavy from his years of experience, he appeared spirited and his eyes were sharp. It was  obvious that he had been a legendary figure in his youth.

Isang matamis rin na ngiti ang sumilay sa labi ni Mrs. Veronica Saavedra. Anng Ina ni Andrus Saavedra. Mataman nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa ang Gher na si Alexis na siyang dahilan para mabalisa ang katawan nito.

"Yes, you must be the  male conceiver ng Mendes family. Maraming bagay na akong naririnig sa iyo at ang lahat ng iyon ay nagmumutawi sa bibig ng sister mo."

Nang marinig ito ni Alexis, mabilis na bumalot sa puso niya ang takot at pag-aalala. Alam na alam niya sa kung gaano nasira ang reputation niya ng dahil sa sariling kapatid. Masisira rin ba ang pagkakakilala ng mag-asawang ito ng dahil sa mga salitang nagmumutawi sa labi ng kapatid? Nag-aalalangang napasulyap siya sa kanyang katabing binata dahilan para mapansin niya ang nag-uumigting na apoy ng pagkairita sa mga mata ni Andrus Saavedra.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now