KABANATA 3

2K 86 14
                                    

Mga error sa gramatika sa unahan.

Warning: ⚠️⚠️⚠️ Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan. Walang pilitan po' tayo rito.

------------------

Note: Ito ang pagpapatuloy sa pagbabalik tanaw po ito sa mga nangyari. Maybe ay may magtaka ang ilan sa inyo. Nagbabalik tanaw lang po tayo bago tayo bumalik sa pag-uusap nina Alexis at Andrus.



THIRD PERSON'S POV~

Malaking takot ang bumabalot sa puso ng lalaki na nagnanais manakit sa gher na si Alexis. Hindi ito makapaniwala na nakatayo ngayon sa kanyang harapan ang isa sa kinatatakutan at hinahangad na malampasan ng karamihan. Si Andrus Saavedra. Ang Cold Blooded Prince sa mundo ng Business World. Halos tumalon palabas ng  dibdib nito ang  puso ng lalaki  dahil sa malakas na pagtibok nito. Nagsimula naring isa-isang humakbang papalto ang mga taong kanina lang ay masayang nakikiusyoso sa kanilang kinaroroonan bago nagsimulang magbulungan sa isa't-isa.

"Sino siya?" Turan ng isang may katabaang lalaki bago itinuro ang bagong dating na si Andrus Saavedra.

"Siya lang naman ang tagapagmana ng Saavedra Corporation. Siya si Andrus Saavedra."
Maingat na tugon ng isa pang lalaki na katabi nito habang pasimpleng yumukod at nag-iwas ng paningin nang mapagtanto nito ang mabigat na aurang nag-uumapaw sa binatang ngayon ay mabilis na sumumulyap sa kanilang direksyon, saka ibinaling ang paningin sa lalaking siyang punterya nito. "Oh shut up nalang tayo..."

"Tama..." Sa mga oras na iyon ay damang-dama ng mga ito ang tila napakabigat na aurang nag-uumapaw sa katawan ng binatang ngayon ay titig na titig sa lalaking tumulak sa hindi nakikilang gher.

"May nakilala ba sa gher na'yan?"

"Ewan ko?" Pagpapatuloy ng mga bulong-bulungan ng mga taong naroroon sa dance floor habang nakatitig sa maamong mukha ng gher na tila wala sa sarili nito. Sa bawat paghakbang na ginagawa ng mga paa ng isang Andrus Saavedra ay siya rin namang mabilis na magkandautal-utal sa takbo ng puso ng lalaking nakahawak pa rin sa malaking bote na ihahampas sana nito sa gher na nakahandusay sa sahig. Makikita sa mga mata ng gher ang kawalang focus habang nakatitig sa kawalan. Nanginginig naman ang katawan ng lalaking kani-kanina lang ay malakas ang loob na manakit.

"Subukan mong hawakan siya at sisiguraduhin kong mabubura ang tulad mo sa mundong ito!" Sa puntong iyon ay parang nabalot ng napakalamig na yelo ang buong paligid. Ang kaninang malakas na hiyawan at masayang tawanan. Ngayon ay tuluyan na ngang nabalot ng matinding katahimikan. Sa sobrang tahimik ay tila ba maririnig mo  na napakabilis na pagtibok ng puso ng laking may hawak na bote sa  kanang kamay nito. Sa isipan ng lalaking ito. Bakit nga ba niya ulit tinanggap ang utos na'to? Ano ang kapalit ng Sampung-libong kabayaran sa kanya para saktan at sirain ang gher na'to kung ang buhay naman niya ang kapalit? Sa kapangyarihan na taglay ng binatang nasa harapan niya. Nalaman niyang magaganap ang salitang binitawan nito. Damn! Napag-utusan lang siya! Ito ang malakas na sigaw ng lalake habang nanginginig ang katawan na tila naghihintay ng sariling hatol sa kanyang kamatayan.

"Boss... Napag-utusan lang a-ako. Pera-pera lang B-boss... Wala talaga akong balak na saktan siya. Tinatakot ko lang siya, OO.. tinatakot ko lang talaga siya--"

Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ng lalaki. Nakatitig naman sa guwapong mukha ni Andrus ang Girlfriend nitoat nagniningning ang mga mata na tila anomang oras ay maaring tumalon ito at kainin ang biyayang nasa harapan niya. Na siyang dahilan para makadama ng pandidiri ang binatang business man.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now