Fifth

1.1K 46 0
                                    

"Ser! Umuwi na si Julie Anne?", tanong ni Makoy.

"Oo, hinahanap kita kanina eh", sagot ni Elmo.

"Ah ok! May sasabihin pa sana ako eh!", kamot nito sa ulo.

"Hello?! Eh di tawagan mo?, suggest ni Elmo.

"Eh wala na ko load, Ser!, kamot ulit nito sa ulo.

"Talaga naman!!", saka kinuha ni Elmo ang cellphone sa bulsa.

"Hehe, Thank you Sir", saludo naman nito saka pumunta muna sa likod para tumawag.

Matagal nang magkakilala sila Elmo at Makoy. Nirekomenda kasi ito ng kaibigan ni Elmo nung College. Anak kasi si Makoy ng driver ng kaibigan.

Kaya nang mangailangan ng mga tao sa bar. Nakuha niya si Makoy.

"Hindi sumasagot Sir eh!", saka binalik ang telepono sa amo.

"Baka busy na yun sa Poetry Reading nila sa Katipunan", sabi nito.

"Okay... oh table 6 na follow up mo na ba order?", tanong ni Elmo.

"Oo naman Sir, naserve ko na syempre!", ngisi nito kay Elmo.

"Bus out muna pala ko, Sir!", saka na ito muling tumalikod.

-------------------------------------

"Seriously?", tanong ni Elmo sa girlfriend na si Missy nang makita nito na may bitbit na naman itong wine.

"Babe! I'm starting to get worried, napapadalas na talaga ang inom mo",...

"Minsan iniisip ko, hindi na ako ang pinupuntahan mo dito eh!", ingit ni Elmo.

"Hon, this is red wine, it's good for the heart!", sabi pa nito pero halata naman na ang bahagyang pagka tipsy nito.

"Do you want me to bring you home now?", pagalala ni Elmo.

"I'm fine, Hon, I can still drive!", sagot nito.

"Babe, may problema ka ba?", tanong nito sa girlfriend.

"Coz if this is your way of solving it, it'not gonna help", alala ni Elmo.

"I'm okay! Don't worry about me!", panigurado ng girlfriend saka humalik sa pisngi ni Elmo.

"Hon, I'm gonna go now okay!", paalam ni Missy.

"You drive safe okay?", saka din hinalikan ang girlfriend sa labi.

Hinatid niya ito sa sasakyan.

"Call you later?", sabi pa ni Elmo sa girlfriend.

"Of course!", sagot ni Missy.

"Ì love you!", lambing ni Elmo.

"Love you Hon!", sagot naman ni Missy.

Umalis itong hinahabol ng tingin ni Elmo.

Nagaalala si Elmo sa inaasal ng girlfriend.

Masyado itong nagiging aloof lately.

Pumupunta man siya araw araw sa bar ni Elmo, pero hindi naman din sila masyadong nakakapagusap.

Madalas nga ay tipsy na ito kung magtagpo sila.

Nagiisip si Elmo nang biglang tumunog ang cellphone nito.

Tumatawag si Julie Anne.

Ano na naman kaya ang dahilan ?

"Hello!",...

"Elmo? Tumawag ka? Missed call kita!", sabi ni Julie sa kabilang linya.

"Ha? Ako?", nang biglang naalala nito na hiniram ni Makoy ang cellphone kanina.

"Ah... hindi si Makoy yun!",sabi ni Elmo.

"Nakigamit siya ng phone kanina.",..

"I think he needs to ask something!", paliwanag ni Elmo.

"Teka ha puntahan ko", sabi pa nito.

"Ah wag na,okay lang!", sabat ni Julie.

"Kung importante talaga yun, tatawag yun ulit", sabi pa niya.

"Ah, okay, where you at?", tanong ni Elmo.

"Nasa Katipunan ako", sagot ni Elmo.

"I see. Mukhang masaya diyan ah!", usisa ni Elmo.

"Well, yeah! Kung mahilig ka sa poetry", ngisi nito sa kabilang linya.

"Why not? Subukan ko yan minsan, sama mo ko!", sabi ni Elmo.

"Haha! Baka ma-bore ka lang!", ani Julie.

"Try me?!", dare ni Elmo.

"Haha! Sige next time. Sama mo yung girlfriend mo!", suggest ni Julie.

"Yeah..Sure!", sagot naman uli ni Elmo.

"Ah, sige baka nastorbo na kita!", putol ni Julie sa usapan nila.

"Ahmm, okay...Sure ka? hindi mo na kakausapin si Makoy?", ....

"Yeah, next time na lang!", sagot ni Julie.

"Okay, sige, ingat na lang!", si Elmo.

"Okay, bye!", saka na in end ang call.

Bumalik na si Elmo sa loob ng bar.

Hinanap nito agad si Makoy.

"Makoy, tumawag si Julie",...

"Akala niya ako kumokontact sa kanya kanina!", sabi ni Elmo dito.

"Bakit mo nga daw ba siya tinawagan?,usisa ni Elmo.

"Ah, hihiramin ko kasi yung gitara niya Ser!", sagot ni Makoy.

"Nagpapaturo kasi mag gitara si Jen, yung nililigawan ko!", nahihiya pa nitong sabi.

"I see..",maikling sagot ni Elmo.

Talented pala talaga si Julie kung iisipin niya.

"Ah, Makoy?! Alam mo ba san siya ng po-poetry reading?", curious na tanong ni Elmo.

"Bakit, Ser?", takang tanong din ni Makoy.

"Gusto ko sana dalhin si Missy dun!",..

"Para maiba naman yung environment", paliwanag ni Elmo.

"Ah sa Katipunan yun Ser, maliit na hang out place nila yun ng mga barkada nya sa UP", sabi ni Makoy.

"Every weekends nagkikita kita sila dun, sa Naked Ear,", kwento pa ni Makoy.

"Basa-basa, kape-kape! Ganun!",...

"Ah okay,wala bang ibang araw?!", tanong ni Elmo.

"Busy tayo pag weekends eh", panghihinayang ni Elmo.

"Wednesdays Sir, alam ko meron din, pero wala si Julie nun!", esplika ni Makoy.

"Pag Wednesday kasi, sessionista naman yun sa bar ng pinsan niya sa Bulacan", dagdag nito.

"Ang dami naman niyang talent?", ngisi ni Elmo.

"Raketera lang talaga yun Ser! Haha!", biro ni Makoy.

"Sabi ko nga sa inyo, weirdo yun!", dagdag ni Makoy.

"Basta punta tayo one of these days!", panigurado nito.

"Sige, Sir!", tango ni Makoy.

Naisip ni Elmo magandang outlet ang Poetry reading para kay Missy.
Lalo na't coffee shop lang ito. Di nila kelangang uminom.

Pero at the back of his mind, naku curious din siya kay Julie.

Not everyday that you get to meet extra ordinary people like her.......






















Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon