Eighty Third

1.1K 70 3
                                    


"What happened?", takbo ng mama ni Julie palapit sa kanya.

Tumayo naman agad si Elmo, habang tahimik lang si Julie.

"Nakita ko si Makoy sa palengke at sinabing papunta siya dito dahil nasa ospital ka daw!"

Tinext nga pala ni Elmo si Makoy kanina para may makasama.

Off kasi ni Makoy ngayon.

At ayaw pa sana ni Elmo kay Teddy sabihin ang kalagayan ni Julie. Kaya hindi ito ang una niyang naisip.

"Is it something about your heart?", tanong ng ina.

"Ahm...Moe, can you get something for Mama. Coffee or juice?

Tinignan naman ni Julie si Elmo ng makahulugan.

"Are you sure? I thought....", takang tanong ni Elmo.

Tumango naman si Julie.

"Its okay, we'll talk to her later!", mahinang sabi nito.

Nakuha naman ni Elmo agad ang nais iparating  ni Julie.

"Excuse me lang po Tita, labas muna po ako", saka na dumiretso sa pinto.

"Are you okay, iha?", tanong agad ng ina.

"Ma....May sasabihin po ako. Sana hindi po nyo ito ikasama ng loob",...

"Ano yun, anak?",..

"Ma, b-buntis po ako!", saka na umiyak ng tuluyan.

"I'm so sorry Ma!", takip ng mga kamay ang mukha niya.

Bumuntong hininga naman ang Mama ni Julie.

Matagal bago nagsalita.

Saka hinawi ang mahaba niyang buhok.

"Anak, it's alright. Naiintindihan ko. Hindi naman ako magagalit", mahinahon ang boses ng ina.

"At kahit paano, hinanda ko na din ang sarili ko sa mga posibilidad na ganito.", seryoso ang ina.

"You're already an adult. At naiintindihan kong hindi na "piko" ang nilalaro nyo ni Elmo", nangisi naman ang ina.

Natawa na din si Julie.

"Ma, naman ehh!", nahihiya nitong sabi.

"I was only 18 when I had you,"...

"And to tell you the truth?",...

"Ang sabi ko sa sarili ko, malagpasan lang sana ng anak ko ang 18....masaya na ko!", ngisi nya kay Julie.

"Lagpas lagpas na ang expectations ko sa yo anak",

"Nagawa mo na ang parte mo bilang anak namin ng papa mo",...

"You did good in school, you're an artist in your own right, ikaw ang pinaka magaling na side kick ko sa negosyo",...

"And I'm sure you'll be a good mom too",

"At kung ano man ang desisyon nyo ni Elmo, susuportahan ko", saka pa ito humalik sa pisngi ng anak.

"A child is a blessing, It's a gift!",...

"Bakit tayo tatanggi diyan!", ....

"Salamat, Ma. Thank you po talaga! I love you, Ma!!!",...

"Sagad!!!", sigaw pa ni Julie.

Dali dali nitong kinuha ang cellphone at nagtext kay Elmo.

**It's alright now, Irog. You can come in.😊

Ilang minuto bumalik na din si Elmo sa kwarto.

Dahan dahan itong pumasok.

Ngiti naman ang sinalubong ng mag ina.

"Congratulations Elmo!", bati ng mama ni Julie saka pa ito niyakap.

"Salamat po, Tita!"...

"I'm glad.. hindi po kayo nagalit", sabi pa nito.

"Iho, gone are the days ng mga nanay na naghi hysterical pag alam nilang buntis ang anak nila haha!",saka ito muling tumabi kay Julie.

"See! Isn't my Mom the coolest, Irog?", pagyabang pa ni Julie saka pa yumakap sa ina.

"Yes, she is!!!", masaya ding sambit ni Elmo.

Nagkakwentuhan pa ng mahaba ang tatlo. Napagusapan ang mga ipapangalan sa baby. At kung paano ito idedeliver ni Julie.

Normal ba or C- section?

Sinong OB-Gyne na magaling at kung sinu sino ang mga ninong at ninang kung sakali.

Ingat na ingat din si Julie na mabanggit ang salitang "kasal".

Not now. Sa Baby muna ang focus nila.

Dahil at the back of her mind, baka hindi naman talaga siya alukin ng kasal ni Elmo.

Ayaw niyang umasa.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡


















Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon