Isang babae at lalake ang napili nila Julie at Elmo na mag gi-gig every Friday.
Yung naunang nag audition at yung last na lalake.
Reggae naman ang genre nito. Kinanta niya ang Waiting in Vain by Bob Marley at version ni Israel Kamakawiwo'ole ng Somewhere Over the Rainbow.
Ito ang naging paborito nila Elmo at Julie.
"Bagay siya sa Tiki!", bulong ni Julie.
"Yeah, I think so!", ngisi ni Elmo.
Sakto ang vibe nito na dread locks ang buhok.
Very cool at relaxed ang datingan.
"I like him too!", nasabi ni Elmo.
Nagexcuse muna ito para sabihin backstage ang napili nila sa audition.
Naiwan muna sandali si Julie, nang biglang may nag vibrate na phone.
Pero pag check niya sa telepono, hindi kanya ang tawag.
Nakita niyang naiwan ni Elmo ang cellphone sa couch.
Di naman niya ito pinansin pero hindi tumitigil sa pagvibrate.
Nacurious na tuloy siyang silipin kung sino ang tumatawag.
"MissyBabe", basa niya sa nagfa flash na name sa phone ni Elmo.
"Oh, eh di ikaw na Baby niya!", bulong nito sa sarili.
Huminto naman ito sa pagtawag pero may text message na pumasok.
Lilinga linga naman si Julie kung padating na si Elmo.
Nangangati itong basahin ang message ng girlfriend.
Pasimple niyang binasa kung ano lang ang nasa screen.
**I'm staying here for a week more Hon! I miss you!
Sakto din namang balik ni Elmo sa pwesto nila.
Hindi naman nito nahalata na parang naiba ang posisyon kung san naiwan ang telepono.
Binasa naman ni Elmo ang message.
"Tsss!" , inis na sambit nito.
Deadma naman si Julie saka nagtanong..
"Bakit?", ani kay Elmo.
"Ah, wala, my girlfriend!",....
"She'll be extending her stay daw sa Singapore", sabi nito.
"I see!", tango ni Julie.
"I hate it when she suddenly changes the plan", mukhang magkukwento ng himutok ang Elmo.
"Gusto ko sana, if she says, 3, 4 or 5 days lang siya mawawala, sundin niya yun!",....
"But usually, when she gets excited on something, nakakalimutan na niya ko", hugot ni Elmo.
"Baka naman importante din kaya need niya pa magstay?", opinion ni Julie.
"Nah!, it's just shopping and partying with friends", sabi ni Elmo saka uminom sa beer in can na hawak.
"Pag nagta travel yun, it's always pleasure!", paliwanag niya.
"Sarili naman kasi niya ang oras niya, and she has assistants sa boutique niya", kwento pa nito.
"Sometimes, it gets too routinary na din",....
"It's always the same thing!", buntung hininga pa ni Elmo.
"Kaya nga I wanna try that Poetry reading!",.....
"Sama mo ko tomorrow ha?!", request pa niya kay Julie.
"Pano tong Tiki?", tanong ni Julie.
"Andyan naman si Jelai!", saka tumuro sa counter.
"She can handle it", sabi pa ni Elmo.
"Besides, di ba mga 8pm naman yun sabi mo?"....
"Makakabalik naman ako agad maybe around 11, para magclose", paliwanag niya.
"Okay, sabi mo eh!", ngisi na lang ni Julie sa kanya.
Nagkatitigan na naman sila.
"You have beautiful eyes, you know?", puna ni Elmo.
"Ha!?", tanging nasagot ni Julie.
"Yeah, your eyes are very expressive !", tango ni Elmo.
"Thank you!", huminhin naman ang kilos ni Julie.
"I like seeing girls na walang make up!",...
"Mas natural, mas maganda!", dagdag pa niya.
Namumula naman si Julie sa mga linyang binibitawan ni Elmo.
Hindi niya alam kung dahil marami na itong nainom, gayung iisang can pa lang naman ang nakikita niya sa table nila.
O sadyang binobola lang siya nito.
"Eto naman! ang ganda ganda kaya ng girlfriend mo!", pag basag niya sa ilang na nararamdaman.
"Oo naman. But you know, when we were in College, simple lang siya!",..
"That's what I liked about her. Walang make up. Simpleng shirt and
jeans...", kwento nito."Pero unti unti, nagevolve siya",....
"She became very conscious with the way she looks!", ....
"Antagal tagal mag ayos, papalit palit ng damit pag may date kami",nangingisi kwento ni Elmo.
"I don't know why, all of a sudden she became unsure of herself",parang malungkot ang boses nito.
"I mean, it's very contradicting na parang mas confident pa siya dati na simple lang siya!",......
"Compared to now na napapansin kong she's somewhat unsecured of herself?!", dagdag ni Elmo
"Baka naman gusto lang niya kasing laging maganda sa paningin mo?", pagpagaang ni Julie sa loob ni Elmo.
"Eh maganda naman na nga siya para sa kin!", sagot ni Elmo.
"It's okay if she gets extra pretty pag kelangan", sabi pa niya.
"But I miss the old her na simple lang at walang pakialam sa kung ano itsura niya!",....
"Parang...ikaw!", pahayag pa ni Elmo
♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction