Katatapos ng Sunday mass nila Julie at Elmo.Medyo mainit sa simbahan. Madami kasi talagang tao ngayon. Summer pa kaya humid ang panahon.
"Baby, are you okay?", tanong ni Elmo habang naglalakad sila papunta na sa kotse niya.
"Yeah, medyo mainit lang kaya nakakahilo konti sa church",..
"Do you wanna take a rest first, bago tayo magdinner?",...
"Nope, I'm fine. Kahit sa kotse na lang, magpahinga muna tayo, maaga pa naman",tingin niya sa relo.
Alas cinco pa lang ng hapon.
"Okay, I know a place kung saan makakapahinga ka ng maayos", ngiti ni Elmo kay Julie.
"Sa bahay? Wag na Irog, baka tamarin na ko umalis kung uuwi pa tayo?", tanggi ni Julie.
"Hinde", maikli nitong sagot saka na inalalayan si Julie sumakay ng kotse.
Nagdrive naman si Elmo papunta sa lugar kung saan pamilyar na si Julie.
Saka siya inalalayan bumaba.
Pamilyar na sa kanya ang langitngit ng gate sa tuwing bubuksan ito.
"Andito na naman tayo, Irog?!", ...
"Kakasuhan na talaga tayo ng trespassing!", ngisi pa niya saka umangkla sa braso ni Elmo papasok.
Narito na naman sila sa animo'y private garden na napakaganda ng mga bulaklak.
Dito sila nagpicnic ni Elmo dati.
"Haha! Hinde...kilala ko na yung may ari", ngisi pa ni Elmo.
"Ah okay, ako na ang taga dito sa Bulacan, pero hindi ko naman kilala kanino ba tong lugar na to",....
Umupo naman sila sa isang blanket na nilatag ni Elmo sa damuhan. At dahil pababa na din ang araw, prumesko na din ang hangin.
"Ang ganda talaga dito no? Sino kaya ang nagmemaintain ng mga halaman at bulaklak dito?", saka pa iginala ang tingin sa palagid.
"Ang alam ko may gardener ang may ari na naga alaga dito",sagot ni Elmo.
"Ang galing naman, irekomenda natin kay Mama para maiayos ang garden sa bahay", suggest ni Julie.
"Sige itatanong ko", tango ni Elmo.
"Do you like it here, Baby?",...
"Oo naman, presko dito saka para kang nasa paraiso, akala mo napunta ka na sa ibang bansa eh, hehe", ngisi ni Julie.
Saka naman tumayo si Elmo.
May kinuha ito sa kotse saka dali daling tumakbo pabalik sa kinaroroonan ni Julie.
May iniabot ito sa girlfriend.
"What is this?", takang tanong ni Julie sa inabot ni Elmo.
"It's my anniversary gift...", ngiti ni Elmo pabalik.
Tumaas ang dalawang kilay ni Julie na parang nagtatanong.
"Its the 30th Baby! Di mo na naalala?!", saka pa kinurot ang ilong ni Julie.
Binuksan naman ni Julie ang hawak na brown envelope.
Hindi ito karaniwang regalo sa isip niya. Walang ribbon at hindi nakabox.
Nanlaki ang mga mata ni Julie sa nakitang laman ng envelope saka napayakap kay Elmo.
"Oh my God, Elmo! Oh my God!", .....
"You bought this place?", tanong pa ni Julie.
Tumango naman si Elmo.
"I wanted to be closer to you",...
"Saka alam ko ayaw mong malayo sa Mom mo, so I thought, it would be better if we get a place here in Bulacan", paliwanag ni Elmo.
"And when I saw this place, I knew this would be the perfect spot where we can build our dreamhouse someday",
"Kaya hindi ko na talaga tinigilan yung owner na ibenta na lang to",...
Eto pala ang pinapa asikaso niya kay Makoy.
Kaya pala naging busy din ito lately.
"I love you, my Baby!", saka pa hinalikan si Julie sa labi.
"I love you too, Elmo!", saka binalik pa ng 3 beses ang halik dito.
"And thank you!", sincere na pasasalamat ni Julie.
Tumahimik ito sandali..
"I also have the perfect gift for you", saka pa ngumiti kay Elmo.
Magsasalita na sana si Julie pero bigla, unti unting lumalabo ang tingin nito kay Elmo.
Blurry.
Para siyang nabibingi saka na tuluyang nag pass out.....
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
AlteleA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction