Thirty Fifth

1K 49 2
                                    

Wednesday, last day ni Missy sa St.Luke's Hospital.

Andun si Elmo para sumuporta.

May dala pa nga itong isang bouquet na white roses para sa dating girlfriend.

"She's undergoing therapy for her depression", kwento ng tita nito.

"She needs a vacation too. Baka dalhin ko muna siya sa Tagaytay for a while", dagdag ng tiyahin ni Missy.

"I hope you'll get to visit her there!", bilin pa nito.

"Ah...O-opo. Opo I'll visit her once in a while", pilit ang ngiti ni Elmo.

"Ipangako mo Elmo. She needs you now, more than she needs you before!", diin ng kausap.

"Hindi biro ang pinagdaraanan ni Missy. Any moment, gagawa na naman ito ng bagay na maaaring ikapahamak niya ng tuluyan!", banta pa ng Tiyahin.

Tumango tango naman si Elmo.

Saka na lumapit kay Missy. Nakaupo na ito sa wheel chair para maihatid na ni Elmo palabas.

"Ready to go?", ngisi niya kay Missy.

Naaawa siya sa dating girlfriend. Wala na ang dating sigla nito.

Batid niyang mabigat ang pinagdadaanan nito ngayon, ayaw niyang sabayan.

Hindi naman siya masamang tao para na lang basta pabayaan ang babaeng minsan naging malaking bahagi ng buhay niya.

He still cares for her. Hindi naman na mawawala yun.

"Hon?!", tawag ni Missy kay Elmo habang tulak tulak ang wheelchair niya.

"Yes?", sagot ni Elmo na bahagyang yumuko para marinig ang sinasabi ni Missy.

"Sasama ka ba sa bahay ni Tita?", tanong nito.

"Ah hindi muna Missy, kasi medyo ilang araw na kong di nakakasilip sa Tiki", paliwanag nito.

"I'll visit you this weekend, okay ba yun?!", pangako ni Elmo.

Hindi naman ito sumagot.

Inalalayan na lang ito ni Elmo lumipat ng sasakyan ng tiyahin niya.

Hinawakan naman muna ni Missy ang braso ni Elmo bago pa nito isara ang pinto ng van.

"I'll wait for you!", sabi ni Missy sa kanya.

Umoo naman si Elmo dito.

"Of course!", tango niya dito saka hinalikan ang noo.

"Ingat kayo. Sige po Tita Cecil!", paalam niya sa dalawa.

--------------------------------

Hapon naman nang dumating siya sa Tiki.

Panay naman ang tingin niya sa relo.

Hindi siya mapakali. Ang daming tao ngayon.

Busy sila.

Aminado siyang ilang araw na niyang di natututukan ang negosyo.

Pero di naman din pwedeng hindi niya puntahan si Julie.

Lunes pa ng huli silang magkita nito.

"Sir Elmo, yung table 4 po kanina pa nakaabang sa sukli nila?", paalala ni Makoy.

"Ah okay!", saka na ito nagpunch sa cash register.

Wala sa sarili si Elmo. Madami siya iniisip.

Si Julie...Si Missy...Itong Tiki.....

Maya maya pa, dumating na ang savior niya sa araw na yun.

"Jelaaaiii!!! , sigaw niya ito niyakap.

"I'm so glad you're here na!", sumigla ang boses nito.

"Oh, sige ikaw na bahala dito ha!?", tapik niya sa balikat ng kahera.

Dali dali naman itong lumabas para dumiretso sa sasakyan.

Alas 7 na ng gabi, isang oras lang naman ang biyahe niya pa Bulacan.

Mag alas 8 nang dumating siya sa Teddy's Grill.

Sa pinto pa lang kita na niya si Julie.

Pero umasim ang mukha niya ng makitang may kausap ito.

Nagtatawanan pa nga ang dalawa.

Saka ito nagtungo sa pwesto nila.

Bigla naman itong humalik sa pisngi ni Julie.

Kinagulat naman ito ng dalaga.

"E-Elmo?!", tawag ni Julie.

"Kala ko di ka makakapunta eh!", sabi ni Julie.

"Well, I'm here, don't I?!", sarkastikong sagot nito halata ang pagkayamot.

"Ah, Jappy...this is Elmo!", pakilala ni Julie.

"Jappy!", saka naman inabot ni Jasper ang kanang kamay.

"Elmo...Julie's boyfriend!", saka din inabot ang kamay niya.

Di naman nagpahalata si Julie na ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Ah, Julie puntahan ko muna si Teddy ha!", pagexcuse ni Jappy.

Tumango naman si Julie.

"What was that all about?", medyo inis na sabi ni Julie kay Elmo.

"Ako pa tinanong mo? Di ba dapat ako nga magtanong sayo bakit kausap mo yung lalake na yun?", tanong naman ni Elmo pabalik sa kanya.

"He's a friend. Regular yun pumupunta dito every gig ko", paliwanag naman ni Julie.

"Of course he'll be here every gig mo, nanliligaw siya eh!", mahina pero firm ang boses ni Elmo.

Umiling iling naman si Julie.

Ayaw niyang tuluyang masira ang gabi dahil lang sa isang walng kwentang bagay.

May 1 set pa siya para kumanta.

Tumayo naman na ito para pumunta muli sa stage.

Naiwan naman si Elmo na di pa din maipinta ang mukha...

♡♡♡♡♡♡♡





Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon