" Welcome To The Christian World, Magalona Twins "
Ito ang nakasulat sa tarpaulin na nakasabit sa porch ng newly refurbished house ng mga Magalona. Finally nabinyagan na din ang kambal.
Kasabay ng Sunday brunch , ay nag pa house blessing na din sila. Gusto sana ni Elmo na ibang araw ganapin ang pagpapa bless ng bahay nila para mas mapaghandaan pa, pero di pumayag si Julie na iuuwi na ng pirmi ang kambal doon ng hindi pa nababasbasan.
"Congratulations Julie! Elmo!", bati ni Lola Dessy.
"Thank you po Lola Des!", sabay mano ni Julie dito. Nagpaalam muna itong aasikasuhin ang mga bisita nila.
Humalik naman si Elmo sa ulo ng mahal na lola saka inalalayan sa uupuan nito.
"Asan ba ang kambal?"
"Ah tulog po 'La, napagod din kasi. Alam nyo naman sila ang star of the show hehe!", biro pa ni Elmo.
Naupo naman si Elmo sa tabi nito. Habang tinitignan si Julie mula sa malayo. Busy itong inaayos ang mga pagkain sa kahabaan ng buffet table.
Napangiti si Lola Dessy.
"Maswerte ka sa asawa mo, Apo",
" Sobra po, 'La", pagsangayon din ni Elmo.
"Everything went by so fast. Minsan naiisip ko, what did I do to deserve this life", iling pa niya.
"Moe, mabait kang bata. Napakasipag mo at mapagmahal. Alam mo pano makipagkapwa tao. You deserved everything that's been going on with your life"
"All you have to do is be grateful", tapik pa ng lola niya.
"Everyday po, nagpapasalamat ako Lola, sa lahat ng blessings na nakukuha ko",
"I couldn't ask for more",
"Except sa maging healthy lagi ang kambal pati si Julie",
"Kumusta naman ang preparasyon nyo para sa kasal?",
"Okay naman po. Konting polish na lang, La",
"Hindi na nga din ako makahintay na makasal kami",
" It's the ultimate gift that I can give her",
"If I could turn back the hands of time, mas pipiliin ko pa din naman na makasal muna kami bago pa po naipanganak ang kambal",
"But I guess, everything happend for a reason",
"Bakit, Apo? Kung hindi mo ba nabuntis agad
si Julie, hindi mo ba siya sana papakasalan muna?","Lola, Don't get me wrong. Syempre po, gusto ko pa din na maging legal ang pagsasama namin",
"Pero kung may isa akong regret, yan ay yung isang bagay na gusto ko sana eh nagawa muna ni Julie before she settle down"
"She loves her craft so much, at alam kong hanggang ngayon frustration niya ang makapag exhibit para maishowcase ang mga paintings niya",
"It's never too late, apo",
"I know 'La", saka tumingin sa butihing Lola.
"And one day, I'm gonna give that to her", ngiti ni Elmo.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction