Twenty Eighth

1K 59 5
                                    

Naiwan si Julie sa gitna ng parking.

Napako na ito sa pagkakatayo.

Natinag na lang ito nang mapansin ang mahinang pagpatak ng ulan.

Umaambon na.

Tumakbo si Julie sa loob ng sasakyan niya.

Kasabay ng pag-ulan, umagos din ang luha niya.

Hindi niya maintindihan bakit siya umiiyak.

May mali ba sa reaksiyon niya na nagalit siya sa desisyon ni Elmo na tuluyang makipaghiwalay kay Missy?

Ayaw niya ng ganito. Hindi ganito ang ineexpect niyang mangyayari.

Yumuko siya saka yumakap sa manibela.

Pahihintuin lang niya ang ulan saka na aalis.

Isang oras naman matapos bumalik si Elmo sa Tiki, lumabas muli ito para ihatid sa parking ang isang kaibigan.

Pagalis nito, namataan naman ni Elmo ang pamilyar na sasakyan.

Hindi pa pala umaalis ang taong kanina lang ay nagconfess siyang nagugustuhan niya.

Lumapit siya dito.

Nakayuko pa din siya.

Tinap niya ang bintana para tawagin ang pansin ng tao sa loob.

Binuksan naman ito, nang makitang si Elmo ang kumakatok sa bintana niya.

"Julie, What are you doing here?", tanong ni Elmo.

"Bakit hindi ka pumasok?", alalang tanong ni Elmo.

"Umulan kanina, pinatila ko lang. Aalis na nga din ako eh!", sagot ni Julie saka aktong bubuhayin na ang makina ng sasakyan.

"Sorry ha!", sabat agad ni Elmo.

"San na naman?", sungit ni Julie sa kanya.

Ilang beses na atang nagsorry si Elmo.

Kung load nga lang ata ito, daig pa niya ang naka unlimited text at call.

"Galit ka ba sa kin?" , tanong ni Elmo.

"Hindi ako galit sa yo!", sagot ni Julie.

"Galit ako sa ginawa mo!", dagdag niya agad sa sinabi.

Diretso lang ang tingin nito, ni sulyapan si Elmo ayaw niyang gawin.

"Na ano?", takang tanong naman ni Elmo.

"Dahil nakipagbreak ako kay Missy?",......

"O dahil.....nagconfess ako na may gusto ako sayo?", prangkang tanong ni Elmo.

Hindi naman kumibo si Julie.

Parang ayaw muna niyang pagusapan.

Bumaba lang ito ng sasakyan.

Wala nga siyang pakialam kung matatamaan niya si Elmo ng pinto.

Naiinis kasi talaga siya dito.

Alisto naman si Elmo at nakaurong ito agad bago pa buksan ni Julie ang pinto niya.

Kinuha lang niya ang painting na nakalagay sa backseat.

Saka walang sabing inabot ito kay Elmo.

Sakto lang ang size nito. Hindi ito sosobra ng laki sa mga movie posters sa mga sinehan.

Ito kasi ang ideal size ni Julie dahil gusto niya, sa bar ni Elmo ito ilagay.

"For me?", nakuha na din ni Elmo na ngumiti.

Sinira naman niya ang nakabalot dito para makita ang kabuuan ng painting

"Wow! This is perfect, Julie!", namangha naman siya sa nakita.

"Tiki Love by JAPS", basa ni Elmo sa title ng obra ni Julie.

Isa itong painiting ng Tiki God.

"I'm glad you like it", ngumisi na ito sa wakas.

"Of course! I love it!", sabi pa ni Elmo.

"I'll put it in my office!", sabi pa niya.

"Thank you!", saka na ito bumaling kay Julie.

"You're welcome!", sumagot din naman ito.

"So, Pano? Pasok ka muna?", aya ni Elmo.

"Please!", pakiusap niya pa.

Wala na din magawa si Julie.

Hindi naman niya talaga matitiis si Elmo.

--------------

"Makoy!", tawag ni Elmo.

"Pakilagay naman to sa office ko!.....Salamat!", utos niya pa dito.

"Julie, upo muna tayo!", saka niya inalalayan si Julie sa isang lamesa na nasa bandang dulo.

"You want someting to drink?", tanong ni Elmo.

"Water na lang!", sagot ni Julie.

Tumawag naman si Elmo ng crew para dito.

Walang imikan naman sila nung una pareho.

"Ang daming nangyari ngayong gabi no?", si Elmo ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.

"Oo nga eh!...Ang daming...revelations!", sabi pa ni Julie.

"Ahh! Julie...yung sinabi ko kanina...totoo naman lahat yun", malumanay ang boses ni Elmo.

"I got caught up in the situation, kaya medyo nainis na din ako kanina", paliwanag niya.

"Hindi naman kasi ako naguguluhan talaga", .....

"Like I said, maraming beses ko namang pinagisipan ang pakikipag hiwalay kay Missy",....

"I tried to work it out. Akala ko din maayos pa", ....

"Pero I guess, hanggang dun na lang talaga kami", depensa ni Elmo.

"Yun nga kasi ang kinaiinis ko!", sagot ni Julie.

"Kung hindi mo ko nakikalala, hindi mangyayari to!", inis pa din si Julie.

"Kung hindi ako dumating sa buhay mo, sigurado kayo pa din!", dagdag niya.

"No. Don't say that!", pag taliwas ni Elmo sa sinabi ni Julie.

"You know naman that everything happens for a reason, di ba?!, ...

"Serendipity?...",

"Fortunate accidents?,....

"Forces of nature?", ....

"Whatever you might wanna call it", pagisa isa ni Elmo.

"We are drawn to each other, Julie"....

"Sana naman, wag mo na labanan yun!", sabi pa ni Elmo.

"Sana...you'll give me a chance to prove to you that I really care about you!", pakiusap ni Elmo.

"Please?", sincere ang mga mata ni Elmo.

Matagal bago nagsalita si Juie.....

"Promise?,.....

"You won't break my heart?", seryosong tanong ni Julie.

"I promise!", hinawakan naman ni Elmo ang kamay ni Julie.

Hindi umimik si Julie.

Instead, she intertwined her hand and gripped Elmo's hand.

"So is this a YES?", tanong ni Elmo na naninigurado.

"YES!", tango ni Julie....

♡♡♡♡♡♡♡

Happy JuliElmo Day, Faneys! 😍😍😍😍









































Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon