Forty Ninth

747 43 3
                                    


"What did you say?", kunot ang noo ni Elmo.

"I said, I'm pregnant!", ulit nito.

"That Singapore trip, isn't a bad idea after all!", malakas ang pagkakasabi nito.

Napako naman si Julie sa kinatatayuan. Nanginginig ang mga tuhod niya sa narinig mula kay Missy.

Hindi niya alam ang susunod na gagawin kung lalapit kay Elmo o tatakbo palayo dito.

She picked the latter.

Si Elmo tulala din pero mas pinili nitong sundan si Julie.

"Baby, please let's talk!", tumatakbo ito para mahabol si Julie.

Inabot niya ito sa sasakyan.

"Julie, please pagusapan natin to?", saka niya niyakap si Julie mula sa likod.

"Elmo, there's nothing to talk about!",...

"Si Missy ang kailangan mong kausapin",naiiyak na ito sa sama ng loob.

"May responsibilidad ka sa kanya!", saka ito pinipilit na kumawala sa pagkakayakap ni Elmo.

"Pero ikaw ang mahal ko!", diin ni Elmo.

"Hindi na importante ang nararamdaman natin Elmo",...

"You experienced it yourself, mahirap ang maulila sa magulang!",....

"Maawa ka sa magiging....baby nyo ni Missy!", saka nito binuksan ang pinto ng pick up at sumakay.

Bago pa ito umalis, nagiwan ito ng salitang ayaw marinig ni Elmo.

"It's over, Elmo!".....

"Goodbye!".....

Saka pinaharurot ang sasakyan.

Napaupo si Elmo sa step na nasa gilid ng kalsada.

Masama ang loob nito sa mga nangyayari.

Naguguluhan siya sa kung ano ang kahihinatnan nito sa relasyon nila ni Julie.

At dahil nagpahiwatig na si Julie ng pakikipaghiwalay sa kanya, mas lalo siyang nakaramdam ng muhi kay Missy.

Pero hindi naman nito pwedeng idamay ang batang dinadala ng ex girlfriend, anak pa di naman niya ito.

Elmo feels like he was caught between a rock and a hard place.

Di nìya alam ang remedyong gagawin sa gusot na ito.

Mahal niya si Julie but he has a huge obligation on Missy.

At hindi niya ito pwedeng pakasalan ng dahil lang sa bata.

"Fuck!", sigaw ni Elmo.

------------------------------------

Humahagulgol naman si Julie habang nagmamaneho pauwi.

Kakulay ng tube dress na suot, namumula ang mukha nito sa inis at galit dahil sa pagkakaugnay niya kay Elmo at Missy.

At kagaya ng nararamdaman, bagsak na din ang kaninang magandang curls sa buhok niya.

Palusaw na din ang make up, kakaiyak niya.

"Tang ina!", sigaw nito.

"Ngayon ka na lang nagmahal, palpak pa!!!", ungot nito.

"Shit talaga!", mura na naman nito.

"Ba't ako pa?!? Ba't si Elmo pa?!?".....

Halos hindi ininda ni Julie ang mga naglalakihang truck sa expressway.

Wala atang isang oras nang matunton niya ang Teddy's Grill.

Friday ngayon at medyo marami na din ang tao sa bar.

Pero di niya pansin kung ano na ang itsura niya.

Dumiretso ito sa counter para makausap si Teddy.

"Anong nangyari?!", tanong agad ni Teddy.

Yumakap naman agad si Julie na parang bata sa pinsan.

"Wala na siya Teddy!", iyak nito.

"Wala na kami ni Elmo!",....

"Ano?!? Panong nangyari?!? Anong ginawa sayo ng gago na yun?!?", sigaw agad ni Teddy.

Bigla namang tumahimik si Julie at naupo sa harap ng bar counter.

Humihikbi ito at hinahabol ang paghinga.

Inabutan naman siya ni Teddy ng isang basong tubig para kumalma.

Uminom muna ito bago nagkwento.

"Buntis si Missy", maikling sagot nito.

Maikli pero di na kailangang ipaliwanag.

"May nakalusot eh! Tindi ng sperm ni Elmo!", natatawa nitong sabi saka nagsneeze sa tissue na hawak.

Pinunasan na niya ang mga luha sa mata.

Huminto na ito sa pagiyak.

Bahagya na lang ang kanyang paghikbi.

"Wala eh, ganun talaga....some good things never last", malungkot niyang sabi.

"Sure ba siyang kay Elmo yun?", tanong ni Teddy.

"Baka pinapaako niya lang yun?", duda ni Teddy.

"Hindi ko alam Teddy. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko",...

"But it made sense di ba, ilang araw sila sa Singapore, paniguradong may nangyari dun!", pagkumbinse niya sa kausap.

"Saka, sa sunud sunod na pangyayari sa pagitan nila, like nagsuicide si Missy at naospital, palagay mo may ibang lalake pang makakasingit?",...

"Saksi din ako sa pagkabaliw ng babae na yun kay Elmo, kahit kami na, kaya imposibleng hindi si Elmo ang tatay!",.....

"If there's any consolation, yun eh maaga pa lang nalaman ko nang di talaga kami para sa isa't isa", malungkot nitong sabi.

Nakikinig lang naman si Teddy sa pinsan. Nahahabag ito sa sinapit sa "first heartbreak" niya.

Inalo naman niya ito para iparamdam ang suporta.

"Yaan mo na, Couz! Marami pa diyan. Marami pang magmamahal sayo!",....

"Ikaw pa ba? Napakaswerte ng lalaking makakatuluyan mo!",...

"Ano pa ba ang hahanapin nila sa isang Julie Anne San Jose",

♡♡♡♡♡♡♡♡






























Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon