Twentieth

914 53 8
                                    

"Gusto ka din niya, hindi mo alam?", tanong ni Missy.

"Pasensiya ka na Missy, ha! Hindi ko alam ang sinasabi mo", tanggi ni Julie.

"Yes you do! Kunyari ka pa? Kala mo hindi ko napapansin how hard you try para makuha ang atensiyon ni Elmo.", bintang ni Missy.

"Excuse me?", impit ang boses ni Julie.

Ayaw niyang patulan si Missy, lalo't nasa bar sila ni Elmo.

Ayaw niya ng mga ganung eksena.

"Whatever it is, sana maintindihan mo na magkaibigan lang kami ni Elmo", sabi ni Julie saka na tuluyang lumabas sa ladies room.

Nakasalubong naman niya si Elmo papunta sa gilid ng stage.

"Ready ka na?", tanong ni Elmo na nakangiti.

Wala itong alam sa ginawang pagkompronta ni Missy.

Tumango naman si Julie.

Umakyat si Elmo sa stage, siya ang nagintroduce kay Julie.

"Good Evening everyone! Tonight is a special night for Tiki because someone close to me is here to perform for all of us!", sabi ni Elmo.

"Please give it up for Ms. Julie Anne San Jose!", pakilala ni Elmo sa kanya.

Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Hawak ang gitara, pumuwesto naman si Julie sa upuan sa stage kung saan siya kakanta.

"Good Evening everyone. I'm so glad to be here. I hope you will like the songs that I'll be performing tonight", pagbati ni Julie.

Tatlong kanta lang ang pinagbigyan niya kay Elmo.

Bukod sa nahihiya siya, ayaw din niyang magtagal sa bar nito.

Unang kanta niya. Oo ng Up Dharma Down.

Excited naman ang lahat.

Malakas ang palakpakan ng mga tao sa bar.

Si Elmo excìted din.

Daig pa nito ang proud boyfriend na nanonood sa gilid ng stage.

Hindi na nga niya halos napansin ang pagtabi ni Missy sa kanya.

"She's really good!", plastik na puri ni Missy.

"Missy, please! let's not make a big deal out of it", buntong hininga ni Elmo.

"You wanna break up with me because you're falling for some random girl na nakilala mo lang sa tabi tabi?!", inis na sabi ni Missy.

Hinila naman siya ni Elmo papunta sa office nito.

"I told you, I just needed space kaya ako nakipag cool off sayo!", ani Elmo.

"Wag mo idamay si Julie dito, wala siyang kinalaman okay!", diin ni Elmo.

"Gusto ko lang muna sanang magisip", depensa niya.

"Shit Elmo! Wag mo nga kong niloloko!", sigaw nito.

"I know!",...

"I have proofs!", sabi pa ni Missy.

"Proofs?! What proofs!", takang tanong ni Elmo.

"Gosh! Elmo, you really think I'm that stupid?!", balik na tanong ni Missy.

"You're all over her!", sabi ni Missy.

Kinuha nito ang cellphone ni Elmo mula sa back pocket ng pantalon nito.

"Here! ...Now, tell me, you don't like her!", saka na ito tumalikod.

Tinignan naman ni Elmo ang tinutukoy ni Missy.

Pictures.

Puro stolen pictures ni Julie ang nasa camera roll niya.

Mula sa mga gigs nito sa Bulacan, sa poetry reading, may kuha sa bahay nang mag kape sila, at pati nang makatulog ito sa sinehan.

Hindi din pansin ni Elmo ang mga ito nung una.

He thought, he just finds Julie....interesting.

Yun lang.

Lumabas naman si Elmo ng office niya ilang minuto pagalis ni Missy.

Hinahanap ng mata niya si...Julie.

Wala ito.

"Makoy! Asan si Julie?", tanong niya dito.

"Ha! Di ba nagpaalam sayo!?", taka din ni Makoy.

"Eh after ng set nìya, nagpaalam lang din sa akin bago si Bart na ulit sumalang", pagisa isa ni Makoy sa nangyari.

Lumabas naman si Elmo para hanapin si Julie.

Naabutan niya ito sa loob ng sasakyan. Mukhang nagiisip.

Pero nang makita siya ni Julie, bigla naman nitong inistart ang sasakyan.

Tinap naman ni Elmo ang salamin ng bintana niya.

"Hey!", sabi nito nang dungawin siya ni Julie.

"Aalis ka na?", tanong ni Elmo.

"Hindi ka man lang nagpaalam sa kin?", malungkot ang boses nito.

"Ah, Elmo sorry, pagod na kasi ako eh!",sagot ni Julie.

"N-nakita ko din kasi na magkausap kayo ni Missy",.....

"Ayoko namang makastorbo?", paliwanag niya.

"Can we first talk?....Please!", pakiusap ni Elmo.

"Moe, wala naman tayong paguusapan eh!", pagtanggi ni Julie.

"Julie.....Meron!".......




♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡















































Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon