Twenty Sixth

950 51 4
                                    

"Naramdaman mo ba ?", tanong ni Elmo.

"Ang alin?", tanong din ni Julie sa kanya.

"Yung poem?", paalala ni Elmo.

"Ha?!? Oo! Oo naman.", yun lang ang nasagot ni Julie.

"Iba kasi yung nararamdaman ko eh!", sabi ni Julie.

"Ha? Ano?", curious naman si Elmo.

"Nagugutom ako!", seryoso pa ang pagkasabi ni Julie.

"Ha?! Okay! Hehe!", ....

"Let's go, kain muna tayo?", aya naman ni Elmo.

Nagbayad naman na ito sa inorder nila saka na sila lumabas para humanap ng makakainan.

Ginamit nila ang sasakyan ni Elmo para isang biyahe.

Nagusap muna sila kung saan pupunta.

"San mo ba gusto kumain?", tanong nito kay Julie.

"Gusto ko sa Banchetto!", request ni Julie.

"Ha? San yun?", tanong ni Elmo.

"Eto naman, taga dito ka ba talaga sa Manila?!", natatawang sabi niya kay Elmo.

"Banchetto hindi mo alam?", sabi pa niya.

"Yung parang night market, maraming pagkain tapos outdoor lang?!", paliwanag ni Julie.

Nakatingin lang si Elmo kay Julie. Wala itong idea sa sinasabi ng kausap.

"Ay talaga naman! Puro kasi fine dining ang alam eh!", iiling iling si Julie.

"Sa may Libis meron, malapit sa Eastwood!", turo niya.

"Ah okay,hehe!" ,saka na inistart ni Elmo ang sasakyan.

Hindi naman ito ganun kalayo mula sa Katipunan kaya nakarating sila agad.

Marami nang tao dito. Sabado kasi.

"O! Wag kang hihiwalay sa kin baka mawala ka! Haha! ,!asar ni Julie kay Elmo.

Ngumiti lang naman si Elmo, naaaliw siya sa mga nakikita.

"Marami namang variety dito, pero majority mga street food tsaka ihaw ihaw!", sabi ni Julie habang tumitingin kung ano ang kakainin.

"Ang fun dito ah hehe!", puna ni Elmo sa paligid.

Namili sila nang sari sari , may bbq, fish balls, kwek kwek, pizza, burrito.

"Takaw mo!", kantyaw ni Elmo kay Julie.

Wala namang pakialam si Julie sa pagkain. Bakit ba? Di naman niya kelangan magpa impress kay Elmo.

"Bakit, di mo ba nagustuhan dito?", tanong ni Julie.

"Ha?! Gusto! Kahit ata saan basta ikaw kasama ko, mageenjoy ako!", sabi ni Elmo.

Hindi naman nagpahalata si Julie na kinilig siya sa sinabi ni Elmo.

Kain lang siya ng kain. Natutuwa naman si Elmo na pagmasdan siya.

"Sama ka sa Tiki later ha!?", pakiusap ni Elmo.

"Ha? Bakit?", tanong ni Julie.

"Wala lang, para may kausap ako!", sabi pa ni Elmo.

"Elmo ha, konti pa sisingilin na kita ng talent fee!", biro ni Julie sa kanya.

"Hehe! Sige na. Dun naman tayo mag kape mamaya!", sabi pa ni Elmo.

"Naku bahala ka na nga!", sagot ni Julie saka sinubo ang isang buong kwek kwek.

Pinunasan naman ni Elmo ang bibig nito dahil sa nagkalat na pagkain.

-------------------------

Convoy naman sila nang magpunta sa Tiki.

11PM sila nakarating dito.

Sinalubong naman sila ni Makoy, pagpasok ng bar.

"Ah Sir Elmo!", sumenyas naman ito ng parang may tinuturo.

"Andiyan si Missy!", bulong niya sa amo.

Tumango lang naman si Elmo.

"Ah, Julie, take a seat first, may kakausapin lang ako!", paalam ni Elmo.

"Makoy, ikaw na muna bahala kay Julie !", bilin nito kay Makoy.

"Yes, Sir!", tsaka na sumaludo kay Elmo.

"Ah, Juls, ayun may bakanteng table dun!", turo niya sa isang sulok.

Yung hindi siya masyadong mapapansin.

"Ano gusto mo?", tanong ni Makoy.

"Iced tea na lang, Koy!", sagot ni Julie.

Di naman nagtagal bumalik agad ito para sa inumin ng kinakapatid.

"Ano ba real score sa inyo ni Elmo?", curious si Makoy.

"Score? Bakit anong game?", biro ni Julie.

"Wag ka nga Juls! Alam mo naman kung ano sinasabi ko eh?!", seryoso si Makoy.

"Basta okay kami. Masaya kami. Magkaibigan. Yun lang!", sagot ni Julie.

"Juls, alam mo naman, para na kitang kapatid", may pinahihiwatig ìto.

"Pero magiingat ka din ha!",...

"Hindi mo kilala si Missy!", sabi nito.

"Suicidal yun!", sabi ni Makoy.

Sumeryoso na din si Julie. Hindi biro ang sinasabi ni Makoy.

"Wala naman kaming ginagawang masama ni Elmo", depensa pa ni Julie.

"Ngayon...wala pa!", makahulugan ang binitawang salita nito.

Tinitigan naman din siya ng kinakapatid. Halata ang concern sa mata nito.

"Oh sige, balik muna ko sa trabaho ha? Dami na namang tao eh!", paalam ni Makoy.

Naiwan naman si Julie magisa.

Meron ba siyang dapat ika guilty sa nangyayari kay Elmo at Missy?

Sumosobra na ba ang closeness nilang dalawa?

Panahon na ba para mauna na siyang umiwas kay Elmo?


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡














Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon