Forty Fifth

956 57 1
                                    


Pagtapos ng gig ni Julie. Sa Teddy's na din sila nagdinner.

Si Teddy na kasi ang naginvite sa dalawa na dun na kumain kasalo niya.

Nagaaya pa ngang uminom ito pero tumanggi na dito si Elmo.

"Sensya na, Tol! I'm driving eh, saka may pasahero ako later!", sabay akbay niya kay Julie.

"Ah, bakit Insan, sasama ka kay Elmo sa Maynila?", tanong ni Teddy.

"Ah oo, ipapakilala lang niya ko sa Lola niya", ngiti ni Julie.

"Aba at may meet the Granny ka pala haha!", biro pa ng pinsan.

"Di bale insan, sigurado namang magugustuhan ka ng Lola ni Elmo".

"Sana...pano Teds, mauna na kami ha?! Sorry, eat and run kami hehe!", paalam ni Julie.

"Okay lang yun Insan, eh malakas nga ang kita nitong bar pag ikaw ang nag gigig!", kindat niya.

"Sana nga maging araw araw ka na dito eh!", pahaging pa ni Teddy.

"Oy, sobra ka na! Sisngilin na kita pag dinagdagan mo pa araw ko dito!", mataray na sagot nito.

"Haha! Joke lang!", bawi naman ng pinsan.

"O sige, magingat kayo ha! Elmo, alagaan mo yang pinsan ko, baka gusto mong di na makalabas ng buhay dito sa Malolos!", banta pa ni Teddy!.

"Oo naman, ako pa ba?", sabi ni Elmo saka muling inakbayan si Julie.

Umuwi muna ito para makapagpaalam sa mama niya.

Nagaalala din kasi siyang bibiyahe si Elmo mag isa.

Kaya napagkasunduan nilang sasama na siya dito ngayong gabi  at dun na magoovernight sa bahay ng mga Magalona.

--------------------

"Julie, anak, magiingat ka ha!", paalala ng ina.

Nagliligpit naman ito ng mga gamit na dadalhin paluwas.

"Oo naman po, Ma, wag po kayo magalala at behave kami ni Elmo", pagpanatag nito sa mama niya.

Hindi naman kasi maitatanggi na ngayon lang sasama si Julie sa isang lalake, at dun pa ito magpapalipas ng gabi.

Bilang ina, magaalala talaga ito.

"Ma, you know how responsible I am, hindi po ako gagawa ng bagay na pagsisihan ko", saka ito humalik sa pisngi ng ina.

"May tiwala naman ako sa yo anak, basta tuparin mo ang pangako mo na wala kayong gagawing masama ni Elmo ha!?", pagulit nito.

"Opo, Ma, Promise!", saka ito sumumpa gamit ang kanang kamay.

----------------

Ala una ng madaling araw, nasa biyahe na sila.

"Sleep, Baby!", malambing na sabi ni Elmo sa girlfriend.

"Nope, samahan kita", sagot ni Julie saka hinagod ang likod ni Elmo.

"Gusto mo sa stopover, switch tayo, ako naman magdrive?", offer nito.

"Hindi na, Baby! I'm fine, dyan ka lang sa tabi ko",saka naman kinuha ni Elmo ang kamay ni Julie at hinalikan ito.

Sakto 2:30 ng madaling araw, nasa bahay na sila nila Elmo.

Alam nilang tulog na ang Lola Dessy nito. Maging ang yaya Lumen niya.

Kaya dumiretso na sila sa kwarto ni Elmo.

"Feel at home, Baby!", saka naman umupo si Julie sa couch sa tabi ng kama ni Elmo.

"You can stay here, dun na lang ako sa guestroom, sira kasi aircon dun eh", paliwanag ni Elmo.

Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon