Naging constant textmates sina Julie at Jappy.
She finds him funny.
Sweet ito at maalalahanin.
Pero ganun naman ata lahat ng nanunuyo, lahat ng maganda ipapakita sa umpisa.
Hindi naman pa talaga ito nanliligaw ng maayos.
Julie made it clear na pakikipagkaibigan pa lang ang kaya nitong ioffer kay Jappy.
Hindi din niya kasi gusto na may nangungulit sa kanya.
Wednesday na naman, at araw ng gig niya sa Teddy's.
The usual. Same crowd, familiar faces.
Si Jappy andun na naman as expected.
Kasalukuyang kinakanta ni Julie ang "Shoud've been us" ni Tori Kelly
nang may madaanan ang mga mata niya.Bumilis ang tibok ng puso niya bigla.
Kahit madilim, kilala niya ito.
Pero pwedeng na-mamalik-mata lang din siya.
Baka na miss lang niya yung tao na yun.
Pagkababa ng stage. Dumiretso lang si Julie sa table na laan sa kanya.
Nasa gilid lang ito ng stage.
"Hi, Julie!", sabi ng isang lalakeng lumapit sa kanya.
"Oh, Hi Jappy!, ngisi niya saka bumalik ang tingin sa cellphone.
Umupo naman ito sa tabi niya. Saka nakipagkwentuhan.
Panay ang abang ni Julie kung may magtetext sa kanya.
Pero natapos ang gig niya't lahat, walang paramdam nung lalaking inaasahan niya.
"Ah, Julie, uuwi ka na ba?", tanong ni Jappy.
"Oo, Japs! Late na din eh!", sagot ni Julie.
Hindi naman din kasi siya maihahatid nito dahil may sarili naman siyang sasakyan.
"Okay, Goodnight, Julie!", paalam ni Jappy.
"Goodnight!", bati din ni Julie pero halata sa mga mata niya ang pagod.
Matapos magpaalam kay Teddy, lumabas na din si Julie papuntang sasakyan niya.
Nauna na din namang umalis si Jappy.
Inaantok na din siya talaga.
Hindi pa man siya nakakarating sa pwesto ng pinagparkingan, natanaw niyang merong lalaking nakatayo sa tabi ng pick up niya.
"Hey!", bati nito saka bahagyang kumaway.
"Elmo?!", gulat na tawag ni Julie.
"Where were you? Kanina ka pa ba dito?", takang tanong pa ni Julie.
Kaswal na binuksan niya ang sasakyan para ipasok ang gitara sa loob.
"Yeah, I watched your gig", ngisi ni Elmo.
"You did?", tanong na naman ni Julie, saka isinara ang pinto ng sasakyan.
Tumango naman si Elmo.
"Eh, bakit di kita nakita? Hindi ka lumapit?", usisa na naman ng Julie.
"I saw you with someone, ayoko naman makastorbo",....
![](https://img.wattpad.com/cover/65888894-288-k471141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction