Twenty Ninth

1K 53 7
                                    

It's official. "Sila" na.

At masayang masaya si Elmo.

Finally,nakapagtapat na din siya kay Julie.

Nagkwentuhan pa sila ng matagal.

Pero this time, mas sweet na dahil nga girlfriend na ni Elmo si Julie.

"I'll drive you home okay?", sabi ni Elmo.

Nasa parking lot na sila naglalakad.

Alas na kasi ng madaling araw, at dahil may "karapatan" na siyang magdecide para dito, hindi niya ito papayagang magmaneho mag isa.

"Elmo, kaya ko naman eh!", sabi ni Julie.

"And you think papayagan kita!", sabi naman ni Elmo.

"You had a long day!", sabi niya habang hinihimas ang braso ni Julie.

"We'll take my car tapos, bukas...I mean, mamaya hehe! I'll pick you up again papunta dito para you can get yours", paliwanag ni Elmo sa girlfriend.

Kinikilig naman si Julie sa concern ni Elmo.

Ganito pala yung feeling ng may nagaalala sayo.

Dati rati, Mama niya lang ang nagaalala sa kanya kung uuwi siya ng alanganin.

"Yes, Boss, sabi mo eh!", ngisi ni Julie habang hawak ni Elmo ang kamay niya.

Sakay sila ng Jaguar ni Elmo, bumiyahe sila pa Bulacan halos mag aalas 5 na.

Nakaidlip na si Julie sa biyahe.

Paminsan minsan naman siyang sinusulyapan ni Elmo.

Nangingiti itong makita si Julie na katabi niya.

"Babe!", gising ni Elmo.

Bahagya niyang hinimas ng daliri ang pisngi ni Julie.

Nagising naman si Julie.

"Are we there yet?", tanong naman ni Julie.

"Not yet!", sagot ni Elmo.

Tumuro ito sa labas.

Ngumiti naman si Julie sa nakita.

"It's our first Sunrise together!", sabi ni Elmo saka tumingin kay Julie.

"Day 1 of JuliElmo", sagot naman ni Julie.

"I like that..JuliElmo!", ngisi din ng boyfriend.

"I love you, Julie Babe!", sweet na sabi ni Elmo.

"Babe?!", tanong ni Julie na nangingisi.

"Yeah! Babe..Baby!", linaw ni Elmo.

"Ikaw? ...Babe ko?", ulit ni Elmo

"Hmmm, Baby na lang!", request ni Julie.

"Kasi diba, Missy Babe ang tawag mo kay...." huminto naman ito sandali.

Umiba na lang naman si Julie ng sasabihin.

"Ako I wanna call you something unique!", ngisi ni Julie habang nagiisip.

"I will call you........Irog!", sabi niya ng nakangiti.

"Irog?!", nakangiti din si Elmo pero alam ni Julie na hindi niya alam ang ibig sabihin nito.

"Yeah! Irog!...Iniirog kita!",....sabi ni Julie.

"Meaning,....Minamahal kita!", sumeryoso naman ang tono ni Julie saka tumitig kay Elmo.

"Being a true blue Bulakeña, dapat masanay ka sa mga malalim na tagalog!", pinisil niya ng bahagya ang ilong nito.

"Irog!...I like that!", saka ito mahinang tumawa.

---------------------------

"We're here!", nagpark naman si Elmo sa gilid ng bahay nila.

Bumaba naman sila ng sasakyan at hawak kamay na pumasok sa bahay.

Nakasalubong nila si Ate Cel, nangìti ito sa nakita na magkahawak ang mga kamay ng dalawa.

"Hi, Ate Cel, si Mama?", hanap niya sa Ina.

"Andun nag aalmusal, sabayan niyo na!", sabi ni Cel.

Pumasok ang dalawa.

Nasa hapag ang ina at nagbabasa ng dyaryo.

"Hi, Ma!", lumapit ito sa ina para humalik.

"Hmmm, dati inuumaga ka lang ng uwi, ngayon umaga na talaga ah!", kunyaring galit na sabi ng ina.

"Eh, Ma, umulan po kasi, alam nyo naman po sa NLEX, yun ngang walang ulan matraffic na , kaya pinatila ko muna!", paliwanag niya.

"Oh may kasama ka pala?!", nang mapansin si Elmo sa gilid.

"Good Morning po!", bumati naman siya sa mama ni Julie.

"Good Morning naman!", bumaling ito ng makahulugang tingin kay Julie.

"Elmo, maupo ka at magalmusal", anyaya ng ina.

Sumenyas naman si Julie para magpahiwatig na, "okay lang yan!".

"Sana pala nagtext ka para nakaoag handa ng mas maayos na almusal?", sabi pa ng ina kay Julie.

Sumingit naman si Elmo.

"Ah okay na po to. Marami na nga po!", sabi niya.

Sinandukan naman siya ni Julie ng sinangag, corned beef,egg at daing na bangus.

"Ang dami naman, Baby!", bulong ni Elmo.

Pero kahit pa mahina ang boses ni Elmo, iba siguro talaga ang pandinig ng nanay na umuusyoso sa anak.

"Ehem!", padinig ng ina habang nililipat lipat ang diyaryong hawak.

"Oh maiwan ko muna kayo ha!", pagexcuse ng ina.

"Pupunta ko ng poultry maya maya!", sabi ng Mama niya bago pa tumayo.

Tumayo din si Elmo para bigyang galang ang mama ni Julie sa hapag.

"Sama ko, Ma?", tanong ni Julie.

"Di na, Nak!. Matulog ka muna!", bilin ng mama niya.

"Thank you po....T-Tita!", pagpaalam ni Elmo.

"Okay, magingat ka sa biyahe pabalik mo ng Manila!", sagot din nito sa kanya.

"Opo!", tango ni Elmo.

Nasa gitna sila ng pagkain nang magvibrate ang cellphone ni Elmo.

Tinignan niya ito.

Halata naman ang pagkabahala sa mukha ni Elmo.

"What is it?", tanong ni Julie kay Elmo.

" Missy's in the hospital!",..........


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
















Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon