1:30 na. May 30 minutes ng naghihintay si Julie.
Actually, 45 minutes pa nga dahil quarter to 1 nasa Farmer's na siya.
Nakapark lang ito sa gawing likuran ng Market. May slot naman sila dun dahil nga tenant sila.
Ilang sandali pa, nagring ang telepono niya.
Number lang pero pamilyar na siya na ito yung lalakeng kausap niya kanina.
"Hello!, Asan ka na? Kanina pa ko eh?", pasigaw na sabi ni Julie.
"S-sorry, may dinaanan pa kasi ako eh", nahiniyang sabi ni Elmo.
Medyo natitiklop si Elmo sa taray ni Julie sa phone pa lang.
"So san tayo magkita? I'm now parking here near Alimall", sabi pa ni Elmo.
"Lakad ka na lang papunta dito sa Farmer's, hintayin kita sa Dampa!", sabi ni Julie
"Dampa?", tanong ni Elmo.
"Oo! Yung foodcourt dito sa Farmer's Market?! Aysus!", sigaw ulit ni Julie sa kabilang linya.
"Okay, okay! I'm on my way!", saka nito pinutol ang tawag.
Pumuwesto naman si Julie malapit sa bungad.
Medyo matao pa dahil nga lunchtime pa din naman.
Maya mya, nakita niya ang isang lalaking naka black polo shirt at denims, naka Aviator shades ito saka kinuha ang cellphone sa bulsa.
Alam na ni Julie na ito ang tatagpuin niya, pero hinintay muna niya itong tumawag ulit.
Krinnnnnggg!!!!!
Di na ito sinagot ni Julie, lumapit na din ito agad kay Elmo.
"Excuse me, ikaw ba si Elmo?", tanong niya.
"Yeah! You're Julie Anne?", saka ito nagabot ng kamay.
Di naman siya pinansin ng dalaga.
Dumiretso na ito sa gawi ng wet market.
Nakasunod naman si Elmo sa kanya.
Stall no.3 sila nahinto.
"Ate Sonya, naprepare niyo na po ba yung tinawag ko kanina?", tanong ni Julie sa bantay ng pwesto.
"Ah oo, 20 kilos ng wings at 15 kilong breasts, tama ba?",tanong nito kay Julie.
"Okay na ba yun?", baling ni Julie kay Elmo.
"Yeah, that's fine!, how much?", tanong nito ulit.
Pinilas naman ni Julie ang resibo para iabot kay Elmo.
"90 pesos yung wings per kilo, yung breast 100 flat na lang, kaya 3,300 lahat!", kwenta ni Julie.
"Okay!", saka binunot ni Elmo ang wallet mula sa back pocket.
Nag abot ito ng 3,500 kay Julie.
Sinuklian naman siya nito ng 200 pesos.
"Naku, ang layo pala ng pinagparkingan mo!", sabi ni Julie.
"Ah kuya Jay, pakibuhat nga tong mga ito sa pick up?", utos niya sa isang tauhan nila.
"Hahatid na lang kita", sabi pa ni Julie.
"Ah okay, sige...thank you!", ngiti ni Elmo.
Naglakad na sila papunta ng sasakyan ni Julie.
"You drive a pick up truck?!", tanong ni Elmo na makita ang sasakyan ni Julie.
"Oh, eh ano naman?", saka na ito sumakay.
"Wala naman...Astig lang!", sabi ni Elmo na nasa passenger's seat na din.
Nangiti naman ng palihim si Julie.
"So, san ka ba nagpark?, tanong na lang nito.
"Sa may BPI, across ng Alimall", sabi nito.
Okay naman ang sinagot ni Julie.
"UP grad ka daw sabi ni Makoy?", pang ice breaker ni Elmo.
"Ah...Oo...iskular!", pabirong sagot ni Julie.
"You must be really smart", sabi naman ni Elmo.
"Hindi naman...Pala aral lang hehe!", sabi uli ni Julie.
Sa wakas ngumiti din, isip ni Elmo.
Pwede naman palang ngumiti eh.
"Okay, dito na ko", sabi pa ni Elmong ituro niya san nakapark ang SUV.
Bumaba naman din si Julie, para tulungan si Elmo sa pagbuhat ng mga pinamili.
"Uy, ako na!", pagsaway ni Elmo kay Julie.
"Okay lang, sanay ako!", saka nito binuhat ang isang plastic bag ng chicken
"Macho ko di ba?", ngisi pa niya.
"Thank you", sabi naman ni Elmo na may bitbit din.
"So pano, okay ka na diyan ha!", panigurado ni Julie.
"Alis na din ako, naka hazzard lang ako eh!", pagmamadali nito.
"Okay, thank you ulit!", sabi naman ni Elmo.
Pagsakay ni Elmo sa sasakyan, kinuha muna nito ang cellphone saka hinanap ang taong tatawagan.
"Makoy!!!! Nakuha ko na!", sabi nito sa kausap.
"Sabi mo mataray kinakapatid mo?...."
"Hindi naman ah!"........
Ngingisi ngisi si Elmo
♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction