"Tama na yan Sir, Elmo!", awat ni Makoy sa paginom ng amo.Tinutungga na nga nito ang hawak na bote ng Hennessy.
Nagpaalam lang ito sa Lola Dessy niya kanina matapos ang party.
Dumiretso na ito agad sa Tiki para ilabas ang sama ng loob.
"Ang unfair diba, Makoy?!", ...
"Okay na sana eh..okay na kami ni Julie eh!", hinaing nito.
"I don't even remember having sex with Missy in Singapore?!", ...
"Oh, yeah, maybe we did!", iiling iling na sabi ni Elmo.
Tatango tango. Iiling iling.
Labo labo na mga sinasabi nito. Kinain na ng alak ang sistema niya.
"I mean, it could have been a blessing kung sana noon pa siya nabuntis!",..
"At least noon, wala pang Julie Anne sa buhay ko!",...
"But now...wrong timing lang eh!",...
"Bad timing!", sabi pa nito.
"I don't mind being a dad, alam ko fulfilling maging tatay!",...
"Pero hindi kay Missy! Hindi sa kanya!",lulugo lugo nitong sabi.
"Sir, Elmo!", tinatantiya ni Makoy ang sasabihin.
"Wala naman may kasalanan , Sir!",....
"Nangyari na yan, tanggapin na lang",...
"Pero, Sir, opinyon ko lang to ha!",...
"Hindi nyo naman kailangan pakasalan si Missy eh!", ....
"Sa bata lang ang responsibilidad ninyo sa kanya",....
"At kilala ko si Julie, Ser! Hindi yun magagalit sa bata", seryosong payo ni Makoy.
"Kelangan lang ipaglaban mo siya!",...
"Hindi ka susukuan nun, Ser!...."
"Basta lang alam niya na siya pa din ang pipiliin mo",....
"Sa kaibigan nga Ser, hindi yan sumusuko, sa inyo pa ba?",...
Nakayuko na si Elmo sa counter.
Binabanggit ng paulit ulit ang pangalan ni Julie.
"Julie!! Julie....Why did you leave me?!", ungot nito.
Inalalayan naman ni Makoy si Elmo sa office nito.
Hindi na ito makakadrive pauwi kaya sa couch na lang sa opisina ito inihiga ni Makoy.
Nilakasan ang aircon saka pinatay ang ilaw.
------------------------------
Ilang sandali pa, naramdaman ni Elmo ang bahagyang pagpunas ng warm na bimpo sa mukha niya.
Naalimpungatan ito.
"J-Julie!...Julie is that you?!".....
"Oo si Julie ako..si Julie-na Magdangal!!!", sigaw ng yaya ni Elmo.
"Yaya!!!!!", sigaw nito saka sinapo ang noo.
"Ano bang ginagawa mong bata ka, at nakuha mo pang magpakalasing?!",saka nito pinunasan ang mga braso ni Elmo.
"Si Julie kasi eh, iniwan na niya ko!",...
"Sinundan mo ba?", tanong ng yaya habang patuloy siyang pinupunasan.
"Oo, hanggang sa sasakyan niya, pero iniwan niya pa din ako!",parang bata itong nagsusumbong.
"Yun lang? Hindi mo sinundan hanggang Bulacan?!", tanong nito ulit.
"Bakit pa, Ya! Eh hindi nga niya ko pinakinggan!",....
"Ang tunay na nagmamahal, hindi sumusuko!"....
"Kahit ipagtabuyan ka, sisiksik ka pa din!",...
"Tignan mo si Missy?",.....
"Ayaw kang tigilan kahit ayaw mo na!", sabi pa nito.
"So tama si Missy? Kampi ka kasi sa kanya Ya?", ....
"Mali si Missy...."
Nagulat naman si Elmo sa sinabi ng yaya Lumen niya.
"Mali siya na pinagpipilitan niya ang sarili niya sayo kahit di mo na siya mahal",.....
"Pero ikaw...mali ka din na sinukuan mo agad si Julie Anne kahit na mahal mo siya!",...
"Elmo anak, ang pagibig ay para sa dalawang taong nagmamahalan!",...
"Parang kayo ni Julie...",
"Yan ang pinaglalaban!",...
"Ang pagibig na iisa na lang ang nagmamahal, hindi na tunay na pag ibig yun!",....
"Parang si Missy!",.....
"Tawag dun.....Baliw!", bulong nito kay Elmo saka tumayo.
Kinuha nito ang mga damit na bihisan ni Elmo.
"Oh, maligo ka na! Bibiyahe ka pa pa-Bulacan!", abot nito kay Elmo saka pa ngumiti.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
OverigA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction