Twenty Fìrst

932 54 2
                                    

"Meron tayong paguusapan", sabi ni Elmo.

Dahilan para bumaba si Julie sa sasakyan niya.

"Bakit ka nakipag cool off kay Missy?", si Julie ang unang nagbukas ng topic.

"You said, nag cool off kayo, pero wala kang nabanggit na ikaw ang humingi nun!",

"Last time we talked, gusto mo na magpropose, so what happened?", tanong pa ni Julie.

"That Singapore trip made me realize a lot of things!", umpisa ni Elmo.

"Hindi ko maexplain how it happened, really, pero in a snap, I can't look at Missy the same way, I looked at her the first time I met her!", ....

"Nagiba na siya",...

"I felt like I was with a complete stranger",...

"Hindi ko na siya kilala", dagdag niya.

"Sad part is, I did not notice it sooner", sabi pa ni Elmo.

"I guess, I got too comfortable knowing that we're really meant to be", .....

"Akala ko ganun na yun. I found the one", sabi pa ni Elmo.

"I mean, I was happy...."

"Well, I am happy with her pa din naman pero... I realized, I could be happier !",....

"May mas isasaya pa pala ako!", makahulugan ang tingin ni Elmo sa kanya.

"Ikaw na nagsabi, kung tatawa ka, dapat yung totoong masaya ka!", sabi pa niya kay Julie.

"Elmo, I'm really sorry kung...nakakagulo ako sa inyo ni Missy", hiyang sabi ni Julie.

"Sabi ko sayo, baka hindi niya magugustuhan ang pagiging close natin",

"Naiintindihan ko, bilang babae ang pinagdadaanan niya", ....

"Ayokong maging third party sa inyo", sabi pa ni Julie.


"No, of course not!", sabi pa ni Elmo.

"Why would you think that?",tanong ni Elmo.

"Eh wala pa naman akong pinagtatapat sayo?", nakatingin ulit ito kay Julie.



Lalo naman naging alanganin ang pakiramdam ni Julie.

Para siyang napahiya sa sinabi ni Elmo.

Oo nga naman. Wala namang namamagitan sa kanila. Assumera lang talaga siya.


[The Hell! Sana kainin nako ng lupa! Now na!]

"Ah, Elmo...Sige na , baka hinahanap ka na sa loob, gabi na din eh, bibiyahe pako pa Bulacan", paalam ni Julie.


"Sana kumain ka muna, wala na ngang talent fee, wala pang pa snack haha!", biro ni Elmo.

"No, it's okay. Busog naman ako!", sabi ni Julie.

"Next time na lang......kung may next time pa hehe!", biro pa niya.

"Thank you ha!", sabi ni Elmo.

"Sorry na din", dagdag pa niya.


"Sorry saan?", tanong ni Julie.

"Sa nangyari, sa attitude ni Missy towards you, ako na nagso-sorry para sa kanya", paliwanag ni Elmo.


"Wala naman yun!"? ngiti ni Julie kay Elmo.


"Okay! Mag ingat ka Julie!", saka niya ito pinagbuksan ng pinto.

"Ah, Julie, pwede..text me pag nasa bahay ka na?", pakiusap ni Elmo.



"Ha!? Bakit?", tanong ni Julie habang sinusuot ang seatbelt.


"I wanna know, na safe ka nakauwi!", ngiti ni Elmo.


"Ah, okay!", sagot ni Julie saka na inistart ang sasakyan.


Bahagya namang lumayo si Elmo sa sasakyan.


"Elmo!", tawag ni Julie sa kanya.

"Yes!", excited itong lumapit ulit.


"Ayusin mo yan, okay?!", bilin ni Julie.

Alam niya usap lang ang kailangan nila ni Missy para bumalik sa dati ang lahat.


Tumango si Elmo.



Kumaway naman si Julie saka itinaas ang window.

Tinanaw ni Elmo ang papaalis na sasakyan.

Naiwan siya.. Naiwan siyang nagiisip.


"Damn! Elmo!", sambit nito sa sarili.


"Of all days na matotorpe ka, bakit ngayon pa!!".....




♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡













Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon