Seventy Ninth

1K 69 6
                                    


   Araw ng Sabado, hindi pumunta si Julie sa Naked Ear, sa halip pinapunta niya ang mga kaibigan sa Teddy's grill.

   Sakay ng sasakyan ni George, alas 4 ang napagkasunduang oras nila Ada na pumunta.

"Ang aga naman ng gimik natin Hulyeta!", sabat ni George.

"Ano bang meron at nag pa meeting de avance ka?!", dagdag nito.

"Wala naman, namiss ko lang kayo, tinatamad kasi ako magdrive pa Manila", paliwanag mi Julie.

"Uy, Julie wag ka nga! May problema ka ba?", tanong ni Ada.

"Inaway ka ba ni Magalona?!", ..

"Hindi, ano ba kayo, masama ba naman maglambing sa inyo?!!",...

"Naku! Julie Anne, yung mga paganyan ganyan mo, kinakabahan talaga ko!", sigaw ni George.

"Ano bang meron?", tanong ni Ada.

Nakatutok ang dalawa sa sasabihin ni Julie nang...

"Ah, excuse me Ma'am eto na po order nyo!", singit ng crew ng Teddy's.

Saka inilapag ang isang pitcher ng Margarita, platter ng fries at chicken nuggets, sisig at isang Orange Juice.

"Wow! Bibitayin na ba tayo?!", biro ni George.

"Don't worry, it's my treat!", ngisi ni Julie.

"Oh, eh bakit may pa orange juice, orange juice ka pa?!", tanong ni Ada.

"Ano ba, Bes? Ano bang meron?"...

"Anniversary nyo ba ni Elmo, tapos nag away kayo, kaya tayo nagcecelebrate ngayon?", diretsong sabi ni Ada.

"Okay, sige..Sasabihin ko na, pero di ba sabi nyo naman, you won't judge me?", paumpisa ni Julie.

Tango lang naman ang sinagot ng dalawa.

"I'm pregnant!"....

"Ah okay!".....

"Whaaaatttt!?!???", biglang natauhan ang dalawa sa sinabi ni Julie.

"Bu-buntis ka?!", pabulong na sabi ni Ada.

"Nampucha! Ang bilis naman ni Magalona!!!", sabi naman ni George.

"Langya! One hit, wonder!", natatawa pang dagdag niya.

"Alam na ba niya?", seryosong tanong ni Ada.

Umiling si Julie.

"Bakit di mo pa sinasabi?", ....

"Busy pa kasi siya eh, may event sa Tiki ngayon tapos andami niyang hinahabol na aayusing documents",...

"Tumityempo pa ko", dagdag niya.

"Juls, hindi mo naman na dapat tyumempo pa sa kalagayan mo",...

"I'm sure uunahin ka ni Elmo", sabi ni Ada.

"Alam ko naman yun, ang inaalala ko talaga kasi si Mama",...

"Hindi ko pa alam pano ko sasabihin", bumagsak ang balikat nito.

"Maganda, una mo munang sabihin kay Elmo, Juls!",

"Tapos dalawa kayong magtapat kay Tita",

"Syempre magagalit yun sa una, pero kung andun si Elmo at alam naman niya pananagutan ka, matatanggap na din niya yun", pagpanatag ni Ada kay Julie.

"Saka bakit ka matatakot, eh may tatay naman yang anak mo!", sabi pa ni George.

"Sana nga ganun kadali lahat no?!",

"Sana kahit itext ko lang....Ma, buntis po ako! Okay lang ba?!", sarkastikong sabi ni Julie saka naman sinubsob ang ulo sa lamesa.

"Ay naku, pag andun ka na at kaharap na ang mama mo, I'm sure you'll know the right words to say!", saka pa inakbayan ni Ada si Julie.

"Oo nga...for the meantime, eh lafangin na natin tong mga foods dito haha!", biro ni George.

Nakisalo na din naman si Julie.

Tama ang mga kaibigan, bunga naman ng pagmamahalan ang batang nasa sinapupunan niya.

Wala siyang dapat ipagalala.

Nagmamahalan sila ni Elmo, at ang baby na dinadala niya ngayon ang pruweba nito.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡













Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon