Lunes ng umaga. Maganda ang gising ni Julie Anne."Good Morning Everybody!!!!", sigaw niya paglabas ng kwarto.
Nagulat naman si Ate Cel dahil dito.
"Uy! Ang sarap ng gising natin ah!!", bati nito.
"Maganda ata naging panaginip mo eh!", biro niya pa.
"Ay naku ate, hindi siya panaginip, totoo siya haha!", nakisakay naman si Julie dito.
"Si Mama?", tanong niya naman.
"Ah nasa palengke, naghatid ng supplies", ani Ate Cel.
"Hindi na naman ako ginising?!", hinayang na sabi niya.
"Wag ka magalala, may bagong driver si Ate!",...
"Si Jake, yung anak din nung isang suki nyo!", paliwanag nito.
"Ah oo, ka batch ko yun nung highschool!", pagalala ni Julie.
"Mabuti naman at may kasa kasama si Mama bukod kay Kuya Jay", sabi pa ni Julie.
Iilan ilan lang din kasi ang tauhan ng mama niya.
Gusto nga ni Julie na maghire pa sila ng ibang helpers kasi ayaw na sana niyang masyadong napapagod ang mama niya.
Masipag lang talaga kasi ito at sanay na sa negosyo.
"Julie, kumain ka muna. Di ako nagluto ng almusal. Champorado lang meron. Okay na ba sayo yun!", tanong ng maid.
"Ah oo te, okay nako dun!", saka ito tumungo sa kusina para sumandok ng champorado.
Maupo naman ito sa hapag. Habang naglilinis naman si Ate Cel sa bandang sala.
Lumapit naman ito kay Julie sandali.
"Ah, Julie...maiba ako! Si Elmo boyfriend mo na ba?", tanong nito.
Ngumiti lang naman ang Julie.
"Mukhang mabait yun no?!", puri niya dito.
Tumango tango ito sa pagsangayon kay Ate Cel.
Puno kasi ang bibig niya sa sinubong champorado.
"Pero mukhang babaero!", ....
Umiling iling naman si Julie na hinde.
"Pero mahal mo?!", tanong ulit ni Ate Cel.
Sumenyas ito sa palad ng "pwede na"...
"Hindi mo mahal?", takang tanong ni Ate.
Sa wakas nalunok na din ni Julie ang kinakain.
"Ate, bago palang naman kami, nag uumpisa palang", depensa niya
."Pero gusto ko siya, syempre...Gustong gusto!", ngiti ni Julie.
"Nag I love you na ba siya sa yo?!", tanong pa ulit ng ate atehan niya.
Tumango ulit ito. Sabay na malaking ngiti.
"Ay ang haba ng hair?!", biro sa kanya.
"Gusto ko kasi, pag sinabi ko yun, yung totoong too talaga! Yung hinding hindi ko na babawiin kahit ano pang mangyari!", paliwanag ni Julie.
"Magulo kasi kami ngayon te!", sabi pa niya.
"Umpisa pa lang magulo na?!", tanong ng kausap.
"Hindi naman kasi kaming dalawa yung magulo....",
"May nakikigulo agad?!", singit na naman ni Ate Cel.
"Hindi Te! Yun nga kasi ang inaalala ko, yung ex girlfriend niya, hindi pa tanggap na wala na sila!", kwento ni Julie.
"Ayoko sanang naiipit si Elmo sa ganitong sitwasyon", ....
"Naaawa ako sa kaniya, alam ko namang ayaw niyang may masaktan sa amin ng ex niya", .....
" Pero dahil nga nahihirapan siya, ayoko munang umasa masyado!", ....
"Kung ano na lang muna ang kaya niyang ibigay, yun na lang muna ang tatangapin ko", malungkot na sabi ni Julie.
"Ay naku, mahal mo na siya bhe!", panigurado ni Ate Cel sa kanya.
"Sacrificial love ang tawag diyan!", dagdag pa niya.
"At sa tingin ko, yan ang pinaka mataas ng level ng Love",....
"Hindi ba nga, nagsakripisyo din ang Diyos dahil sa pagmamahal sa atin!", pagtatapos nito.
Naiwan si Julie na malalim ang iniisip.
Mahal nga niya si Elmo.
Umpisa pa lang mahal na niya ito.....
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction