Seventy Eighth

1K 71 14
                                    

"Anak, bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?", alala ng ina.

Nagaalmusal sila ngayon kasalo pa ng Ate Cel niya.

"Wala naman Ma, baka po kulang lang sa tulog", depensa nito.

Dalawang araw kasing magkasunod na nag gig siya sa Teddy's dahil di pumuwede ang resident band nito nung Thursday.

"Tapos, napupuyat ka pa ata sa telepono dahil diyan kay Elmo", ...

"Eh normal naman po yun Ma, syempre di kami gaano nagkikita kaya sa telepono ho kami bumabawi.", paliwanag pa ni Julie.

"Are you taking your Vitamins? Baka pati yun nakakaligtaan mo na?",
pangaral pa ng ina.

"Yes, Ma I'm taking it everyday po", ...

"Wag na po kayo magalala at bukas okay na ko ulit",...

"Itutulog ko lang po ito, okay nako", panigurado pa ni Julie sa ina.

Nakailang subo nga lang si Julie ng kinuhang pagkain saka na nagpaalam.

"Balik muna po ako ng kwarto, Ma! Mamaya na lang po ako kakain ng ayos", sabi pa nito.

Tumango naman ang ina.

"Ate? May napapansin po ako diyan kay Julie?", bungad naman ni Ate Cel nang masigurong wala na si Julie.

"Parang medyo nananaba?", puna pa niya.

"Bumibilog ang mukha!",

"At lumalaki ang balakang!", ....

"Umm, parang alam ko naman ang tinutumbok ng salita mo Cel!", taas ng kilay ng mama nito.

"Eh, napapansin ko lang naman te", bawi nito.

"Napaguusapan lang naman natin",..

"Saka, natural, may boyfriend,laging magana kumain",sabi pa ng mama ni Julie.

"Eh ate?...halimbawa lang...halimbawa lang naman ba?",..

"Ha- Hypo- technical question?", sabi pa niya.

"Hypothetical!", natatawa pang pagtama nito kay Cel.

"Yun, yun nga ate! Haha!",...

"Halimbawa, buntis nga si Julie...matatanggap mo ba?",curious na tanong ni Cel.

"Cel...Anak ko si Julie, walang dahilan na hindi ko siya matatanggap kung ano man ang kasalanang magawa niya",...

"Magtatampo siguro ako sa umpisa, pero siyempre matatanggap ko din naman",...

"At kung totoong nagmamahalan sila ni Elmo, maiintindihan ko."

"Kahit sino sigurong ina, kung sabihin pa ng anak mong nakapatay siya? hindi mo pa rin magagawang itakwil, dahil nga anak mo",...

"Syempre mahal mo"....

"Maaga din akong nagasawa at nagkaanak, Cel, pero hindi ako kailanman itinakwil ng mga magulang ko.",....

"Kaya hindi ko din magagawa kay Julie na talikuran siya kung sakali."

"Pero bilang isang ina, tama lang siguro na umasa akong sana ay, ikinasal muna siya bago pa mauna ang baby",kibit balikat pa nito.

"Pero kung sakaling ngang andyan na yan, eh di tanggapin na lang",...

"Tama na sa akin na nakatapos si Julie, at naging mabuting anak naman siya sa akin"...

"Other than that, binibigay ko na sa kanya ang kalayaan niyang magdesisyon para sa sarili", paliwanag pa ng mama nito.

"Guidance na lang ang sa akin",...

"Matalino ang anak ko , Cel. Alam niya ang ginagawa niya",...

Mula sa pinto ng banyo, naluluha naman si Julie na mapakinggan ang lahat ng sinabi ng ina.

Hawak hawak ang resulta ng PT, hinimas niya ang tiyan saka pa nagsabi ng...

"Everything's gonna be, okay, my baby!", saka na tuluyang tumulo ang mga luha.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡











Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon