"Okay lang sa yo, Friendship!?", tanong ni Ada kay Julie.
Nasa Naked Ear sila ngayon, Sabado. 10PM.
"Wala naman akong magagawa eh",....
"Mahal ko si Elmo, and I wanna support him all the way",...
"Hindi naman problema sa akin kung may anak siya eh",paliwanag ni Julie.
"Pero di ba, iba pa din kung sarili ninyong anak ni Elmo ang aalagaan mo", sabi pa ni Ada.
"Oist, Julie wag kang magalaga ng di mo anak ha! Sasabunutan kita!", hirit naman ni Georgina.
Alam naman ni Julie na nagbibiro lang ang mga kaibigan.
Syempre pag andiyan na ang bata, mamahalin naman niya ito dahil anak pa din ito ni Elmo.
"Kayo naman! syempre may nanay naman yung bata. I'm sure kahit naman siguro sinong ina, hindi magpapabaya sa anak!", sabi pa ni Julie.
"OMG ! From Missy to Mrs. real quick!", sabi ni George.
"Gaga!, From Missy to Mommy real quick!", protesta ni Ada.
"Ay hinde! From Missy to Messy real quick! Hahaha!", banat ulit ni George.
Natawa na lang si Julie sa kakulitan ng dalawa.
Pero napapaisip din siya sa mga mangyayari.
Paano kaya ang magiging sitwasyon nilang tatlo nila Missy kapag lumaki laki na ang tiyan nito.
At ano ang magiging reaksiyon ng mga taong hindi alam na siya na ang bagong girlfriend ni Elmo.
Baka isipin pa ng mga ito na kabit siya.
Or worse, isipin na bakit hindi niya pa pinaubaya si Elmo kay Missy gayung magkakaanak na sila.
"Friend, okay ka lang ba?", tanong ni Ada.
Pansin nito na malalim ang iniisip ng kaibigan.
"Ha?! Oo , oo naman!",sagot niya.
"Hindi mo kasi napansin na nakatayo na si Elmo sa tabi mo?", turo ni Ada sa tao sa tabi niya.
"Ha?", saka bumaling sa katabi.
"Moe? Kanina ka pa ba?", tanong nito saka humalik sa boyfriend.
Umupo naman ito sa tabi niya.
"Hindi naman. Are you alright, Baby? Parang namumutla ka?", alalang sabi ni Elmo.
Hindi kasi siya napagtutulog lately, mula ng malaman ang pagbubuntis ni Missy.
"Oo naman. I'm fine. Why won't I be okay?", patay malisya nitong sagot.
Nagpaalam naman na sila George at Ada. Hinhintay lang talaga nilang dumating si Elmo para may kasama si Julie habang wala pa ito.
"Baby, are you sure you're okay?", tanong ulit ni Elmo.
Tumango naman si Julie.
"Anong gusto mo, Irog? Order ka na!", sabi na lang ni Julie.
Iced tea lang naman ang inorder ni Elmo.
He had coffee sa Tiki nung may ka meeting siya kanina sa office niya doon.
He consulted a Lawyer regarding his situation.
Inaalam niya ang rights niya sa bata kung sakaling hilingin niya ang custody nito.
"So ano ang sabi ng lawyer?", tanong ni Julie ulit.
"Well, according to the revised family code, kung magsa sign ako sa birth certificate ng bata, the child can carry my name",...
"Kahit hindi kami kasal ni Missy", paliwanag niya.
"We'll talk about the custody further, kasi there's a certain age to consider before I file for custody",....
"Sa ngayon sa Mommy muna ang bata", dagdag niya.
"Visiting rights ang pwedeng igrant lang sa akin",...
Tumango tango naman si Julie.
"Eh... how was the check-up?", tanong ni Julie patungkol sa kahapong pagpunta ni Elmo sa Tagaytay.
"Hindi natuloy, nagpa reschedule sila, nahihilo daw si Missy", kwento pa ni Elmo.
"Umuwi na din naman ako agad, inaantok din daw kasi siya",....
"Ummmm!", tatango tangong sagot ni Julie.
"Hindi mo tinabihan?", tanong pa nito.
"Ha?...Syempre hinde, Baby?", mabilis namang sagot din ni Elmo.
************
Nagsasabi nga ba ng totoo si Elmo?
Di ba't ang sinabi nitong 30 minutes kay Missy, ay inabot ng higit isang oras bago siya tuluyang umuwi.
Sinamahan pa kasi niya itong kumain ng hapunan doon.
At nakauwi lang ng makatulog si Missy.....
Sa tabi niya......
Hanggang kailan kakayanin ni Elmo magsinungaling kay Julie?
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
![](https://img.wattpad.com/cover/65888894-288-k471141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction