Eighty Fourth

1.1K 74 9
                                    

First check up ni Julie sa OB-Gyne.

Si Elmo ang namili nito bilang nirekomenda ito ni Lola Dessy na anak ng matalik niyang kaibigan.

Natatawa si Elmo na malamang may kilala pa lang OB-Gyne ang lola niya, samantalang hindi niya ito nirekomenda nung panahong akala nila ay buntis si Missy.

Binigay naman ng mama ni Julie ang desisyon na ito kay Elmo kapalit ng usapang mananatili pa din si Julie sa bahay nila sa Bulacan.

Gusto sana kasi ni Elmo na sa bahay na nila sa QC umuwi si Julie para araw araw niya itong nakikita at nababantayan paguwi mula sa Tiki.

Dun naman hindi pumayag ang ina ni Julie dahil ayaw niyang lumabas na nagli-live in na ang dalawa.

Bagay na naintindihan naman ni Elmo.

"Just take your vitamins Julie. And drink lots of milk. Makakabuti sa inyong mag ina yun",

"Wag mong masyadong papagurin ang sarili mo, lalo't I found out that you have a heart condition",..

"And as young couples, alam ko na you're both still eager to do some "lovemaking", sabi pa ng doktor.

"Sex is perfectly fine. As long as you won't feel any pain or spotting after".

Nahihiya namang magreact ang dalawa. Tumango na lamang si Elmo.

Habang kinukurot naman ni Julie ng pino ang braso nito.

"Aw, Baby! Easy!", saka hinalikan ang bandang ulunan ni Julie.

"So, I will see you Julie after a month. If you feel anything unusual dala ng pagbubuntis mo, you're always free to call me in my direct line.",

"Salamat po Doc!", ngiti ni Julie sabay kuha ng calling card nito.

"And for you Mr.Magalona, wag mong bibigyan ng stress si Julie okay!", ngiti naman nito kay Elmo.

"I won't po Doc! They're my priority.Of course, I'll take care of Julie and the baby!", saka pa nakipagkamay sa Doktora.

"Mabait naman po to, Doc!", depensa din ni Julie saka pa hinalikan ang balikat ni Elmo.

--------------------

Sobrang pagaalaga naman din ang ginagawa ni Elmo kay Julie.

Mula ng malaman nitong buntis ang girlfriend, aligaga din ito sa pagbiyahe ng Manila to Bulacan.

Naaawa na nga din si Julie sa kanya. Kaya madalas, sa Bulacan na ito nagpapalipas ng gabi at umuuwi na lang sa Manila kinabukasan.

Alas 10 ng gabi dumating si Elmo sa bahay nila Julie sa Bulacan.

May sarili na itong susi para hindi na kailangang kumatok nito.

Same way, na di na kailangan ni Julie na tumayo para pagbuksan siya.

Dumiretso ito sa kwarto ni Julie.

May isang linggo na silang ganito mula nang magpa check up si Julie.

Araw araw din kung magdala ito ng supplies ng milk at fruits kay Julie.

Although wala pang malinaw na pinaglilihian ito, madalas lang talaga siyang magrequest ng fries at Caramel sundae galing McDonalds.

Marahan itong humalik sa noo ng natutulog na si Julie.

Binilin niya kasi na wag na siyang hintayin nito para hindi napupuyat.

Tinanggal ang sapatos saka dumiretso sa closet ni Julie.

May mga damit na kasi ito doon.

Kung titignan nga ng iba para na din silang nagsasama na parang sa magasawa.

Dito na halos umuuwi si Elmo.

Sumaglit si Elmo sa banyo para magwash up at magtoothbrush.

Saka naman tumabi kay Julie.

"Irog, kanina ka pa?", bulong ng naalimpungatan na si Julie.

"Di naman, Baby!", ...

"Go back to sleep, dito lang ako!", ....

"Hello, anak! Di mo ba pinahirapan si Mommy today?", bulong nito sabay himas sa tiyan ni Julie.

Sinusuklay naman ni Julie ang buhok ni Elmo.

"Mabait siya today, Daddy! Hindi niya pinasuka si Mommy!", ngiti naman ni Julie.

"How was your day, Baby?", saka naman bumaling kay Julie.

Magkatabi na sila ngayon, saka pa humiga si Julie sa braso ni Elmo.

"Okay naman, naglakad lakad. Tapos nagpaluto aki ng Champorado kay ate Cel!", kwento pa ni Julie.

"Champorado then caramel? Baby, baka naman maging parang si "Aura" yung anak natin hehe!",...

"Eh bakit, Elmo nga pangalan ng tatay niya sa Ang Probinsyano eh hehe!",....

"Ah... that I didn't know, pinakita lang sa akin ni Makoy yung video niya sa youtube eh!", kwento ni Elmo.

"Irog, ano ba gusto mong gender ng baby?!",...

"Kung may choice ka lang naman?", tanong ni Julie.

"Syempre, I want a boy, not necessarily a junior, but of course para maging kuya din siya in the future", saka pa dinikit ang noo sa noo din ni Julie.

"Bakit, ikaw ba?"...

"Ummm, boy din",...

"Gaya-gaya! Hehe!", sabi ni Elmo.

"Eh tama nga naman, para nga kuya siya di ba?", katwiran ni Julie.

"Para may magpoprotect sa baby sister niya!"dagdag ni Julie.

"Hmmm, gusto mo....gawa na din tayo ng baby sister eh,hehe!",pilyong hirit ni Elmo.

"Irog ha, di ako ready sa gusto mong mangyari", ngiting sabi naman ni Julie.

Elmo didn't say anything.

He just kiss Julie in the lips....

Saka inabot ang switch ng night lamp para patayin ito..

Pretty sure, we all know what happened next. 😍😍😍

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡












Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon