Twelfth

968 46 0
                                    

"OMG! You like him!", ulit ni Ada.

"No, I don't!", mariing tanggi ni Julie.

"Yes! you do!", sabi naman ni George.

"No, I don't!", ulit naman nya.

"Yes, you do!", salitan lang si George at Ada.

"You like him!", si Ada ulit.

"Ang kulit! I don't like him nga!", ulit din ni Julie.

"You don't like who?!", tanong ng isang lalaki mula sa likod ni Julie.

Napako naman sa pagkakaupo sila George at Ada.

Ngumuso ang mga ito kay Julie para tignan niya ang taong nasa likod niya.

"Elmo?!?", patanong na sabi ni Julie.

"Sinong ayaw mo?", tanong ulit niya kay Julie.

"Ha?! Ah eh..yung ano! Yung nagbasa ng poem kanina!",..

"Ayoko sa kanya, hindi siya magaling!", sabi ni Julie.

"Nasira niya yung ganda ng tula!", dahdag pa nito.

Nakahinga naman sila Ada dahil nakalusot si Julie.

"Anong ginagawa mo dito? May naiwan ka ba?", curious si Julie.

"Ah wala, nahiya naman kasi ako sayo", sagot ni Elmo.

"Wala pa ata kaming 30 minutes kanina, nagyaya na si Missy", dagdag niya.

"Ah, Elmo upo ka!?!", singit ni George.

"Ay, Oo nga, please sitdown", sabi ni Julie na medyo gulat pa din.

Tumabi naman si Elmo sa kanya.

Tumitig na naman yung dalawa kay Julie. Sinipa pa nga ng bahagya ni Georgina ang paa nito. May pinapahiwatig. Para kasing nagse space out ito eh.

"Ah, Elmo. These are my friends, Ada and Georgina!", pakilala ni Julie.

"Hi!", bati ni Elmo saka kinamayan bawat isa.

"So hindi ka na ba, magbabasa?", tanong ni Elmo kay Julie.

"Ah hinde, last ko na yung kanina pag alis niyo!", sagot ni Julie.

"Sayang naman", sabi pa ni Elmo.

Nakinig naman sila sa mga sumunod na tumula.

Naging uneasy na din ang pakiramdam ni Julie na paminsan minsang sinusulyapan si Elmo.

Maya maya pa, nagpaalam na ang dalawang kaibigan.

"Juls, una na kami. Maaga pako magoopen ng store bukas",pahayag ni Georgina.

"Oo, ako din, masulit ko naman yung off ko, toxic na naman sa office sa Monday!", si Ada naman.

"Ah okay sige, uuwi na din kami maya maya!", saka na nag beso ang tatlo.

Hinawakan pa nga nila sa braso ng mahigpit si Julie na parang nagpapahiwatig na "easy" ka lang.

Tumango naman si Julie.

Tinginan pa lang talaga nilang magkakaibigan, alam na nila ang gustong sabihin ng bawat isa.

Naiwan naman sila Julie at Elmo sa table.

Tapos na ang poetry reading pero bukas pa naman ang cafe sa mga gusto pang magstay para magkuwentuhan.

Umorder pa sila ng tig isang tasa ng Cafe Mocha.

"This is a nice place huh!", sabi ni Elmo.

"Very unique ang concept!", dagdag niya.

"Ah yeah, matagal tagal na to. First year college kami nang madiscover namin to", kwento ni Julie.

Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon