Ngayon ang schedule ng first ultrasound ni Julie. Excited siya pero mas excited si Elmo.
Maaga nga sila ng halos 15 minutos sa tinakdang schedule ng doktor para dito.
"Okay, are you ready?", tanong pa ng OB-Gyne ni Julie.
Saka na ito humiga. Nakaabang naman si Elmo at seryoso na nagmamasid sa ginagawa ng doktor.
Julie felt a tingling sensation nang malagyan na ng ultrasound gel ang tiyan niya.
Unang lapat palang ng transducer sa tiyan niya, dinig na agad ang tibok ng puso ng baby.
"Can you hear that?",..
"That is the baby's heartbeat!", masayang pahayag ng OB-Gyne.
Naluluha naman si Elmo nang marinig ito.
"Music to my ears, Baby", saka pa tumabi kay Julie, humalik sa noo at hinawakan ang kamay niya.
Titig na titig naman sila sa screen habang inikot ikot ng Doktor ang "wand" sa tiyan ni Julie.
"I'm seeing two pumping hearts!",saka pa inulit ulit ang ikot ng transducer para makasigurado.
Pinakinggan naman nilang lahat ang heartbeat na dumadagundong sa kabuuan ng kwarto.
"Looks like you're having twins, Julie Anne!!!", masayang balita nito.
"Wow! Talaga po, Doc?!", paninigurado ni Julie.
"Yes, Iha! Looks like Elmo here isn't just a 3-point shooter, but a slam-dunker too! hehe!", biro pa ng doktor.
Natawa naman ang lahat.
"Now I'm doubly excited to be a Dad!", bulalas pa ni Elmo.
"Ah, Doc! Ano pong gender? Pareho bang boys o girls?",tanong nito agad.
"Sana 1boy and 1 girl!", singit naman ni Julie.
"We'll see that on your succeeding visits Julie.",sabi pa ng Doctor.
"Sa ngayon, masyado pang maaga".
"Yehey! Makakabili na din kami ng gamit para sa baby once malaman namin ang gender nila!", excited na sabi ni Julie.
Natapos naman ang ultrasound ng maayos.
Halos hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ng dalawa.
Sakay ng kotse, nagmaneho na si Elmo pauwi sa bahay ng mga Magalona. Dun naman magpapalipas ng ilang araw si Julie.
"Baby, I just started talking to the architect na kaibigan ko nung College",
"Papaumpisahan ko na ang design para sa bahay sa Bulacan", ani Elmo.
"Irog, di ba masyado pang maaga para diyan?",
"I mean, b-baka hindi natin kayanin ng sabay sabay?", alala ni Julie.
"Manganganak pa ko, marami pa tayong dapat iconsider sa gastos".
"Baby, don't worry about it. Kailangan nga maumpisahan na natin at least before the twins arrive, we're ready na", firm na salita ni Elmo.
Tumingin muna ito kay Julie saka hinimas ang tiyan.
"Gusto ko maging kumportable kayo ng mga anak natin".
Ngumiti naman si Julie sa kanya.
"Thank you, Irog", sa nangilid ang luha.
"Hey! Don't get too emotional...Baka makasama sa inyo yan, Baby?", nagaalala ang boses ni Elmo.
"No, I'm fine. Dahil naman sa galak to, Irog, don't worry",..
"Sa yo nga ko nagaalala, masyado kang napapagod",..
"Sa biyahe, sa Tiki, sa akin",...
"Shhh! Don't say that! Of course, I'll do everything para maibigay ko ang kumportableng buhay sa inyo, Baby"......
"Stop thinking about it...We're all set, don't worry!", paninigurado pa nito.
Labis namang kinakataba ng puso ni Julie ang mga sinasabi ni Elmo.
Hindi niya akalain na ganito ang itatakbo ng isip nito ngayong biglaan ang naging pagpapamilya nila.
Napaswerte nga pala talaga niya kay Elmo.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction