Poetry Night, Saturday
Naked Ear, Katipunan"Am I late?", saka pa humalik si Elmo sa pisngi ni Julie.
"No you're just in time, Irog", sagot naman ng girlfriend.
"Asan sila George, Baby?",...
"Padating na yun siguro"...
"Baby, are you okay?",..
"Bakit parang pagod ka?", alala ni Elmo.
"Nakakatulog ka ba ng maayos?",...
"Yeah, I'm fine. Nakiusap kasi si Teddy na mag session ako kahapon",...
"Kaya medyo kulang sa tulog", paliwanag pa nito.
"Okay, next time, tell him once a week is enough ha?",sabi pa ni Elmo.
Tumango naman si Julie.
Tahimik namang nakikinig ang dalawa sa poems na binabasa nang biglang dumating sina George at Ada.
"Oh, mahal na reyna, ito na po ang bilin nyo!", saka pa inilapag ang paper bag ng McDonalds sa lamesa nila.
"What is that?", takang tanong ni Elmo, saka binuksan ang paper bag.
"Fries and Vanilla Sundae w/...Caramel Sauce?", sipat pa ni Elmo sa mga ito.
"Sana sakin mo na lang binilin, Baby!, naabala pa ata sila George", ..
"Okay lang Elmo, ngayon lang naman nagrequest yan sa amin!",ngiti ni Ada.
Kinuha naman ni Julie ang fries at sundae saka nagumpisang kumain.
Nagpaalam naman si Elmo sandali para magbanyo.
Sarap na sarap naman si Julie sa kinakain nang nagkatinginan naman ang dalawang kaibigan ng i dip nito ang fries sa Vanilla sundae saka sinubo.
"Ewww, Juls, ano ba yan?", diring sabi ni George.
"Hindi yan Mayo para sawsawan mo ng fries!", ...
"Gusto mo ba ng Mayo, magrerequest ako?", si Ada.
"Ang sarap kaya, try niyo!?" sabi naman ni Julie.
"Ano bang trip mong babae ka, minsan talaga yang pagka weirdo mo, nakakabahala na eh!", iling ni George.
Di naman sila nito pinansin.
Pagbalik ni Elmo, ubos na ni Julie ang kinakain.
"Wow! You finished it already, Baby! Hehe!?", natatawang sabi ni Elmo saka siya inakbayan ng umupo.
"Sarap eh!", saka naman sumiksik sa kilikili ni Elmo.
"Gosh, Julie grabe ka sobrang clingy mo kay Elmo!", puna ni George.
"Eh gusto ko inaaamoy yung kilikili niya eh, bakit ba?!", ismid nito sa mga kaibigan.
Natawa naman si Elmo sa girlfriend.
Umiling na lang din ang dalawa saka pa bumaling sa nagbabasa.
Bandang alas onse, nagpaalam na din sila Julie kila George at Ada.
Sasaglit pa kasi ang mga ito sa Tiki para makapagsara naman si Elmo sa bar.
Sa daan pa lang papunta ng Tiki, nakaidlip na si Julie sa sasakyan.
Nagaalala tuloy si Elmo bakit mukhang pagod ito at di gaanong masigla.
Ginising naman ni Elmo si Julie pagka park sa labas ng Tiki.
"Baby, andito na tayo?", saka pa hinimas ang pisngi nito.
Gumising naman din ito agad saka pa umunat.
"Hi Irog, matagal ba ko nakatulog?", saka pa kinuskos ang mga mata.
Natuwa naman si Elmo sa hitsura ng girlfriend.
Maganda talaga ito kahit hindi gaanong nagaayos.
"It's okay, Baby, alam ko namang pagod ka", saka niya ito hinalikan sa noo.
"You can rest in my office para di ka maguluhan sa bar",...
Magkahawak kamay naman silang pumasok sa loob ng Tiki.
Hinatid muna niya ito sa office para makapagpahinga.
"Sandali lang ako, Baby ha!"..
"Do you need anything?",...
"Okay lang ako , Irog!",..
"Hintayin na lang kita",.....
Lumabas naman si Elmo para macheck muna ang bar.
"Jelai! Asan si Makoy?",...
"Ah Sir, nasa kitchen po!", sagot naman nito.
Sakto namang lumabas si Makoy saka din dumiretso sa kung nasaan ang amo.
"Makoy! Asan na yung mga papers?", kaswal na tanong nito.
"Ah nasa drawer nyo , Ser! Kumpleto na yun", sagot nito.
"Okay, sige icheck ko na lang pala mamaya",..
"Jelai, tumawag ba ulit yung nagpareserve para sa Sabado?", ...
"Ah yes, Sir! Eto po yung contact no. Para daw po sa 40 na guests", paliwanag pa ni Jelai.
"Saka gusto daw sana Sir, magset up ng Dj , kung papayag kayo"
"Pwede naman, pero we have to make sure that we will charge them extra sa pagset up ng sound system nila", sabi pa nito na lumabas ang natural na pagiging negosyante.
Ilang minuto pa bumalik na din ito ulit sa office para silipin si Julie.
Pagbukas niya ng pinto, wala ito sa couch kung saan niya iniwang nakahiga kanina.
"Baby?!", tawag niya dito.
Saka siya bumaling sa comfort room na nasa loob ng office niya.
"Are you okay?", saka niya ito inabutang sumusuka sa sink ng banyo.
"Yeah! Baka sa kinain kong fries at sundae kanina"
"You need to eat real food, Baby, papabili ako kay Makoy ng Ramen okay?!",saka pa inalalayan si Julie na maupo.
Saka naman lumabas ulit para utusan nga si Makoy.
Naiwan naman si Julie na nagiisip.
Napatayo ito saka pa dumiretso sa table ni Elmo para hagilapin ang calendar nito.
"Shoot!",...
Nung makalawa pa kasi dapat dumating ang period niya.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction