Fourth

1.1K 50 0
                                    

"Ha, hindi kayo tinarayan, Sir?, takang tanong ni Makoy nang makaharap si Elmo sa counter ng bar.

3PM nasa bar na si Elmo para maihatid agad ang pinamili.

"Well, mataray naman din nung una, pero katagalan okay na din", kwento ni Elmo.

"Sa umpisa, intimidating pero nag warm up naman na din nung nagkausap na kami", ....

"Tinulungan pa nga niya kong buhatin yung mga chicken sa sasakyan",dagdag nito.

"Wow! Bago yun ah!", sabi naman ni Makoy.

"Sabi sayo Ser, bipolar yung kinakapatid ko na yun!, biro niya.

"Tignan mo Sir, sa sunod na tawagan mo yun, di ka na naman kilala haha!!", dagdag niya.

Nangisi naman si Elmo.

Maya maya nag vibrate ang phone nito na nakapatong sa counter top.

Nagulat ito ng makita ang name na nagfa flash sa iphone6+

Julie Anne.....

"Ayan na Ser! Speaking of the devil! Haha!", sabi ni Makoy nang makita din kung sino ang tumatawag.

"Bakit kaya?", takang tanong ni Elmo saka na lang sinagot ang tawag.

"Hello, Julie?", sagot niya.

"Hello, naiwan mo yung wallet mo sa sasakyan ko!", sabi ni Julie.

"Really? I did not realize na nawawala ang wallet ko?", sagot naman niya

"Kaya nga sinasabi ko po sa iyo!", si Julie...

"Naiwan mo nga yung wallet mo sa pick up ko!", ulit niya.

"Ah okay, so san ka?,Puntahan kita!", sagot agad ni Elmo.

"No! ako na lang pupunta, san ka ba?", tanong naman ni Julie.

"Okay, Morato?", habang nakikinig sa direksyong sinasabi ni Elmo.

Makalipas ang halos 30 minutes namataan na ni Elmo si Julie sa main entrance ng bar.

"Hey!", pagsalubong ni Elmo dito.

"Thank you ha!", pasalamat niya pagkaabot ni Julie sa wallet.

"Check mo baka may nawala?!", sabi nito na sinisipat sipat ang kabuuan ng bar.

"Ah wala naman siguro, I trust you!", ngisi ni Elmo.

"Halika, have some drink first"...

"Nakakahiya naman, ikaw pa naghatid dito eh", saka niya i alalayan si Julie patungo sa counter.

"Andyan si Makoy! Wait papatawag ko!", dagdag niya.

Mangilan ngilan pa lang ang tao sa bar, maaga pa naman kasi.

Pero since they serve full meal, may mga pumupunta na dito para mag dinner.

"Julieeee!!!!", bati ni Makoy.

"Kumusta na?", sabay akbay sa kinakapatid.

"Eto, buhay pa!", sagot naman ni Julie.

"Ikaw talaga, next time kung ipamimigay mo yung no.ko sabihan mo ko ha!", hampas nito sa braso ni Makoy.

"Eh biglaan nga eh!",sabi ni Makoy.

"Saka hindi naman kita binibigyan ng stalker, business kaya yun!", depensa naman ni Makoy.

Saka namang labas ni Èlmo galing sa kitchen.

Si Makoy bumalik naman sa trabaho.

"Here, try our Spam maki and our famous Jerk Chicken", latag niya sa harap ni Julie.

"Uy, di naman na kailangan", sagot ni Julie.

"Wala naman yun!",....

"Ang dami naman nito!", saka kumuha ng isang chicken wing.

"Anong choice of drink mo?", tanong ni Elmo.

"Soda, Iced tea....Beer?...T-Tequila?!?", nakaabang naman ito sa isasagot ni Julie.

"Uy, grabe siya haha! Bottled water na lang!", sagot ni Julie.

"Here!", si Elmo pa ang nagbukas nito.

"Thank you!", sabi ni Julie.

Nagkukuwentuhan sila nang biglang may humalik kay Elmo.

"Hi Hon!", si Missy na nakayakap agad kay Elmo.

"Hey, Babe! You're early?", nabiglang sagot ni Elmo.

"It's Saturday, we need to party!", sagot naman nito.

Nailang naman si Julie sa pag PDA ng dalawa.

Naconscious din siya sa suot na Raglan shirt at jeans.

Napaka pustura naman din kasi ng kasama ni Elmo.

"Ah, Babe..this is Julie, new supplier!", pakilala ni Elmo.

"Julie, si Missy, girlfriend ko!", dagdag niya.

"Hi!", maiksing bati ni Julie.

"Hello!", ngiti din naman ni Missy.

"So, ikaw ba naging savior ni Elmo sa shortage ng chicken niya? Hehe!", biro nito.

"Parang ganun na nga hehe!", ngsis din ni Julie.

"Ay excuse me ha!,",....

"I need to go to the restroom", saka na ito umalis.

"Ah, Elmo.. aalis na din ako ha!", paalam nito.

"Ha? Bakit naman, maaga pa!", pigil nito kay Julie.

" Ah, may pupuntahan pa kasi ako eh ", paliwanag nito.

"Alright.. ah asan ba si Makoy!", hanap ni Elmo.

"Bakit?", takang tanong ni Julie.

"Ipapahatid kita sa labas?", sabi ni Elmo.

"Ha? Wag na!", tanggi ni Julie.

"Kaya ko na to, eto naman !",...

"Sige, ako na lang maghahatid sa yo sa labas", prisinta ni Elmo.

"Wag na nga!", pigil ni Julie saka na lumakad palayo.

"It's the least thing I can do",sabi ni Elmo.

"Madami kang naging favor sa akin today", saka niya sinabayan si Julie palabas.

Pinagbukasan pa niya ito ng pinto ng sasakyan.

"Mag ingat ka!", sabi nito.

"Thank you for today!", halos magkalapit naman ang mukha nila ng dinungaw siya ni Julie mula sa bintana ng sasakyan.

"Welcome!", ngisi naman ni Julie.

Saka na inistart ang sasakyan.

Nilingon pa nga niya si Elmo na nakatanaw din sa pag alis niya saka kumaway.

"In fairness, cute siya!" , kimikilig na bulong nito sa sarili.

"Pero taken na eh!, saka naman nagiba ang timpla niya........



♡♡♡♡♡♡♡










Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon