Nineteenth

955 49 2
                                    

Friday.

6.30 palang papunta na sa Tiki si Julie.

Dumaan kasi ito sa pwesto sa Cubao para sa mga orders ni Elmo.

Sa sasakyan na din niya sumabay si Makoy.

"Ah, Juls! Alam mo na ba?

"Break na sila Missy at Elmo?", tanong ni Makoy habang umaandar sila papuntang Morato.

"Break ka diyan?!", biglang pasigaw na sabi ni Julie.

"Cool off lang!", paglilinaw ni Julie sa sinabi ni Makoy.

"Sus! Ganun na din yun!", sabi naman ng kinakapatid.

"Kung kayo, kayo! Kung break, break!", dagdag niya.

"Grabe ka naman!", iiling iling si Julie.

"Pero, alam mo balita ko, si Sir Elmo ang nakipag cool off?", chismis pa ni Makoy.

"Ha?", gulat naman si Julie.

"Wala siyang sinabi sa akin na ganyan", sabi pa ni Julie.

"Oo, kwento ni Jelai. Andun siya nung magtalo yung dalawa!", kwento pa nito.

"Parang may pinagseselosan ata si Missy!", dagdag niya pa.

"Talaga?!?", curious na tanong ni Julie.

Siya kaya ang pinagseselosan ni Missy?

Bakit kaya si Elmo ang nakipag cool off dito?

"Uy, Juls! Baka mabangga tayo, nag de daydream ka na ata diyan?", pagtapik ni Makoy sa balikat niya.

"Ha?! Ano ka ba? Nakafocus kaya ako!", depensa ni Julie.

"Uuuy! May pagasa na siya kay Elmo!", tukso pa ni Makoy.

"Wag ka nga, Makoy!", pigil ang ngiti nito.

"Ayoko ngang maging rebound girl, di bale nang maging single ako forever, kesa naman gawin akong panakip butas lang!", ismid nito kay Makoy.

Nakarating naman sila sa Tiki Bar halos wala pang alas siyete.

Sinalubong naman siya ni Elmo sa entrance, habang si Makoy sa likod idinaan ang mga dala dala.

"Thanks for coming!", bungad ni Elmo.

"Ano ba magagawa ko, napasubo ako sa dare mo eh!", ngisini Julie.

Kinuha naman ni Elmo ang bitbit na gitara.

"Para din makamusta mo mga Protegès mo hehe!", sabi ni Elmo.

"Eh dalawa naman tayong mentor nila di ba!", sagot din ni Julie.

"So tatlo kami ngayon?", tanong ni Julie.

"Nope, ikaw lang saka si Bart!", linaw ni Elmo.

Si Bart yung reggae ang genre na pareho nilang nagustuhan nung nag audition.

"Ah okay, wala naman akong bayad sana pinapasok mo na yung isa!", suggest ni Julie.

"Nag paalam din, reliever daw siya ngayon sa drive thru!", sabi pa ni Elmo bakit hindi din papasok yung babaeng singer nila.

"Parang kinakabahan naman ako!", sabi ni Julie...

"Sa Bulacan, alam ko na crowd dun, pero dito sa Manila, maaarte ang mga tao dito eh!", angal niya.

"Relax, you'll rock the stage tonight, I'm sure of that!", kindat ni Elmo sa kanya.

"Lakas ng kumpiyansa mo sakin ah!", ngisi ni Julie sa kanya.

"Oo naman. Ikaw pa!", ...

Start na ng first set. Si Bart ang naunang nagperform.

Ilang sandali pa, may pumasok na isang babae sa Tiki.

Ang ganda nito sa kanyang Little Black Dress.

Saka dumiretso sa gawi nila ni Elmo.

"Hi, Hon!", saka ito humalik sa pisngi ni Elmo.

Nailang naman si Julie sa nasaksihan.

Bago pa man siya umiwas, nahagip na siya ng tingin ni Missy.

"Hi Julie. You're here again!", puna ni Missy sa kanya.

"Napapadalas ata ang pagpunta at pagsama sama mo kay Elmo", may tono ang boses nito.

"Missy, stop it! I invited her!", singit ni Elmo.

"Ouch! That was cold!", baling nito kay Elmo.

"Wala man lang, Babe? ", angal nito kay Elmo.

"Have you been drinking?", pansin ni Elmo na parang nakainom na ito.

"I had a few!", sinagot naman siya ni Missy.

"Ah Elmo, palit lang ako ng damit ha!", paalam na lang nito para umiwas.

Dumiretso naman ito sa Ladies room kung saan dumiretso siya sa isa sa mga cubicle.

Naiyak siya sa inis.

Bakit parang pakiramdam niya, kontrabida pa siya sa dalawa?

"Wala naman akong ginagawang masama ah!", bulong niya sa sarili.

Kinalma naman niya ang sarili, saka na nagbihis.

Hindi man aminin ni Julie, pinaghandaan niya ang gabing ito.

Nagshopping pa ito ng masusuot kaninang umaga.

Isang off-shoulder na denim blouse at black skinny pants ang napili niyang suotin.

At malayo sa nakasanayang sneakers at flats, naka stilletto siya ngayong gabi.

Hindi man siya sopistikada tulad ni Missy, pero alam niyang maganda din siya.

Yung gandang hindi nakakasawa.

Yung simple lang.

Tumatak din kasi sa kanya ang sinabi ni Elmo dati.

Walang masama kung maging extra pretty pag kelangan.

Naglagay naman ito ng konting make up.

Sinuklay ang buhok at inaayos ng mabuti ang damit.

Lalabas na sana siya, nang pumasok si Missy.

Hindi naman siya nagpahalata na naiilang siya sa presensiya ni Missy sa Tiki ngayong gabi.

"Hi, Missy!", siya ang unang bumati.

"Oh, Hi Julie!", bati din nito.

"Wow! I love your blouse!", puri niya kay Julie.

"Ha!? Thank you!", nahihiyang sabi ni Julie.

"But Elmo, doesn't want showing off too much skin", pahaging nito habang naglalagay ng lipstick sa harao ng salamin.

"Anong sinasabi mo?", tanong naman ni Julie.

"Elmo wants someone who's simple, classic.....boring!", sabi pa nito saka bahagyang natawa.

"You like him, right?", tanong ni Missy na kinagulat ni Julie.

"What did you say?", tanong din niya.

"You heard me!", sabi pa nito.

"I think he likes you too!", sabi pa ni Missy bago lumabas.

♡♡♡♡♡
































Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon