"6...5...4...3...2...1!", bilang ni Julie saka pa huminga ng malalim.
Hinihintay niya ang lalabas na resulta sa Pregnancy Test na hawak.
Nasa banyo siya at kasalukuyang mag isa sa bahay. Sinama kasi sa palengke ng mama niya si Ate Cel niya.
"Ang sabi sa instructions, isang guhit negative, pag dalawa...positive!", kinakausap nito ang sarili.
Isang malinaw na guhit at isang bahagyang gatuldok ang nasa ilalim nito ang lumitaw sa result.
"Shoot! Ano to?"Medyo buntis lang ako?!?!", naguguluhang sambit ni Julie.
"Ang labo naman mag PT, bakit kasi di gaanong malinaw",inis na sabi pa niya.
Maya maya, sinubukan na naman niya ito para makasigurado.
"Oh, ngayon isang guhit lang!", nalilito na talaga siya.
Wala pa kasi siyang nasasabihan tungkol sa haka haka niyang baka buntis nga siya.
Dali dali itong nagbihis.
Saka pa hinagilap ang susi ng sasakyan.
Pupunta ito sa malapit na drugstore para bumili uli ng PT. Hindi kasi siya mapakali hanggat hindi malinaw ang nakikitang linya.
"Bakit kasi hindi malinaw na isang guhit, o malinaw na dalawang guhit!", inis na namang sabi niya sa sarili.
"Ate, pabili nga po ng Pregnancy Test kit, mga 3!", diretsong sabi ni Julie.
"Ang dami naman ata?!", nangingising tanong ng attendant sa maliit na botika, di kalayuan sa bahay nila.
"Ah...ate, bakit ganun? Hindi naman ata accurate ang PT na nagagamit ko!",...
"Nasa brand po ba yan? Baka dahil ba mura lang yung binili ko , hindi na reliable yung result?!", inosenteng tanong ni Julie.
Nangisi naman ang babae.
"Miss, kasi pinaka effective yan, yung unang ihi mo sa umaga!",
"Tapos, wag mo ng ulit ulitin kasi talagang maiiba iba na ang resulta niyan pagkatapos", paliwanag ng babae.
"Ganun po ba yun?!", saka panapakamot si Julie sa ulo.
Mali pala ang ginawa niya. Bukod sa ala una ng hapon na siya nag test, hindi yun ang unang ihi niya sa araw na yun.
"Sige ate, salamat!",...
"Kaya, bukas ka na ng umaga ulit magtest!", bilin pa ng babae.
"Eto ang sukli mo, isa na lang ang bilhin mo at sayang pa yang pera mo".
"Pero ang pinaka maganda talaga niyan , eh maglatingin ka na sa doktor!",..
"Yun ang magbibigay sayo ng tamang sagot",ngisi pa ng babae.
"Maganda ka, sigurado gwapo din ang tatay niyan!",....
Napangiti naman si Julie ng malaki.
"Ay, oo naman ate! Pinakagwapo talaga ang tatay ng magiging baby ko!",saka pa hinimas ang tiyan.
Umuwi naman si Julie na nagiisip.
Tama bang sabihin na niya kay Elmo na baka nga buntis siya?
Matutuwa kaya ito?
O baka naman sisihin siya? Dahil siya naman ang may gustong may mangyari sa kanila sa Coron.
Pero nakita niya ang excitement sa mga mata ni Elmo nung akala nito ay magkakaanak siya kay Missy.
Sigurado naman siyang matatanggap ni Elmo kung totoo ngang buntis siya.
Pero paano kung magiba na ang pakiramdam ni Elmo?
Wala pa man silang isang taon, nabuntis na siya agad.
At paano niya ito ipagtatapat sa ina? Pihadong magagalit ito.
Nagpromise pa naman siya sa mama niya na hindi siya gagawa ng bagay na ikasasama ng loob nito.
"Hay Julie Anne! What have you done!"......
♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction