Ninety Fourth

1K 61 2
                                    


"Welcome Home!", sigaw nina Teddy at Makoy.

Isang Welcome Home banner ang nakaabang kay Julie at sa kambal pagpasok nito sa bahay.

"Uy!! Thank you! Nasurprise ako haha!",

"Teka! Aatakihin ata ako sa puso, balik nyo ko sa Ospital!", biro pa nito.

Buhat ng Mama niya ang baby girl nila at si Ate Cel niya ang sa baby boy.

Si Elmo naman nakaalalay kay Julie, bitbit din ang baby bag nito.

Umupo muna si Julie sa sofa, habang inaayos ni Elmo ang crib ng kambal sa kwarto nito.

Matagal na nilang naayos ang kwarto ni Julie at naihanda para sa pagdating ng dalawang anghel.

Sa isang parte nga ng wall ni Julie, ay nakapagpaint pa siya ng animo'y baby wonderland na akma sa boy and girl.

Naglalaro ito sa kulay Blue at Orange.

Isang bwan bago siya nanganak, ito ang pinagkaabalahan niya.

Nang masigurong okay na ang kwarto, sinanitize pa itong muli ni Elmo para siguradong walang mikrobyong papahamak sa mga anak niya.

Saka naman pumasok ang Mama at si Cel sa kwarto para ihiga ang kambal. Sila muna ang magbabantay sa mga ito.

Kumuha naman ng tubig si Elmo mula sa kitchen saka inabot kay Julie.

"Thanks! Irog",...

"So Pareng Elmo, kelan ang binyagan?", tanong ni Teddy.

"Paguusapan pa namin ni Julie!",

"Importante makapahinga muna sila, at mafollow up ang vaccines ng kambal para din di kami magalala:,

"Importante maproteksyunan muna ang twins!", ngiti nito saka umakbay kay Julie.

"Eh Sir Elmo, yung bahay nyo pala, kelan ba matatapos yun?!", singit naman ni Makoy.

"Ah, in a few weeks, pwede na kaming lumipat dun!", masaya niyang kwento.

Nakikiramdam naman si Julie.

Gusto lang niyang marinig ang mga sasabihin muna ni Elmo, bago pa siya magreact.

"Kailangan lang muna na maayos ang lugar, matanggal ang mga naiwang debris"

"Tapos pag kaya na ni Julie, we can shop na for the furnitures at ilang gamit sa bahay!", paliwanag ni Elmo.

"Di ba Baby?!", baling nito kay Julie.

Ngumingiti ngiti lang naman si Julie. Tikom ang bibig at walang planong magbigay ng reaksyon.

"Oh, ready na ang pagkain, hali muna kayo at mag merienda!", anyaya ng mama nila.

Tumayo naman sila Teddy at Makoy, habang naiwan muna sila Julie at Elmo sa sala.

"Are you  okay, Baby?"

"Bakit tahimik ka?", alalang tanong nito.

"May masakit ba sayo?",

"Ah wala, Irog, I'm fine!"

"Pagod lang siguro ako!", sagot ni Julie.

Umupo naman ng pa squat si Elmo sa harap ni Julie.

"Baby, whatever it is, you can always tell me kung ano ang gusto mo okay?!",

"I don't want you worrying on things na hindi naman dapat dahil may solusyon naman lahat ng alalahanin mo",

"Thanks, Irog! Wala naman akong masyadong pinagaalala, kasi andyan ka eh!",

"Ngayon pa lang, nararamdaman ko na ang pagaalaga mo sa amin ng twins!",

"And I could not ask for more, you are the greatest Dad for me!", saka humalik sa labi ni Elmo.

"Of course, Baby, you are my family!",

"My everything!", sabi pa ni Elmo.

"I love you, I love our twins!",

"Kayo na ang buhay ko ngayon!", sincere na sabi ni Elmo.

Saka naman niya inalalayan si Julie para saluhan ang iba sa hapag.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡


























Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon