Second

1.3K 51 0
                                    



Alas 9 ng umaga. Gising na si Elmo.

Kahit inaantok pa, bumangon na ito para maumpisahan ang araw.

Sabado pa naman. Pihadong matao ngayon sa bar niya.

"Good Morning Moe!", bati ng Lola Dessy niya.

"Good Morning, Lola", saka ito humalik sa noo ng matanda.

"Yaya, black coffee please!", saka ito umupo sa kabisera ng hapag.

Ito ang request sa yaya niyang simula baby sya ay ito na ang nagalaga sa kanya.

Hot choco ang madalas iniinom ni Elmo sa umaga. Pero dahil kelangan niya ng boost sa araw niya, kape ang pampagising niya.

"Eto na Moe!", ngisi ng yaya niyang may katabaan ng konti.

Habang slim naman si Lola Dessy, kita pa din ang ganda nito kahit pa 74 na ito.

Inabot naman din ng yaya ang morning paper para mabasa ni Elmo.

"Thanks, Ya", pasalamat nito.

"Excuse me, Lola, may tatawagan lang po ako ha!", saka ito tumayo para pumunta ng sala.

Iniscroll ang contacts sa telepono.

Inisip muna ni Elmo ang pangalan muli ng tatawagan.

"J...J.. Jane...Janella..Janine....", basa niya sa mga pangalan na nasa letter J.

"There you are....Julie Anne!", bulong niya sa sarili.

Dinial niya ito.

Sandali lang naman at kumonekta na ang linya.

Kriiinnnngg!!!! Krinngg!!!! Kringgg!!!!

Walang sumasagot.

"Maaga pa ba?", tingin nito sa wall clock nila.

"Past 9 na , tanghali na ah!", iling nito.

Inisip niya na lang itext ito muna para makapag heads up.

"GoodMorning! This is Elmo.Got your no.from Makoy. I need to speak with your Mom regarding business. Thank you", type niya saka sinend.

Bumalik na muna ulit si Elmo sa hapag para makapag almusal.

Morning person din talaga siya.

"Oh, tapos ka na iho?", tanong ng lola Dessy niya.

Halos nakatatlong subo lang ata ito sa tantiya ng matanda.

"Ah, opo Lola, mag ja jogging po kasi ako, tanghali na nga eh", saka ito muling humalik sa ulo ng mahal na lola.

Sakto 9:37 paalis na ito ng bahay para magjog sa Village.

Isang exclusive village sa QC sila nakatira.

Bahay na nila ito na naipundar ng mga magulang niya.

Habang nagdya jog sa loob ng village, naalala nitong i check ang cellphone sa bulsa.

Wala pa ding sagot yung tinext niya.

At dahil nga kelangan talagang makausap ang supplier, tinawagan niya ulit ito.

Inilagay ang earphones sa tenga saka niredial ang numero.

Krinnnngggg!!!!! Kringgg!!!

Ayan, pumick up na din ang nasa kabilang linya.

"Hello!", bungad ni Elmo....

Walang sumagot. Blanko lang.

"Hellooo?", ulit niya pero mukhang nakikinig lang yung kausap niya.

"Ah! Is this Julie Anne?", tanong ulit niya.

"Yes! This is her!", seryoso ang boses ng sumagot.

"Hi, did you get my message?", malumanay na tanong ni Elmo.

"Nope! Sino ka ba?", medyo mataray itong sumagot.

"Ah, nagtext kasi ako, gusto ko sana makausap yung nanay mo?", sabi ni Elmo habang nag ja jogging.

"Eh bakit di siya tinawagan mo?", sarkastiko nitong sagot.

"Ah, kasi nakuha ko yung no.mo kay Makoy, wala daw siyang no.ng Ninang niya, sayo lang meron", naiinis man, composed pa din si Elmo.

Mahirap na, siya pa naman ang may kailangan.

"Ah okay, wait lang!", dinig naman ni Elmo ang paglakad ng kausap.

"Ma, may kakausap daw po sa inyo", dinig ni Elmo ang sabi nito.

"Sino daw?", tanong ng ginang.

"Di ko po alam Ma, tanong niyo na lang", saka inabot ang cellphone.

"H-hello?", sagot na lang ng babae.

"Ah hello po Ma'm. Ako po si Elmo. Nakuha ko po no.nyo kay Makoy?", pakilala ni Elmo.

"Ah, nag su supply daw po kayo ng chicken sa Farmer's Market?", tanong nito.

"Aahh!! Oo, may pwesto kami dun!", pagsangayon naman ng kausap.

"Ano ba kelangan mo?", tanong nito.

"Kelangan ko po ng chicken wings at breasts?", sagot ni Elmo.

"Ah! Sige sige..yung anak ko na lang ang magaasikaso ng kailangan mo ha?!Siya kasi ang madalas sa Manila" sabi pa nito.

Saka sinutsutan ang anak na busy sa painting niya sa isang corner ng bahay.

"Psst, Julie, anak, kausapin mo nga muna to, at tatapusin ko lang tong niluluto para sa tanghalian!", sigaw pa nito sa anak.

Wala naman nagawa si Julie kundi lumapit at kunin ang telepono.

"Oh, hello!, ilang kilong chicken ba kelangan mo?", tanong sa kausap.

"Ano! ngayong araw mo kelangan?", pasigaw na tanong nito.

"Pambihira ka naman, agad agad naman pala yan?!", medyo naiinis na sabi nito.

"Wala pa naman akong schedule pumunta ng Manila ngayon!", dagdag pa niya.

"Okay, okay sige!! Text kita pag nasa Cubao nako!, Bye!", saka in end call.

Pumunta naman ito sa kusina para paalalahanan ang ina.

"Ma, eh kelangan ko pong makipagkita sa lalake na yun!",...

"Kelangan daw niya today!"inis na sabi ng dalaga.

"Eto naman si Makoy walang pasabi, bigla bigla na lang pinamimigay tong no.ko!", saka na ito tumalikod.

Siya si Julie Anne San Jose,22, Artist. Graduate ng Fine Arts sa UP.
Medyo radikal. Iskolar ng bayan eh. Painter, Photographer at Poetry Reader. Only child din. Namatay ng maaga ang ama dahil sa Cancer.
Sa Malolos, Bulacan sila nakatira. Pero gaya ng nabanggit, may pwesto sila sa Farmer's Market sa Cubao.

Naligo na ito para maghanda sa pagluwas ng Manila.

Mga ala una daw makikipagkita ang kausap sa kanya.

Sandali lang naman ang biyahe. Sanay naman na siya idrive ang distansiya nito dahil uwian naman din siya nung nagaaral pa ito.

Sakay ng black Nissan Frontier na pick up truck. Umalis si Julie saķto alas dose ng tanghali......






Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon