Fifteenth

981 45 2
                                    


"Julie, asan ka na?", si Teddy.

"Namumuti na mata ng date mo?", sabi pa niya.

"Wag na kaya Couz!", alanganin si Julie.

"Ano ka ba? Try mo lang?!", pilit nito.

"Tsaka dito naman sa bar kayo magmimeet!", dagdag pa niya.

"Sino ba kasi yan?", tanong ni Julie.

"Basta, tropa!", sabi ni Teddy.

"Langya! Bebenta mo ko sa tropa mo?!", angal na naman ni Julie.

"Baka may tunnel din sa tenga yan!", asar niya pa.

"Juls, mabait to, kaibigan ko to! Ipapahamak ba naman kita?", panigurado ng pinsan.

"Matagal ng may crush to sa yo, kaya pagbigyan mo na, malay mo!", giit ni Teddy.

"So kilala ko siya?", usisa pa ni Julie.

"Hinde! Pero ikaw kilala ka niya!", sagot ni Teddy

"Pakadami mong tanong, pumarine ka na kasi!", lumalabas na tuloy ang pagka Bulakeño ni Teddy.

Wala naman na ding magawa si Julie. Nakabihis na din siya.

Isang simpleng Romper na black at Adidas All Star ang ootd na napili niya.

Habang nagmamaneho, iniisip niya kung tama ba na pumayag siya sa date na ito.

Nacoconfuse kasi siya kung gusto lang ba niya talagang ,magboyfriend regardless kung sino, o partikular siya na si Elmo ang gusto niya.

Baka kasi dahil sa nakita niyang qualities ni Elmo, narealize niyang ready na siya makipagrelasyon.

Parang yun kasi ang pinupunto ng pinsang si Teddy.

She just likes the idea of falling in love.

It's not exactly because she's in love with Elmo.

Pero yung pakiramdam lang ng may minamahal at nagmamahal sayo.

"Hindi kayo para sa isa't isa ni Elmo. May girlfriend yung tao!", ito ang huling tumatak sa kanya na sinabi ni Teddy kahapon.

Paulit ulit niya itong naririnig sa utak niya.

Bumalik ang senses niya nang makitang nasa harap na siya ng Teddy's Grill.

"Ang agang date naman nito, alas 5 pa lang!" Tingin niya sa relo.

"Lord! Please help me! Sana makita ko ang sagot sa pagpasok ko ng bar na yan!", dasal niya saka nag sign of the cross.

Confident na pumasok si Julie. Ayaw muna niya isipin si Elmo. Mabuting bigyan niya ng chance ang taong napili ng pinsang makilala niya.

"Juls!", salubong ni Teddy.

Lumapit naman ito, kita na niya ang lalaking makakadate. Okay naman.

Average looking. Neat at mukha ngang mabait.

"Julie, this is Jasper!", pakilala ni Teddy.

"Jappy na lang!", saka ito nagabot ng kamay kay Julie.

"Hi!", maikling sagot ni Julie saka nakipagkamay.

"Oh di ba! Bagay kayo! Haha! Japs!...Jappy!....Jappy!...Japs! ",
pahiwatig ni Teddy.

Umupo naman ang dalawa.

"Ah, Julie, okay lang ba sayo dito?", nahihiyang sabi ng kausap.

"Sabi kasi ni Teddy, you're not into formal dates!", ....

"Oo! Hindi ako sanay. Feels awkward pag too formal.", sagot ni Julie.

"Okay na sa kin. Mas casual, mas mabuti!", ngisi pa niya.

"But we'll still have dinner later, okay lang ba yun?", tanong nito.

Ito kasi ang usapan ni Julie at Teddy. Magmimeet muna sila sa bar para maintroduce ang isa't isa. Then she'll take it from there kung papayag siya mag dinner sa labas or "sorry, not interested" ang magiging linya niya mamaya.

"Yeah, sure!", ngumiti si Julie.

Mukhang maayos naman kasi ito kausap. Ayaw naman niyang ijudge ito agad agad.

He had soda while Julie ordered Iced tea.

Nagkwentuhan muna sila. Kung anu ano lang. Just to break the ice ika nga.

6:30 nang magaya na ito para kumain sa labas.

Nagpaalam naman sila kay Teddy.

Tiwala naman siya sa pinsan.

Hindi naman siya ipapahamak nito.

Anu't ano man ready naman siya dahil sa pepper spray na dala.

Sumakay si Julie sa kotse ni Jappy.

Di naman malayo ang pinuntahan nila.

Isang fancy restaurant na may outdoor setting.

Naimpress naman ang Julie nang malamang nagpareserve pala ito.

At least alam niyang pinaghandaan ang "date" nila.

"Ah, Julie, what would you want for starters?", tanong ni Jappy.

Three meal course ito pero hindi naman too formal.

"I'll have Ceasar salad na lang", sagot ni Julie.

Yun na din naman ang inorder ng ka date.

Grilled Chicken and Pasta Alfredo ang main course nila while Julie opt for fresh fruits sa dessert.

"Julie, thank you ha!", maiksing sabi ni Jappy.

"Oo naman. I mean, I'm glad to meet new friends.", ngiti niya.

"So I heard, regular ka sa bar ni Teddy?", si Julie na ang nagstart ng conversation.

"Yeah, I usually go there weekends saka pag Wednesday", nahiya naman ito saka yumuko.

Syempre alam na ni Julie ang gustong ipahiwatig ni Jappy. Na pinapanood siya nito every gig niya.

"Ah, okay! Salamat sa support ha!", sabi na lang niya.

"Oo naman. Ang galing mo nga eh!", puri nito.

"So what do you do?", tanong naman ni Julie.

"I'm into buy and sell of cars",sagot ni Jappy.

"Nagseset up kami ng mga gusto mag pacustomize", dagdag niya.

"I see....Kaya pala ang "pogi" ng kotse mo!", biro ni Julie.

"So taga Bulacan ka din?", tanong niya.

"Nope, I live in Makati",...

"You mean galing ka pang Makati pag pumupunta ka dito?", tanong niya.

Tumango naman ang kausap.

"I met Teddy sa isang Car Show, mahilig din siya sa kotse di ba?!", kwento nito.

"Tapos, ayun na naging tropa na kami.", dagdag niya.

"Until one time, sabi niya panoorin daw kita kumanta",....

Tatango tango naman si Julie.

"So, bakit you never introduced yourself?", tanong naman ni Julie.

"Walang chance eh, tsaka nahihiya din ako!", sagot naman nito.

"Bakit naman? Intimidating bako?",si Julie naman ang nagtanong.

"No. Hindi naman. Ang galing mo lang kasi, na sa starstruck ako hehe!",sabi pa ni Jappy.

Okay naman ang naging paguusap nila.

Magaang din ang loob niya dito.

He's really nice at masaya din kausap.

Pero....

Pero hindi siya si Elmo....

♡♡♡♡♡♡♡
























Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon