Seventy Fourth

1K 56 6
                                    

"What?! You mean may nangyari sa inyo sa Coron?!", tanong ni Ada.

Tumango naman si Julie. Saka nagtakip ng mukha.

"Eh, hindi ka ba niya pinuwersa? Baka naman pinilit ka lang niya Juls?, aligaga si Ada.

"Rape yan!", si George.

"Ang OA mo George, wag ka nga?!", kontra naman ni Ada.

"Grabe naman kayo. It's a mutual decision", sabi ni Julie.

"And for the record, tinanong naman niya ko kung ready na ba talaga ko",...

"And I said yes. Kaya please lang, don't make it look so bad!",...

"Pareho naming gusto",...

"Saka para namang kami lang ang gumagawa nun?!", ngisi pa ni Julie.

"I just thought, you guys should know. Kaya sinabi ko sa inyo", sabi pa niya.

"Of course, Bes, we're not here to judge you.",..

"Buhay mo pa din yan", sabi ni Ada.

"Pero...what if...what if mabuntis ka?" ,tanong ni George.

"Sabi mo di siya gumamit ng...alam mo na?", si Ada.

"I don't know. I'd like to think that I'm safe. I lost count sa days. Iintindihin ko pa ba naman yun ?", iling niya.

"Well, may point ka diyan, pero sana naisip din ni Elmo na magingat",..

"Unless, gusto niya talagang...ma- mabuntis ka", ...

"Diba baka yung frustration niya kay Missy, gusto niya ikaw ang tumupad nun",sabi pa ni Ada.

Wala namang kibo si Julie. Ayaw niyang ientertain ang idea sa isip niya.

"Well, whatever it is, I'm sure paninindigan naman ni Elmo yung nangyari sa inyo", dagdag pa niya.

"Pero na gi-guilty din ako kay Mama. Nagpromise ako sa kanya na behave kami ni Elmo",...

"Pero..."

"Pero di mo napigilang humarot! Haha!", kantyaw pa ni George.

Natawa naman si Julie.

"Ang hirap naman din kasi eh..."

"The timing was just perfect. The mood was just so romantic",..

"Tapos dalawa lang kami. Sa iisang kwarto. Sa iisang kama!",..

"Hindi ko siya maresist!!",kinikilig pang sabi ni Julie saka pa nagtakip ng mukha.

"May point ka diyan Friendship!", sabi ni Ada.

"Oo nga, alangan namang mag Jack en Poy kayo di ba?!Haha!", tawa ni George.

"Pero seryoso, wala naman akong pinagsisisihan sa nangyari",

"Masaya ako"...

"At kung tatanungin ninyo ako na kung pwede kong balikan ang mga pangyayari, wala akong babaguhin",....

"Mahal ko si Elmo. And everyday, my love grows for him",...

"Ayy! Ang sarap talaga pag true love!!!, palakpak ni Ada.

"Sus! Hindi totoo yan!", kontra ulit ni George.

"Pero, Bes, seryoso to ha. Masaya ko na ganyan ang nararamdaman mo kay Elmo"....

"Sana, sana talaga, ganun din siya sayo", ramdam ni Julie ang hinanakit ni George.

Masyado kasi itong nasaktan sa sinapit sa boyfriend. Kaya hindi niya masisisi itong magalala para sa kanya.

"Salamat sa inyo ha!! I thank God for friends like you!", saka pa sila nag group hug.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡








Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon