Fifty Ninth

886 51 9
                                    

Silaw mula sa bintana ang gumising kay Elmo, alas 7 ng umaga.

Himbing naman sa pagtulog ang isang anghel na nasa tabi niya.

Nakahiga ito sa pagitan ng mga braso niya.

Gumalaw ng bahagya si Julie nang maramdaman na parang may mga matang nakatingin sa kanya.

Dumilat ito ng dahan dahan, saka nasilayan ang matamis na ngiti ni Elmo.

"Good morning Sunshine!", bati ni Elmo sa kanya.

"Good morning Irog!", bati nito pabalik.

Nakalimutan naman ni Julie na kagigising niya at di pa nagsisipilyo man lang.

Tinakpan na naman niya ang bibig ng kumot na hawak.

"Hey!", tinanggal naman ito ni Elmo, saka siya hinalikan sa labi.

"Why do you do that? Your breath is as fresh as the morning breeze", sabi pa ni Elmo.

"Irog, sinasabi mo lang yan!", sabi pa ni Julie.

"Lika na nga baka gising na si Mama!", saka naman ito bumangon.

"Ah, Irog, sige bihis ka muna, para masabi ko din kay Mama na andito ka!", dali dali naman nitong sinuot ang slippers saka tumakbo palabas.

Naiiling namang napangiti si Elmo.

He likes it when Julie acts childlike sometimes.

Childlike...Not childish.

Nagbihis na ito. Inayos ang sarili saka lumabas para dumiretso muna sa banyo para maghilamos at mumog.

Nasa kusina naman na ng mga oras na iyon ang mama ni Julie.

"Ah Ma!", kumakamot pa ito sa ulo bago tinuloy ang salita.

"Kasi...Andito po si Elmo...."

"Dito po siya... natulog", sabi pa ni Julie.

"Alam ko!", sagot ng mama niya.

"Alam niyo po?", takang tanong ni Julie.

"Naiwan ang cellphone at susi ng kotse niya sa side table sa sala",paliwang ng ina.

"Sinilip ko din kayong magkayap kanina sa kwarto mo", .....

"Ah Ma, wala naman po yun, natulog lang naman kami",...

"I know, anak!", ngisi naman ng Mama niya.

Maya maya.....

"Ahhhhhhhhh!", sigaw ni Ate Cel.

"May lalaki sa banyo!", nagmamadali itong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Julie.

"Ate Cel!!!! Si Elmo lang yun!", sagot agad ni Julie.

"Si Elmo ba yun?!", .....

"Takte! Ang ganda ng katawan!"...

Hinubad kasi ni Elmo ang suot na shirt saka naghilamos ng mukha.

Palibhasa, nakatalikod, hind ito nakilala ni Ate Cel.

"Ang yummy, in fairness!",dagdag pa ni Ate Cel.

"Ate, uunahan mo pa ko ha!", biro naman ni Julie saka na binalikan si Elmo.

Bumalik naman sila sa hapag para saluhan ang mama ni Julie.

"Ah Good morning po Tita! Pasensya na po at dito nako nakitulog kagabi",....

"Wala yun Elmo, halikayo at magalmusal na",anyaya pa nito.

Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon