Eightieth

971 58 2
                                    


Alas 8 na ng gabi pero andito pa din ang magkakaibigan sa Teddy's.

Gusto nilang damayan si Julie lalo't hindi pa alam ni Elmo ang kalagayan niya.

Madami dami na din ang nainom ni George pero si Ada, di talaga pwedeng uminom dahil malamang siya na ang magdadrive sa kanila pabalik ng Manila.

Kaya sila ang magkausap ni Julie ng masinsinan ngayon.

Habang sumasabay namang kumanta sa banda sina George at Teddy.

Sabi ni Teddy, break na din daw sila ng huling girlfriend nito. Saktong dalawang linggo lang daw tumagal ang dalawa.

Biro pa nga ni Teddy, at least daw nalagpasan nila ang kantang "Isang linggong pag-ibig". Masaya na din siya dun kahit paano.

Walang alam ang pinsan sa kalagayan ni Julie. Gusto niya sa mga kaibigan lang muna sabihin ang sitwasyon niya.

"Ah, Juls, kung saka sakali, magpapakasal ka ba agad kay Elmo?", tanong ni Ada.

"Pano naman ako magpapakasal Ads, kung hindi naman niya ko inaalok?", kibit balikat ni Julie.

"Eh siyempre Bes, lalo na pag nalaman niya na buntis ka, imposibleng di ka niya ayain magpakasal",....

"Mabait naman si Elmo. At kay Missy pa lang, nawitness naman natin na responsable siya",

"Pero, ayoko namang pakasalan niya ko dahil lang sa buntis ako", paliwanag pa ni Julie.

"Eh wala naman na tayong magagawa, Bes!"

"Ayan nga at buntis ka na, syempre isipin mo din yang magiging anak nyo", paliwanag pa ni Ada.

"Kasalanan ko ba to Ads?",nangungusap ang mga mata ni Julie.

"Ngayon, hindi na matutuloy yung usapan natin nila George na, kasal muna bago pa tayo magbaby",

"Na magiging proud tayong isuot ang white wedding gown habang naglalakad sa aisle ng Manila Cathedral",saka ito nag smirk.

"Ads, mali ba na "bumigay" ako agad?", seryosong tanong ni Julie sa kaibigan.

"Bes, wala namang makakapagsabi talaga kung tama o mali ang ginawa mo eh",...

"If it's bound to happen, it's gonna happen",...

"Ang mahalaga it happened for the right reason",....

"Mahal mo naman si Elmo, di ba?!", ....

"Sobra!!!", maikling sagot ni Julie.

"At gaya nga ng sabi namin, we're not here to judge you"....

"Saka, hello?!? Hindi mo naman magisa ginawa yan!",....

"Kaya dapat hindi lang ikaw ang nagalala diyan", saka pa niya siniko ng bahagya si Julie.

"Wala namang pinagkaiba kung 2 months ago pa yung nangyari sa inyo o kahapon lang",...

"Kasi ang ending, kung mabubuntis ka, mabubuntis ka talaga"..

"Kaya habang maaga, sabihin mo na kay Elmo",...

"Ano ba kasing pumipigil sa yo?",tanong pa nito.

"Wala naman...Napapaisip lang ako na baka hindi pa siya ready",...

"Hindi pa kami ready",....

"Saka ako? Ready na ba ko maging mommy?", sunud sunod na sabi nito.

"Aminin na natin Ads, wala naman sa plano ko kasi ang mabuntis di ba!",

"I mean, don't get me wrong, syempre gusto ko sana makasal muna nga kami, kaya, somehow yung guilt hindi mo matatanggal sa akin",.,..

"Gagah! Ini-i-stress mo lang yang sarili mo, Juls!",..

"Pareho niyong ginusto yan!"

"At kahit ano pang sabihin mo,andyan na yan!",

" Saka wag mong solohin lahat yan... tanga din yan si Elmo, di siya nag ingat no!", inis na sabi nito.

"Shhh, Ada! Ang ingay mo, marinig ka ni Teddy", saka pa siya kinabig ni Julie.

"Basta, Bes, alam mo naman parang magkakapatid na tayo",

"Hanggat maaari, poproteksyunan ka namin....kahit kay Elmo pa!",

"Salamat, Friendship! Pero alam ko din namang hindi ako papabayaan ni Elmo",...

"Nararamdaman ko namang mahal niya ko. At totoo ang intensyon niya sa akin",...

"But for some reasons, nagaalala ako na dahil nga buntis ako, maobliga na siyang pakasalan ako",...

"Of course, ayoko naman ng ganun, gusto ko pakakasalan niya ko dahil mahal niya ko hindi sa buntis ako".....

Huminga na lang ng malalim si Ada saka pa niyakap ang kaibigan.

Mag alas 9 naman ng magyaya na si George umuwi.

"Oy! Jontis, uwi na kami para makapahinga ka na, masama mapuyat sa yo", sabi pa nito.

"Okay ka lang ba magdrive?", saka inalalayan ni Ada tumayo.

"Oo naman, buntis lang ako, wala naman akong sakit", ngisi ni Julie.

"So paano guys....I'll keep you on the loop?"....

"Of course...saka pag may kailangan ka, tawagan mo kami okay?!", saka pa nag group hug.

Nagpaalam lang si Julie kay Teddy saka na sila nagsabay sabay palabas sa parking lot.

Nauna na sila Ada at George umalis.

Si Julie nasa sasakyan lang, hinugot ang cellphone.

Nagtext pala si Elmo.

*****Hi Baby, Sorry, it's kinda busy right now with the party and all. Tulog ka na ba? Let me know, so I can still call you later. I love you, Baby! Miss you. Goodnight.

Saka tinignan ang mga pictures nila sa Coron sa camera roll niya.

Nakikita naman niyang masaya si Elmo sa kanya.

At umaasa siya na dodoble ang saya nito sa piling niya lalo't magkakaanak na sila.

♡♡♡♡♡♡♡♡



























Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon