Seventeenth

965 54 1
                                    

Thursday.

Sinundo ni Elmo si Julie sa bahay nila.

Bumiyahe pa talaga ito pa Bulacan.

Ito kasi ang dare ni Julie sa kanya kagabi.

****

"Kelangan sunduin mo ko, hindi ako magdadrive pa Manila para imeet ka", sabi ni Julie.

"Okay, be ready around 2PM!", bilin ni Elmo.

"Okay. Cool!", sabi pa ni Julie

******

White tank top na pinatungan niya ng denim polo, black skinny jeans at Roshe run ang get up ni Julie.

Naka cap din ito. Na siya namang kapareho din ng Nike cap na suot ni Elmo.

Ito na din ang tamang pagkakataon para ipakilala ni Julie si Elmo sa ina.

"Ma, si Elmo po!", pag introduce sa bisita.

"Good aftenoon po Ma'am!", bati din ni Elmo.

"Good Afternoon din, ikaw pala si Elmo?", bungad ng ina.

"Ah, opo!", magalang na sagot nito.

"Nanliligaw ka ba kay Julie?", diretso itong nagtanong.

"Po?" , takang tanong ni Elmo.

Humarang naman si Julie sa usapan.

"Ah! Ma!Aalis na po kami baka matraffic pa kami eh!", mabilis itong bumeso sa ina saka na hinatak si Elmo palabas.

Patungo naman sila sa sasakyan ni Elmo nang biglang nacurious na nagtanong ang Mokong.

"Why would your mom think that I'm courting you?", tanong ni Elmo.

Inalalayan pa niya itong sumakay sa passengers's seat.

Siya pa nga ang naglagay ng seatbelt kay Julie Anne.

Amoy naman ni Julie ang pabango ni Elmo.

[Gosh! Elmo why are you doing this to me?"-Julie]

"Wala lang yun, siguro akala niya ikaw si Jappy!", assume ni Julie.

Sumakay naman na din si Elmo sa Driver's seat, bago pa inistart ang sasakyan tumingin muna ito kay Julie....

"Pinakilala mo na ba yung Japoy na yun sa mom mo?", tanong ni Elmo.

"Ha? Hindi pa. Hindi naman pa kelangan!",tanggi niya.

"Hindi ko pa naman siya pinapayagan talagang manligaw formally!",dagdag ni Julie.

Lihim namang napangiti si Elmo.

"Tsaka Jappy po, hindi Japoy!haha!", pagtama ni Julie kay Elmo
.
Nangingisi din sila pareho.

"Whatever!", sabi na lang ni Elmo saka na nagmaneho.

Sa Gateway napili ni Elmo manood, sinamahan naman siya ni Julie pumila para makapili na din ng designated seat.

Nagstart ang movie dakong alas 4 ng hapon.

Nakahawak naman si Julie sa braso ni Elmo habang papunta sa upuan.

Tahimik lang silang nanunuod.

Sa kalagitnaan ng movie, napansin ni Elmo ang paghilig ng ulo ni Julie sa balikat niya.

Umakbay din naman si Elmo dito.

Nangisi na lang siya when he realized na nakatulog pala si Julie.

Puyat nga pala ito mula sa gig kagabi tapos kinulit pa niya hanggang madaling araw.

He suddenly had this "zing" feeling.

Kung tutuusin pwede naman talagang tumanggi si Julie na hindi sumama.

Kung pagod at puyat ito, she could have asked him na sa ibang araw na lang sila manood.

Or she could have told him na ayaw niya talaga, hindi pwede, pagod siya.

Pero pinagbigyan pa din siya ni Julie.

One thing na naisip niyang hindi ginagawa ni Missy.

Missy is the type na pag ayaw niya, ayaw niya talaga.

She won't bend.

Yun ngang pag Singapore nila, kung hindi siya sumama, tutuloy pa din ito kahit magisa lang siya.

Bahagyang hinalikan ni Elmo ang ulo ni Julie.

Amoy niya ang bango ng buhok nito.

Hinayaan lang niya ito magpahinga.

Wala naman alam si Julie sa posisyon niya.

Nakayakap na kasi ito kay Elmo.

Credits na nga ng magising siya.

"Oh my God! Sorry nakatulog ako",takip niya sa mukha saka isinuot ang cap.

"It's okay, alam ko naman puyat ka", ngiti niya kay Julie.

"Thank you pa din kasi sinamahan moko!", dagdag ni Elmo.

"At dahil diyan pakainin mo ko! Gutom nako!", ungot naman ni Julie.

"Haha! Syempre naman !", pagsangayon ni Elmo.

Foodcourt na din naman kasi pagbaba nila mula sa cinema.

"Are you sure, dito na lang tayo sa food court?", tanong ni Elmo.

"Oo naman, san pa ba gusto mo?", tanong ni Julie.

"Ah, eh marami naman restaurant sa baba eh!", suggest ni Elmo.

"Ang arte mo, dito na lang!", hila ni Julie sa kanya.

"Hindi naman tayo nag de date!", dagdag ni Julie.

"Ayan Taco Bell!", turo niya.

"Mamaya treat naman kita ng blizzard sa DQ!", sabi pa ni Julie.

Wala din nagawa si Elmo, pumuwesto na din si Julie kung san sila mauupo.

"Yay! Thank you ha! Namiss ko mag Taco eh!", sabi pa ni Julie saka kumagat ng malaki.

"Oo naman, eh sinamahan mo nga ko di ba!", kain din ni Elmo.

Di naman mapigilan ni Elmo na tumitig kay Julie.

Natutuwa siya dito kumain.

"Oh, bakit may dumi ba ko sa mukha?", tanong ni Julie.

"Wala naku cutan lang ako sa yo!", sabi naman ni Elmo.

"Si Missy kasi ayaw nun sa foodcourt!", kwento niya.

"Madami daw tao, parang palengke!", iiling iling si Elmo.

"Ah....eh hindi naman ako si Missy eh!", sabi naman ni Julie na walang pakialam sa pagkain.

"I know....and  I'm...Glad!.....

♡♡♡♡♡♡


































Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon