"Bilis naman ng araw! Friday na agad?!", parang naiinis na sabi ni Julie.
"Oh, eh bakit naman parang biyernes santo yang mukha mo?", tanong ni Ate Cel, ang maid nila Julie.
"Hindi ko pa kasi natatapos yung painting ko eh!",sagot niya.
"Binigyan ko kasi ng deadline ang sarili ko, na dapat by Saturday, maihatid ko na to kay Mayor!", inis pang sabi niya.
"Eh bakit ba hindi mo nga matapos?", usisa naman ni Cel.
"Nadi distract kasi ako eh!", sagot ni Julie.
"Weh!, san naman?", takang tanong ng maid.
"Di ko alam...Marami...kung anu ano!", sagot ni Julie.
"Ano?.....o Sino?", nakatitig ito kay Julie, hinahabol ang mga mata nito.
"Sino?, Ano ba yang tanong mo Ate Cel?", maang maangan pa ni Julie.
"Aminin mo! May crush ka?!", habang nakaturo ito kayJulie ng nakapamewang.
"Crush ka diyan, Teh?, Highschool lang ang peg?", ngisi ni Julie.
"Eh sino yung kinukuwento ni Teddy na pumunta sa bar niya?",...
"Pano mo naman nalaman yun?", takang tanong ni Julie.
"Eh kasi po, kahapon galing si Teddy dito, eh tulog ka pa!".....
"Hindi ka na pinagising dahil nga daw puyat ka sa bisita mo?!", paglilinaw nito.
"Yun pala umaga ka na natulog dahil dun sa Elmo na yun!", dagdag niya.
"Hala! At pinangalanan mo talaga!?", nangingisi naman si Julie.
"Oh, hindi ba't nakilala nga ni Teddy?", pagulit nito.
"Hihingiin daw sana niya yung number nung Elmo", kwento pa ni Cel.
"Tagal tagal nilang magkausap nung gabi, di naman pala sila nagtanungan ng number!", iiling iling pa si Julie.
Ilang saglit pa silang nagkulitan nang may tumawag kay Julie.
Elmo ang nag fa flash na oangalan sa screen nito.
Napako naman ang tingin niya sa telepono.
Hindi alam kung sasagutin ba niya o iignorin ang tawag.
-------------------------------------------
"Hello!", sagot ni Julie.
"Hello, Julie?!", si Elmo.
"Ah, free ka ba today!", tanong agad nito.
"Depende, bakit?", tanong naman ni Julie.
"Hihingi sana ko ng favor?", malambing ang boses nito.
"Ano naman?!, wala kong pera!", tanggi agad nito.
"Sobra ka naman haha!", tawa ni Elmo.
"Gusto ko sana magpatulong sayo, if available ka?", tanong nito.
"Alin nga?", nakukulitang sabi ni Julie.
"I'm holding auditions para sa isang acoustic night",....
"I think I'll do Fridays for that, try ko muna!", paliwanag niya.
"You need my help? Pano?", taning ulit ni Julie.
"Since hindi naman kita maafford, be the judge na lang?haha!", biro nito.
"Pleaassee!", pakiusap pa ni Elmo.
"Ganun?", tanging nasagot ni Julie.
"Okay, What time ba?", tanong ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/65888894-288-k471141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction