Thirty Ninth

929 56 7
                                    


Sunday, 5PM.

Katatapos nila Julie at Elmo na magsimba sa Parish nila Julie.

Magkahawak ang kamay, tumungo sila kung saan naroon ang mga stand para sa mga gustong humiling at magtirik ng kandila.

"What did you wish?", tanong ni Elmo.

"Huh?",pikit pa ang isang mata ng balingan niya si Elmo.

"Secret!", sagot ni Julie.

"Madaya!", bulong ni Elmo saka mabilis siyang hinalikan sa pisngi.

"Bakit, ikaw? Ano winish mo?", tanong naman ni Julie kay Elmo.

"Hmmm, eh di na sana, tayo na Forever?!", ngisi niya sa girlfriend.

"Weh! Di nga?!", kinikilig naman ang Julie.

"Totoo ba yan?", naglalakad na sila patungo sa kotse ni Elmo.

Sumandal muna si Julie sa pinto.

"Baka binobola mo lang ako?", umirap ito ng bahagya kay Elmo saka nag crossed arms.

"Sabi ko nga di ba, di naman kita pipilitin kung ayaw mo maniwala!",
saka hinawi ang buhok ni Julie at inipit sa tenga nito.

" Irog, Why do you like me?", seryosong tanong niya kay Elmo.

"Ha?!", si Elmo naman ang nabigla sa tanong nito.

"Bakit mo natanong, Baby?", sabi ng boyfriend.

"Gusto ko lang malaman", sagot ni Julie.

"I like you.....because....you are the exact opposite of my dreamgirl", sabi pa ni Elmo saka hinawakan ang dalawang kamay ni Julie.

"Ha?! You like me, pero hindi pala ako ang dreamgirl mo?", lalong naguluhan si Julie sa sagot nito.

"Exactly...." maikling sagot ng kausap.

"Alam mo kasi, when people set standards as to how they would want their girlfriend or boyfriend should be, madalas dun sila pumapalpak!",.....

"They get hurt or disappointed because the other person could not meet their expectations!",....

"My dreamgirl was Missy",..

Tahimik lang naman si Julie na nakikinig sa bawat sasabihin ni Elmo.

"Pretty, intelligent, confident, poised",....

"Wala ka nang hahanapin pa. Complete package nga di ba;",...

"But eventually, those qualities did not matter to me anymore !",....

"Hindi na importante sa akin kung haharap siya sa akin ng walang make up, o kung malakas pala siya kumain o humihilik pala siya kung matulog",....

"Gusto ko na lang yung presence niya, yung attention niya,yung lambing niya, yung love niya", paliwanag pa ni Elmo.

"You know, when reality sets in, dun mo na marerealize ang mga tunay na gusto mo sa isang tao.

"Dun mo na masasabi sa sarili mo na "ah siya na talaga", malalim ang mga salita ni Elmo.

"Love is a work in process",....

"Hindi yan basta naging "kayo na", wala ka ng gagawin pa"...

"Hindi yan naguumpisa sa Good morning at nagtatapos sa Goodnight!",...

"Kasi in between that, merong..."

"Okay ka lang ba?",....

"Nasasaktan ka ba?",....

"May gusto ka ba?"....

"Those sort of things!", pagiisa isa ni Elmo.

Tumatango tango si Julie kay Elmo.

Para siyang estudyanteng natuto ng bagong leksiyon.

"Dapat din kasi pinagtatrabahuan pa din ang bawat tingin, ngiti, tawa ng taong mahal mo",....

"Hindi tayo dapat nakukuntento sa ano lang ang kaya nating ibigay pansamantala, mahalaga may effort na kasama",...

"And that's what I like about you",....

"Hindi mo inuuna ang sarili mo but you always consider my feelings",....

" You seem very carefree at hindi mo na kailangang mag pa impress o magpaganda para lang mapansin kita!", ....

"And that was the big surprise for me",....

"I liked you kahit hindi ikaw ang dreamgirl ko!", pagtapos ni Elmo.

Nakatingin lang naman si Julie sa kanya.

Mesmerized by his eyes.

Julie knew how lucky she is to have found "the one"....

"I like you...because you are not my dreamgirl....but my reality!




♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡




Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon