Fourteenth

934 42 1
                                    


Isang linggo na ang nakalipas.

Walang paramdam si Elmo.

Si Makoy ang kumukuha ng supplies sa Farmer's Market.

Nabusy din naman si Julie sa pagtapos ng painting para sa City Hall.

"Finally!", sabi niya sa mga huling touches sa obra.

"Ang ganda! Galing mo talaga Julie!", bati ni Ate Cel.

Abstract lang ito. Naglalaro dito ang kulay na Blue at Orange.

"Ihahatid ko na to mamaya sa Mayor's office", sabi pa ni Julie.

"Balato ha!", biro naman ni Cel.

"Ate Cel, barya lang to!", sabi niya.

"Nahihiya naman akong magpresyo sa office ni Mayor!", dagdag pa niya.

"Saka masaya na ko makita na naka display ang mga gawa ko in public", malaki ang ngiti ni Julie.

Satisfied siya sa kinalabasan ng obra.

Ilang sandali pa, nag vibrate ang cellphone niya.

Tumatawag si Makoy.

"Hello, Makoy! Bakit?", bungad ni Julie.

"Ah, Julie pakisabihan mo si Ate Sonya, magdadagdag pako ng tig 10 kilo ng wings at breast!", malakas ang boses nito mula sa kabilang linya.

"Ah ok sige, bakit parang aligaga ka?", tanong ni Julie.

"Eh kasi kami kami lang sa Tiki ngayon, wala si Sir Elmo!", sabi nito.

Nacurious naman ang Julie bakit  wala si Elmo.

"Ha? Bakit nasaan si Elmo?", tanong niya.

"Nasa Singapore, kasama ni Missy!", sabi ni Makoy.

Napatayo naman si Julie sa kinauupuan.

"Ah ganun ba?", tanging nasabi nito.

"Ah...sige Makoy, itatawag ko muna kay Ate Sonya yung pinapadagdag mo", sabi niya saka na tinapos ang usapan nila.

Nagiisip na naman siya.

Umalis pa din pala si Elmo.

Kahit pa mas importante ang obligasyon niya sa Tiki , pinagbigyan  pa din nito si Missy.

Kinabahan lalo siya nang biglang maisip na baka mag po propose na si Elmo sa girlfriend.

Parang biglang nagsikip ang dibdib ni Julie.

Hindi niya alam bakit may kirot sa pakiramdam niya.

Wala naman siyang karapatan, pero bakit siya nasasaktan?

--------------------------

Alas 5 nang ihatid niya ang painting sa Mayor's Office.

Nagustuhan naman ito ng Alkalde.

Masaya si Julie, hawak ang checke para sa kabayaran nito.

Matutuloy na din ang exhibit na matagal na niyang pinaplano.

Marami rami na din ang obrang mai-sho-showcase niya.

Dagdag pa ang ilang Photos na isasama niya dito.

Dumiretso siya sa bar ng pinsang si Teddy.

"Insan! Naligaw ka? Friday lang ah hehe!", biro ni Teddy.

"Masama bang mamiss ka?", biro din niya.

Close talaga sila ni Teddy. Parang kuya na nga niya ito talaga.

"Inom tayo!", yaya ni Julie.

"Uy! Insan! Ikaw ba yan?",tanong nito.

"Hindi ka naman usually ganyang mauunang mag-aya ah!", takang sabi ng pinsan.

"May problema ka ba?", usisa pa ni Teddy.

"Ha?! Wala. Kasi ano eh, eto oh!", saka winagayway ang checke sa pinsan.

"Nabayaran na ko dun sa painting ni Mayor!", sabi niya.

"Julie Anne, sa kin ka pa talaga gumanyan?!", sabi ni Teddy.

"Sa kuripot mo, hindi ka basta basta gagastos kung ipang iinom lang!", dagdag niya.

Kilala na talaga si Julie ng pinsan niya.

Alam nito may pinagdadaanan si Julie.

"Wala naman to, gusto ko lang talaga magcelebrate!", mapait ang ngiti niya.

"O sige na nga kunyari naniniwala ko sa sinasabi mo!", kantyaw ng
pinsan.

Hinila na lang ni Teddy si Julie sa loob ng bar. Nakaakbay pa nga siya sa pinsan.

Pumuwesto sila  sa isang corner kung saan makakapagusap sila ng maayos.

"O game! Spill!", sabi ni Teddy.

Hindi pa man nauumpisahan ang San Mig lite na nilabas para sa kanila ni Julie, diretso na ito agad na nagtanong.

"Si Elmo ba?", titig niya sa mga mata ni Julie.

Hindi naman kumibo si Julie. Pero nakatingin lang din siya kay Teddy.

Nangungusap ang mga mata nito.

Halata ang pangingilid ng luha.

"Pucha! Sabi ko na eh!", iling ni Teddy sa kanya.

"Iba mga tingin mo sa Mokong na yun eh!", sabi pa niya.

Sinubsob naman ni Julie ang mukha sa lamesa.

"Hindi ko alam?!", sabi niya.

"Nacoconfuse ako!", inis niyang sabi.

"Bakit siya pa!?",dagdag niya.

"Madami namang iba eh!", angal ni Julie.

"Couz, hindi mo naman matuturuan kasi ang puso!", hirit ni Teddy.

"Minsan, gago talaga yan, dun pa sa hindi pwede tumitibok!", dagdag pa nito.

"Ano ba sa palagay mo, gusto ka din niya?", tanong ni Teddy.

"May girlfriend siya eh!", nagpout si Julie.

"Yun lang, talo agad haha!", iling ni Teddy.

"Kaya nga naiinis ako eh, ayoko naman nakikigulo sa mga ganyan ganyan!", sabi ni Julie.

"At wala naman akong balak maging kumplikado ang buhay ko!",....

" Madali namang umiwas eh!", sabi ni Julie saka uminom ng beer.

"Uy, tama na yan! Baka mabisto ka pa ni Tita nagkakaganyan ka dahil sa lalake!", paalala ni Teddy.

"Hmmm, set up na lang kaya kita ng blind date?", nagiisip si Teddy.

"Teddy!!!! Ano ka ba! Hindi naman ako desperada no?", angal ni Julie.

"Eh kelangan ma divert na lang sa iba yung atensiyon ko!", yun naman ang naisip ni Julie.

"Yun na nga ang solusyon natin! ma divert sa ibang tao ang interes mo!", sabi ni Teddy.

"Akala ko ba sabi mo hindi natuturuan ang puso?", tanong ni Julie.

"Hindi nga!..Pero pwede mong iligaw ng landas!", ngisi ni Teddy..

"Bukas mag ready ka, may iba blind date ako sayo!", taas baba ang kilay ni Teddy habang nakangiti sa kanya.

"Ewan ko sa yo!", saka naman sinubsob ulo ni Julie ang ulo sa lamesa.

♡♡♡♡♡

















Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon