"Moe,you can put me down!", sigaw ni Julie sa pagkakabakay sa kanya ni Elmo.Ibinababa naman siya nito.
"Bigat mo, Baby! Haha!:", biro ni Elmo sa kanya.
"Che!", saka naman ito muling nagjog palayo.
"I can get used to this, you know!", sabay na sila nagjo jog ngayon.
"What?", tanong ni Julie.
"Eto, waking up with you, jogging in the morning, feeling the breeze...."
"Painting the town Red!"....
"Or Orange!", kindat pa ni Elmo sa kanya.
"Naks! Poetic ah! Haha!", asar naman ni Julie
."Haha! Why? don't you like me, being romantic?", saka ito nag jog in place.
"Syempre, gusto!", saka naman siya hinalikan ni Julie sa labi.
"Nakatulog ka lang sa kama ko, naging extra sweet ka na, Baby!", pansin kasi ni Elmo na nagiging kumportable na lalo si Julie sa kanya.
Madalas kasi nangangapa siya kay Julie dahil nga lagi siyang tinutukso nito sa tuwing nagiging clingy siya.
"May gayuma ata yung scent ng kama mo, Irog haha!",....
Tumawa lang din si Elmo.
"Balik na tayo, Baby baka napapagod ka na?",alalang sabi nito.
"No, I'm good. One more lap, then we'll go home!", iniwan na naman siya ni Julie at tumakbo.
Sa totoo lang, si Julie ba ang mahina ang puso o si Elmo hehe!
-----------------------
Nagready na ang dalawa papunta naman sa Tiki.
"Baby, don't you have anything else to wear?", medyo kunot ang noo ni Elmo na nakatingin sa suot nitong white shorts.
May kaiksian kasi ito, although polo naman na blue ang ipinartner nitong pantaas.
"Bakit, pangit ba?", takang tanong ni Julie saka tinignan ang sarili.
"Maganda! Sobrang ganda!",....
"Kaya nga ayoko eh!", sagot ni Elmo.
"What? Ang gulo mo Irog!",....
"Maganda! Pero ayaw mo?", takang tanong ni Julie.
"Baby, a lot of guys come to Tiki everynight, ayoko namang pagpiyestahan ka nila", paliwanag nito.
"Irog! Ang OA mo lang haha!", tawa ni Julie.
"Kasama naman kita eh!", saka ito umangkla sa braso ni Elmo.
"Pahiramin na lang kaya kita ng pants!", suggest nito.
"Irog, If I fit in your pants, I'm gonna kill myself!", sabi pa ni Julie saka na lumabas ng kwarto.
Wala naman nagawa ang Elmo kundi sundan na lang ang girlfriend palabas.
----------------------------------
Tiki Bar, Morato 4PM
"Good Evening Sir Elmo! Hi po Ms.Julie!", bati ni Jelai sa dalawa.
"Kumusta dito, Jel?", tanong agad nito sa kahera.
Saka inispeksyon ang ilang bagay sa counter.
Seryoso talagang Boss si Elmo. May panahon kung bibiruin mo ito.
Pero mabait naman ito basta't labas sa trabaho ang paguusapan.
Gusto nitong sundan siya ng mga tauhan niyang maging dedicated din tulad niya.
Para sa kanya,ang attitude ng isang tao sa workplace ay reflection ng pamamalakad ng amo nito.
Kaya kung tamad ang amo, tatamad tamad din ang mga tauhan.
Pero kung masipag at matiyaga ang namamalakad dito, ganun din ang makikita mo sa mga taong nasasakupan mo.
He was even awarded as one of the Top Ten Best Young Entrpreneurs nung nakaraang taon lang.
--------------------
Medyo matao sa Tiki ngayon, alas 6 pa lang pero dagsa na ang orders sa kanila.
Aligaga na din ang mga tauhan. Kaya si Elmo labas pasok sa kitchen para macheck kung ayos lang ang takbo ng operation dun.
Paglabas niya, nasa cash register na din si Julie at abala sa pagsukli.
"Baby, you don't have to do that!", sabi pa ni Elmo.
"Nasan si Jelai?", ...
"Nagserve ng order eh, sabi ko ako na muna dito!",sagot ni Julie.
"Yaan mo na ko, wala naman akong ginagawa eh, saka madaming tao", ngiti niya pa kay Elmo.
"Business is good pag ka ganun!", dagdag pa niya
"Thanks , Baby!", saka ito humalik sa ulo ni Julie.
"Saka sanay ako dito, may sari sari store si Mama nung bata ako,tapos minsan nagkakaha din ako sa Teddy's Grill, so alam ko pano maghandle pag sabay sabay na ang tao", pagmamalaki pa niya.
Natutuwa naman si Elmo sa girlfriend, wala itong arte sa katawan.
At magandang nagagamay ni Julie ang operasyon ng negosyo niya.
Sa isang banda, gusto niyang makitang lumago ang negosyo na kasama si Julie.
This is his bread and butter at nais niyang maging stable ito kapag lumagay na sila ni Julie sa tahimik.
Although he had saved enough to start a family, hindi naman siya dapat makampante sa kung ano lang ang naipon niya.
He wants to give Julie the good life she deserves.
----------------
Alas siyete nang mamataan namqn ni Julie si Makoy na palapit sa bar counter
"Oh, ngayon ka lang?", tanong ni Julie.
"Sorry, Ma'am, nagpasabi ako kay Sir Elmo na male late konti, hinatid ko pa kasi si Jen sa kanila", paliwanag nito.
"Sus, wag ka na umasa sa Jen na yun, babastedin ka din nun haha!", asar pa ni Julie sa kanya.
"Excuse me my dear Kinakapatid!, "kami" na po!", mabilis na sagot ni Makoy dito.
"Oy, oy! Anong ginagawa mo sa Baby ko ha!?", singit ni Elmo.
"Ah, Ser! Hehe! Wala po, ito kasing si Julie inaasar na naman ako", parang batang sumbong nito.
"Haha! Let her! Forte niya yan eh! Magkakasakit siya pag di siya nakapang asar ng isang araw! Haha!", dagdag din ni Elmo.
"Hehe! Eh sarap mo kasing asarin eh, bata pa tayo pikon ka na talaga haha!", kwento ni Julie,
"Ewan ko sa yo, Julie Anne!", saka na ito tumalikod para bumalik sa trabaho.
"Baby, take it easy okay! Masyado kang hyper!", saka ito yumakap sa girlfriend.
"Do you need anything? Baka gutom ka?", sunud sunod na tanong ni Elmo.
"I'm okay!",...
"Active naman talaga ko eh, I told you, do not treat me as if I'm sick or something", yumakap na din ito kay Elmo.
"I know, naiisip ko lang hindi ka din pala pwedeng laging andito sa bar, lalo't mausok at stressful din", sabi pa ng boyfriend.
"Kung nasaan ka, dapat andun ako!", panigurado ni Julie sa kanya.
"I wanna help you in the the best way I can. Tag team tayo dapat!", sabi pa niya.
"Kaya love kita, Baby eh!", saka naman muling humalik si Elmo sa labi niya.
Bumulong naman si Julie sa tenga niya.
"I love you too!.....Always! Always!",......
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
OverigA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction