"Ingat ka", bilin ni Jullie kay Elmo."I will. Thank you sa Breakfast", sagot ni Elmo habang hinahatid ni Julie sa sasakyan.
"Gusto mo samahan kita?", tanong ni Julie.
"Nope, ako na lang, pagod ka din. You need to sleep!", sagot ni Elmo dahil didiretso na ito ng ospital pagdating ng Manila.
"Irog! Baka naman paggising ko wala ka na?!", parang bata itong yumakap kay Elmo.
Pero may lalim ang ibig niyang sabihin.
Natawa naman ng konti si Elmo.
"Of course not. I made a decision already, at malinaw na ikaw ang pinili ko", saka ito humalik sa noo ng girlfriend.
"Promise?!", naninigurado si Julie.
"Promise!"....
Ngayon lang napansin ni Elmo ang ganitong soft side ni Julie.
Madalas nga kasing malakas ang dating nito sa kanya.
Tough at very independent.
Dinungaw pa ni Elmo si Julie sa bintana, bago pa nito inistart ang sasakyan.
"I love you!", sabi ni Elmo
Sumagot naman si Julie.
"Thank you!", isang sincere na pasasalamat ang pinakawalan nito.
"For choosing me", ngiti niya.
"Of course!", mabilis namang sumagot si Elmo.
"I'll be back later to pick you up ok!? Magpahinga ka muna!", bilin pa ulit niya kay Julie.
"Ikaw din. Go to sleep. Kung ayaw mong Panda na lang ang itawag ko sayo!", biro pa ni Julie.
Kumakaway pa si Julie habang tinatanaw ang papaalis na sasakyan ni Elmo.
Sa totoo lang nagaalala siya sa maaaring maging resulta ng pagpunta ni Elmo sa ospital para silipin si Missy.
He made a promise that he will just go to see and check up on her.
Pero hindi yun ganun kadali sigurado.
They had history.
Isang iglap pwedeng maiba ang realizations ni Elmo at balikan nito si Missy.
They had 3 long years, while hers was barely a month. Kasama pa dito ang mga araw na business lang ang namagitan sa kanila.
Wala siyang laban.
Ano ba naman yung ilang beses silang nagkape, dalawang beses na hinatid sa bahay at isang movie.
But for Julie, those days were her happiest dahil kasama niya si Elmo, ang unang lakakeng minahal niya.
---------------------------------
"How is she doing?", tanong ni Elmo sa Tita ni Missy.
Tulog ang ex girlfriend nang abutan niya.
Ito na ang nagalaga sa dalaga mula nung magpunta sa States ang mga magulang nito.
They were there to seek for greener pasteur ika nga.
Nangako silang kukunin si Missy agad.
Isang taon...Dalawa.Tatlo. Hanggang hindi na siya na petition ng mga magulang.
Naghiwalay pala ang parents niya doon.
And Missy was left hanging.
Hindi alam kung ano na ang plano ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RastgeleA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction