Ninetieth

1.1K 71 3
                                    


#GenderReveal

4PM ang itinakda ni Elmo para sa party ngayong Linggo.

Nakapagmass na din sila ni Julie ng umaga kaya libre na ang araw nila sa hapon.

"Are you excited, Baby?", tanong ni Elmo habang nagmamaneho papunta sa Tiki.

"Super excited! Ngayon na natin malalaman ang gender ng kambal!", saka nito hinimas ang tiyan na di pa din naman kalakihan kung tutuusin.

All set na ang Tiki para sa private party. Napaka colorful ng paligid at napaka relax ng ambiance.

Tutus and Ties ang theme ng Gender Reveal party nila.

Kaya may souvenir na orange and blue cake pops, sugar cookies na halong shape ng orange tutu skirt at blue ties.

Meron din syempreng cupcakes na ipamimimigay sa mga bisita.

Intimate lang ang event. Kabilang sa mga present sina Lola Dessy, Mama ni Julie, ang Ninang Gigi niya, na nanay ni Makoy,si Jake, ate Cel at si Yaya Lumen.

Syempre hindi mawawala sina Makoy,na kasama ang girlfriend na si Jen, Teddy, Georgina, at Ada.

Andun din si Architect Chito Ledesma at ang asawa nito, ang kaibigan ni Elmo na siyang nagdedesign ng bahay na ipapatayo ng mga ito sa Bulacan.

May tally board din kung saan boboto ang mga ito sa kung anong gender ang gusto nila para sa kambal.

Naghanda din ng masaganang merienda ang Chef ni Elmo sa Tiki.

2 kinds of Pasta, assorted canapès, ang signature dish nilang Jerk chicken at Spam maki.

Gumawa din si Yaya Lumen ng blue na puto, partner syempre, ang orange na kutsinta.

Si Georgina at Ada ang nagsilbing mga hosts.

"Okay, so sa tally board natin, nanalo ang both boys!",

Paano outnumbered ng mga lalaki ang mga babae.

Si Elmo, Teddy at Makoy lang dehado na. Kasama pa ang crew ng Tiki na majority lalake.Idagdag pa si Archirect.

Sa kabilang banda nahati ang boto sa both girls at boy and girl ng mga babae.

"Mukhang gusto ni Elmo ng basketball team ah!", sigaw ni Ada.

"Kelangan pa ng 3 para makabuo ng team!", dagdag naman ni Georgina.

"Oy, grabe kayo! Ano ko palahiang baboy!", sigaw ni Julie.

"Bes, ikaw ba anong boto mo?", siko ni Ada kay Georgina.

"Basta may batik, okay nako dun! Haha!", biro ni George.

Pabiro naman siyang binato ni Julie ng tissue.

"Lokah! Haha!", tawa ni Julie.

"Irog, oh!", sumbong pa kay Elmo.

"Inggit lang mga yan, Baby! Hehe!", saka pa niya hinalikan si Julie sa noo.

"Okay, now is the time for the big announcement!", sigaw ni Ada.

Sila Ada at Georgina ang magbubukas ng envelope para malaman ang resulta.

Kasama sa gimmick ni Elmo ay ang paghatak sa isang string kung saan may mahuhulog na mga confetti.

Blue for boys at Orange for girls.

Ready na ang lahat. Tutok sa pagbubukas ni Georgina ng envelope.

"Okay, this is it guys!", saka binasa ng mabilisan ang nakasulat dito.

Sabay namang naghagikgikan ang dalawang kaibigan ng makita ang resulta ng ultrasound ni Julie.

"Okay, tulad ng pakana ni Elmo, hihilahin namin ang string na magsasabi ng gender ng kambal!", sabi pa ni Ada sa microphone.

Si Ada ang humila ng string.

🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉

Blue ang nalaglag na confetti.

"Yes!" sigaw nila Teddy at Makoy sa excitement.

"Wait, wait wait! There's more!", saka hinila din ni George ang isa pang string.

Ang orange.

"Yay!!! Its a boy and a girl!", sigaw ni Julie saka pa napatayo at yumakap kay Elmo.

"Yes, Baby, I'm so happy haha!", saka din niya hinalikan si Julie.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng andun.

Mangiyak ngiyak din ang magkatabing sila Lola Dessy at Mama ni Julie.

"Congrats!!!", bati ng lahat sa dalawa.

Nagpagames pa ang mga hosts na sila Ada at George.

Hindi naman din nawala ang kaliwa't kanang selfies nila Julie at Elmo kasama ang mga kapamilya.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang dalawa sa closing ng party.

"In behalf of Lola Dessy and Tita Alice, Julie and are very grateful to have celebrated this wonderful event with you guys!",

"Thank you all and see you sa Binyag! Haha!", sabi pa ni Elmo habang nakaakbay kay Julie.

Si Julie naman ay animong asawa na nakasuporta lang sa bawat sasabihin ni Elmo.

"Yes, thank you sa pagpunta, and see you sa baby shower haha!",

"Dapat may Baby shower para maraming gifts ang twins namin haha!", dagdag pa niya.

Alas 7 ng gabi nang matapos ang party nina Julie at Elmo.

Walang katumbas na saya ang nararamdaman ng dalawa ngayong alam na nila ang gender ng inaabangang kambal.

"Baby, tomorrow we can start shopping na for the babies!",

"Alam na natin ang mga dapat bilhin",

"I wanna buy that stroller for the twins para we can take them sa park!",

"Then we'll buy them the crib, tig isa sila with matching blue and orange design!",...

Nakangiti lang namang tinitignan ni Julie si Elmohabang iniisa isa ang mga plano ni Elmo.

Natutuwa siya sa excitement na pinapakita nito para sa pagdating ng kambal.

At sigurado siya, Elmo will be the best daddy in the world!.

♡♡♡♡♡♡♡♡








































Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon