Si Julie ang nagbasa ng poem by Lang Leav. Isa ito sa favorite writer niya.
Wala pa si Elmo. Hindi siya inabot magbasa. Maaga aga pa naman kasi. 8PM pa lang.
Kasama niya ang mga kaibigang sila Georgina at Ada. College pa lang mga kaibigan na niya ito.
Si Georgina, ang kwela sa grupo. George ang tawag nila sa kanya. Babaeng bakla ito sa madaling salita. After grumaduate, nagbantay na lang ito ng mini grocery ng nanay niya.Ilang taon pa magiging tagapag mana na din ito ng 6 na pintong apartment na pinauupahan nila sa Kamuning. Man hater dahil niloko ng boyfriend niya matapos ang 4 na taong relasyon.
Si Ada naman ang manang ng grupo. Tipikal geek. Nakasalamin, wavy ang buhok pero super talino. Sa talino niya, nahire siya as Executive Secretary ng isang kilalang Senador. Sa tantiya niya dahil dito, hindi na siya makakapagasawa pa.
"Oh, nasan na yung special guest mo kamo?", tanong ni Ada.
"Eh wala pang text eh!", kibit balikat niya.
"Sinabuhay na ata ang pagiging espesyal, tignan mo paimportante!", sabi naman ni George.
"Eh baka busy sa bar. Saturday ngayon eh hindi siguro makapuslit", haka ni Julie.
Lumapad naman ang ngiti nito bigla nang makita si Elmo na papasok ng Cafè.
Tumayo siya agad para salubungin ito.
Ngunit hindi nagtagal nawala din ang ngiti sa labi niya nang makitang may kasama pala ito.
"Hi Julie...", kaway ni Elmo.
"Remember, Missy..My girlfriend?", paalala niya kay Julie.
"Y-yes, of course!", ngumiti na lamang ito.
"Hi, Julie!", bati naman ni Missy na bumeso pa sa kanya.
"She arrived this morning, namiss niya daw ako eh! kaya mabuti nakasama ko siya ngayon!", masigla ang boses ni Elmo.
"Dun tayo! I reserved a table for u (us)....I mean for both of you!", sabay turo ni Julie sa nireserbang table.
Inalalayan naman ni Elmo ang girlfriend papunta sa tinuro ni Julie.
Naupo naman silang tatlo.
Si Missy, si Elmo at katabi niya si Julie.
Yun naman kasi talaga ang tamang ayos nila.
Bilang si Elmo ang talagang kilala niya kaya ito ang dapat nakagitna sa kanila.
"Ah, excuse me ha! Restroom lang ako, Julie, Babe!", paalam ni Elmo.
Naiba naman ang dinig ni Julie, kala niya JulieBabe ang tinawag sa kanya nito. Narealize niya katabi nga pala niya si Missy. Ang Babe niya.
"Ha?!? Ah! Oo..sige, sige. Diretso tapos kaliwa!", turo ni Julie.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction