Nagising si Julie 7Am na ng Sabado.
"Shooot! Nakatulugan ko si Elmo kagabi!", napabalikwas ito sa kama.
Chineck niya agad ang cellphone.
May text si Elmo.
***Tinulugan mo ko? Lol! 😴😴😴 Nonetheless, I find it cute!
Goodnight, Julie!Nagtext naman siya para magreply.
Kahit na ba umaga na , syempre dapat sagutin niya pa din ang text ng kausap.
***Hi! Good Morning! I didn't fall asleep. Na drain yung battery ko.lol!
Lumabas naman siya ng kwarto para batiin ang ina ng Magandang Umaga.
"Wala si Mama mo, nasa poultry", sagot ni Ate Cel.
"Ah okay! Ang aga ah! Di ako sinama!", sabi naman ni Julie saka umupo sa kabisera ng hapag.
Itinaas pa nito ang kanang hita habang nagaalmusal
Tapsilog ang hinanda ni Ate Cel.
Kaya ganado ang Julie.
"Julie, maglilinis muna ko sa kwarto mo ha?!", sigaw ni Ate Cel niya.
Ilang minuto pa lumabas naman ito sa kwarto agad.
"Oh, Julie may message ka!", sabi pa niya saka inabot kay Julie ang phone.
Babasahin pa lang niya ang message nang...
"Okay lang daw na tinulugan mo siya haha!", banat ni Ate Cel.
"Ate Ceeellll!!! Bakit binabasa mo yung message ko?!", kunyaring inis na sabi nito.
"Wag mo kasing iniiwan iwan yang cellphone mo kung saan saan, sa laki ng mata ko, kahit isang metro pa ang layo, mababasa ko yan!", biro ni Ate Cel.
Natawa naman si Julie.
Totoo kasi yun, malaki nga kasi ang mga mata ng maid nila.
**
Elmo: What a lame excuse! Haha! Okay lang na tinulugan mo ko kagabi... Good Morning to you too!" 😊
Hindi naman na siya sumagot.
Tinapos na lang ang pagkain niya.
"Thank you, Lord sa masarap na food!. Busog na naman ako!", pasalamat niya habang nakadikit ang mga palad.
Pumunta naman ito sa likod bahay.
Ito na ang nagsilbing studio niya.
Nasa mood siyang mag umpisa ng isang obra today.
May nabuo ng idea sa isipan niya.
Alas 9 naman ng dumating ang Mama ni Julie, sinilip naman siya agad nito kung saan siya nakapwesto.
"Hi, Ma! Aga nyo po nagpunta sa poultry , hindi tuloy ako nakasama!", sabi ni Julie.
"Eh ang himbing ng tulog mo eh!", sabi ng ina.
"May sinasabi ka pa ngang pangalan!",....
"E-Elmo!!! Elmo! Haha!", biro ng ina.
"Grabe ka, Ma! Wala namang ganun!", tanggi ni Julie.
Masayahin din talaga ang Mama ni Julie. Para nga lang silang magkapatid kung magturingan.
Mula ng mamatay ang Papa niya, dalawa na lang silang mag-ina ang magkaramay sa lahat ng bagay.
"Oh, What are you doing, anak?", tanong ng ina nang mapansing may uumpisahan na naman itong bagong painting.
"Ah, wala Ma! Naisip ko lang ibigay sa isang kaibigan!", paliwanag niya.
"Hmm! Dyan naguumpisa yan, Nak!", pahiwatig naman ng ina.
"Una, kaibigan pero tagal tagal magiging kayo na!?! , prankang sagot ng ina saka umupo sa isang stool.
"Julie, anak, nasa edad ka naman na para magboyfriend. At hindi mo yan maiiwasan sa lahat ng oras.",....
"You've been a good, responsible and loving daughter to me. At proud ako sa 'yo anak.",...
"You deserve to be happy. Pero magiingat ka ,Nak",...
"Ang pakikipagrelasyon, laging may kabit na sakit yan", sabi pa ng ina.
"Mukha namang mabait si Elmo. Gusto ko siya para sayo", dagdag nito.
"Ma! Hindi naman po nanliligaw si Elmo. Magkaibigan lang talaga kami", depensa ni Julie.
"Aaminin ko po, gusto ko siya. Lahat ng qualities na gusto ko sa lalake na sa kanya",...
"Mabait, responsable, witty, masarap kausap at higit sa lahat...Gwapo!! haha!!!", pagisa isa ni Julie.
"Pero he's already committed, Ma!",bumagsak ang balikat nito.
"Matagal na sila ng girlfriend niya, at ayoko pong sirain yun", paliwanag ni Julie.
"Alam niyo naman Ma, nung isang beses na naligaw ng landas si Papa, nakita ko kayong umiyak nun ng sobra",...
"At alam ko dahil sa ibang babae, muntik nasira ang pamilya natin",malungkot niyang sabi.
"Ayoko pong mangyari na ako ang maging dahilan sa pagkasira ng isang relasyon", ani Julie.
"Julie, iba naman yung sa amin ng Papa mo. Pagsubok lang yun. Nakita mo naman at nai-ayos din niya ang pagkakamali niya", sabi ng ina.
"Minsan kasi , may mga bagay anak na hindi natin maiiwasan. Maraming factors o temptations sa paligid. Kaya nasa atin na yun kung magpapadala tayo o hinde" paliwanag pa uli nito.
"Yang sa yo, hindi naman yan bawal na pagibig, Anak, wala ka namang sinisira",...
" Andun na tayo, masasaktan ang girlfriend niya kung dumating ang araw na ikaw ang piliin ni Elmo",...
"But it was fate that brought you together",...
"Julie, hindi mo naman matuturuan ang puso eh. Kahit yan si Elmo, aminin man niya o hinde, alam ko nagugustuhan ka din niya", sabi pa ng ina.
"Hindi biro ang bumabiyahe pa siya ng malayo para sunduin ka, o icheck kung nakauwi ka na ba, at lalong hindi yan magbababad makipagkwentuhan sayo ng hanggang madaling araw, kung wala ka lang sa kanya!", mahabang sabi ng mama niya.
"Anak, ang mga lalake, very transparent ang mga yan. Kung ayaw nila sa isang babae, hindi yan sila magaaksaya ng panahon"....
Napaisip naman si Julie Anne. Ayaw niyang masyadong seryosohin ang sinabi ng ina. Para sa kanya, it was a general opinion sa mga lalake. Hindi lang sa isang partikular na tao.
Hindi lang kay Elmo.
Natutuwa lang siguro si Elmo sa kanya.
♡♡♡♡♡♡
![](https://img.wattpad.com/cover/65888894-288-k471141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction